How You Changed Me (chapter 1)


How You Changed Me (chapter 1)
By: Raze Manunulat
Username on wattpad: SIFWrites_
His POV
“Paunahan!”
“Huy! Slow down Yuki!” napatigil ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko.
Nasa harap na ako ng room namin ngayon, napahawak ako sa tuhod at napayuko, at sa pagyuko ko may nakita akong isang bagay sa sahig. Isang name tag.
“Guys! Kaninong name tag to?!” sigaw ko sa kanila
*pak!!
“Dati ka bang bobo Rave? Name tag yan, tinanong mo pa kung kanino!” napaaray nalang ako sa pagbatok sa akin ni Yuki, pero tama nga siya, dati nga akong bobo haha.
Binasa ko ang pangalan na nakasulat doon.
Kleyya M. Couflin- Grade-11 Gryffindor.
Nasa kabilang section pala, pero bakit nandito ‘to?
“Guys andiyan na si Sir Velasco!” sigaw ng isa kong kaklase na ikinatakbo ko papuntang upuan, ibinulsa ko nalang muna ang name tag.
“Itsura ni Rave, parang pinagsakloban na naman ng langit at lupa, parang yelo na hindi natutunaw, parang ahas na handa ng manuklaw , walang emosiyon pero marami paring natuturn-on, sanaol habulin, mapababae man bakla at aso, oh Rave how to be you po… ”
Ayan na naman si Yuki sa ‘tula’ niya daw sa akin. Ilang beses na niya ‘yang nererecite sa’kin kapag nakikita niya ako minsang wala sa mood, kahit lagi naman, hinahayaan ko na lang yan kahit minsan ang sarap niyang isabit sa kisame.
Tinatamad din akong makinig kay Sir, nakakaboring kaya ang History! Nakatingin lang ako sa kawalan at inaantay ang ring ng bell.
• • •
Recess time na. Ayan na naman ang mga kaklase ko, gagawin na namang disco-han ang room sa lakas ng sound.
“Let’s kill this loveee! YEAHH, YEAHH! YEAAH!”
“Drop some money! tenenen”
“Tingnan mo lang ang aking mata, wag kang titingin pa sa iba..!”
Nakakabingi! Plano ko na sanang lumabas ng biglang may pumasok na babaeng estudyante sa room namin. Nawala ang ingay sa buong room at napatingin silang lahat sa babae,kasama na’ko don. Ang puti niya, angelic ang mukha, at may mahabang buhok na hanggang baywang. Pamilyar siya sa’kin, kakaiba ang dating niya eh, nagkita na ba kami? hindi ko lang maalala kung saan.. well, I don’t mind, ewan ko. Mayaman to, sigurado ako.
“Uhm, good morning pala sa inyo. May itatanong lang sana ako, may nakita ba kayong name tag?” tanong niya sa amin, napatigil naman ako. Napatingin ako sa bulsa ko, kinuha ko doon ang name tag.
“Kleyya Couflin yung pangalan, baka hindi kayo pamilyar sa’kin, transferee ako from Nojan High School, nice to meet you all” pakilala niya saka ngumiti. Marami namang nag approach sa kaniya at nakipag close na kaklase ko. Hayst mga plastik.
“Tabi ! ” napatingin naman sila sa akin.
“May nakita ako kanina sa hallway, baka nandoon, tara ituro ko nalang sa’yo” saad ko, napakunot naman ng noo ang ibang mga kaklase ko.
May ibang nagsasabing…
“Diba may nakita ka dito sa room?”
“The moves Rave!”
“Pasikat!”
“Yayain mo nalang kasing lumabas!”
Pero hindi ko na pinansin. Nahihiya akong ibigay sa kaniya doon ang name tag niya, kaya nagpalusot nalang ako. It’s a way para makilala ko din siya noh 0_o.
“Uhhh… Saan banda mo ba nakita? Ako nalang maghahanap doon, nakakahiya naman,naabala pa kita.” napatigil kami sa gitna ng hallway sa left wing...


ng School.
“Uhm, eto oh” saad ko, at inabot sa kaniya ang name tag. Medyo nagulat siya at nagtaka pero kinuha niya parin.
“Nahirapan kasi akong ibigay kanina, saka nahihiya na rin, pinapalibutan ka kasi ng mga kaklase ko, kaya dito nalang” pagpapaliwanag ko na hindi nakatingin sa kaniya. Then I heard her chuckled.
“Kaya pala, salamat ha uhh.. ” nagets ko naman bigla ang pagtigil niya sa pagsalita.
“Raven Meterou.” sagot ko.
“Thank you Raven, it was nice to meet you” saad niya at napayuko pa ng kaunti. Problema nito? Magpapasalamat lang eh.
“Walang ano man ‘yon” sabi ko nalang.
“Sige mauna na ako.” paalam niya at ngumiti pa. Tumayo ang mga balahibo ko, pero hindi ko alam ang dahilan.
“S-sige, mauna na din ako” paalam ko din sa kaniya at tumalikod na agad, binilisan ko ang mga hakbang ko hanggang sa makalayo na sa kaniya.
Napalingon ako, wala na rin siya doon, nakahinga na ako ng maluwag. Teka bat ako nautal kanina? Nakakawala ng angas yun ah! -,-
Deretso lang ako sa paglalakad papuntang canteen, napapaisip…
Parang nagkita na talaga kami eh, di ko alam kung saan, hayst! Why am I wasting my time thinking about that, by the way?!
The edges of my lips curved. But I’ll say that she’s cute, lalo na ‘yong smile niya.
“It was nice to meet you too Kleyya.”
• • •
“Gusto mo bang mamatay Rave? Palagi ka nalang soda in can! Isipin mo naman ang health mo.” Ayan na naman si Yuki. Senesermonan na naman ako.
“You don’t mind if I die either! Kaya manahimik ka nga jan, Nanay.” sabat ko sa kaniya. At ayon nga nakatanggap na naman ako ng pambatok niya.
“Pinagsasabi mo jan ha? Alam mo namang parang kapatid na ang turing-”
Alam ko na kung saan patutungo itong bangayan namin, kaya umalis na ako kahit nagsasalita pa siya, na hindi ko naman naiintindihan.
“…tapos gaganyanin mo- Huy! Ang lakas ng loob mong takasan ako?! Saan ka pupunta?”
“Tambayan!” sigaw ko pabalik. Alam na rin naman niyan kung saan. Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na naiintindihan.
Yuki is the only trusted friend that I have right now, sa lahat ng pinagdadaan ko siya lang ang karamay ko, lahat ng sekreto ko, problema’t gulong pinasok ko alam niya lahat ng ‘yan. Tama siya, parang kapatid na ang turingan naming dalawa, we’re best buddies since grade school!
• • •
Deretso lang ako ng lakad papuntang tambayan ko. Ang rooftop. Walang estudyanteng pumupunta doon, kaya mas magandang tambayan doon. Doon din kami madalas magtambay ni Yuki, at anong ginagawa namin don? Nahh, don’t mind it.
Paakyat na ako sa may hagdan, malapit na sa may pinto, bubuksan ko na sana ito ng may maapakan akong isang bagay… ballpen? Bakit may ballpen dito?
Pinulot ko iyon, may tao dito? Napatingin ako sa ballpen. Sino naman kayang naghulog nito dito ha? Hindi talaga maingat sa mga gamit, hayst.
Hinawakan ko na ang doorknob ng pinto ng biglang may alaalang pumasok sa isipan ko…
“Ang bilis mo naman, parang ayaw mo ng makuha ‘tong wallet mo miss?”
“Tititigan mo lang ba ako? Sige akin nalang ‘to.”
“T-teka! Wallet ko ‘yan!”
” oh ayan, ingatan mo kasi ang mga gamit mo miss.”
ITUTULOY..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top