I CHASE A WRONG GIRL


I CHASE A WRONG GIRL
“Everything will be okay, Kyce. Don’t waste your tears,” pagpapagaan ko ng loob sa babaeng matagal ko ng gusto.
I became her boy best friend and comfort zone pero hindi pa rin niya napapansin na gusto ko siya. Pinipilit kong ignorin ‘yung sakit sa tuwing nagpapakilala siya sa’kin ng boyfriend niya pero wala eh.
“A-Am I not beautiful, Desimiel?”
“You are beautiful kaya nga maraming nagkakagusto sa’yo,” isa na ako doon. She begin to cry again.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. I can’t afford to see her hurting like this. She deserves better, ‘yung papahalagahan siya.
“I need to tell you something,” basag ko ng tumigil siya sa pag-iyak.
Kumalas ako sa yakap para makita ang magiging reaksiyon niya. “Matagal na kitang gusto, Kyce. Since the day I met you in the church and your eyes have been focused on me. Pwede bang ako na lang? Can you.. can you give me a chance?”
“Promise hindi kita lolokohin. But it’s okay if you’ll not give me a chance, lilipat na rin kasi ako papuntang Cebu,” dugtong ko.
Tear escape in her eye. “Y-Yes. Chase your dreams. I will wait for you.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya bago tuwang tuwa siyang niyakap. “So, tayo na? Oh God, I’m so happy! Thank you so much!”
“Promise hindi ka magsisisi, Kyce.”
Sa unang taon namin na magkaldr, naging masaya naman kahit dito ako nag-aaral sa Cebu. Pero hindi lahat ng saya ay nagtatagal.
After two year of not being with her, may naramdaman akong pagbabago. She became cold. Isang beses na lang kami kung mag-usap sa buong linggo, hindi kagaya noon.
Hindi ako nakapag-isip ng maayos kaya bumagsak ako kaya pinauwi ako ng parents ko. At bahay nina Kyce ang una kong pinuntahan.


/> “Love? Kyce? Is that you?” nakangiting tanong ng mamukhaan siya sa daan.
“May anak pala ulit si tita Danica? Pakarga ako ng cute na baby, love,” wala sa sariling binigay niya ito sa’kin. Mukhang na-surprise ko siya.
“Hmm, I miss you. Sana ganito rin ka-ganda ang magiging anak natin,”
Natigilan siya sa sinabi ko. Ayaw niya ba magka-anak?
“She’s m-mine. Anak ko siya kay.. C-Cyrus,” pikit matang pag-amin niya.
“Nagkabalikan na pala ulit kayo?” may pait sa boses na saad before I look to the innocent baby.
Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot.
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin?” pinilit kong maging mahinahon.
“Ayaw kitang masaktan kaya tinago—”
“You hurt me more than you know, Kyce. Here, take your baby.” maingat naman niyang kinuha ang bata.
“But do you know what’s hurts the most? When you waited for years just to be with the woman that you wanted to be with because she promised that she will wait for you but why.. Bakit mo ako pinaasa sa wala?”
Nagsimula na siyang umiyak habang paulit ulit na nagso-sorry.
“Hinahabol kita kahit ang layo layo ng agwat natin. I keep on praying to be the man of your dreams pero mukhang hindi talaga tayo. You are free now. Sabihin mo sa’kin kapag niloko ka ni Cyrus haha,” I laughs pero mas lalo lang siyang umiyak.
Bumuga ng hangin. “Maybe this is our fate. Pasok na sa loob. Aalis na ako,” seryosong ani bago siya tinalikuran.
Naplano ko na lahat eh, ang sabi ko siya makakasama ko pagtanda dahil matagal ko na siyang gusto. Hindi pa pala sapat na mahal ko siya, siguro hindi pa ito ang tamang panahon para umibig pero ang sakit eh.
I think I chase a wrong girl. Masyado kong pinangungunahan kung sinong gusto Niya sa’kin.

Wb: Rain Marshall.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top