I LET MY WOMAN RUNAWAY


It’s already 8 o’ clock in the morning. I’m wearing a white tuxedo while standing here outside.
“Son are you ready?” my father asked me
I just smiled at him and nodded as an answer. Ramdam na ramdam ko kung paano bumilis ang tibok ng aking puso habang inaantay ang announce ng staff.
“Sir be ready in five seconds papasok na kayo sa simbahan” nakangiting sabi ng staff kaya agad akong tumindig ng maayos.
This is it! This is the day na ikakasal ako sa babaeng mahal ko. When the bell starts. The two big doors open and now, I slowly walk in the aisle until I reach the altar.
“This is it Kairo” I whispered to myself.
Kitang-kita ko kung paano pumasok ang mga abay sa aming kasal na may ngiti sa kanilang mga labi.
Mas tumindi ang kabog ng aking dibdib ng makita ko ang babaeng mahal ko na nasa tapat ng pintuan. She’s wearing a white elegant gown that suites to her.
Kasabay ng kaniyang paghakbang ang siyang pagtugtog ng aming wedding song. Our theme song since we became lovers for the past five years.
She’s walking in the aisle with her parents in both sides. Tila gustong kumawala ng aking puso dahil sa bilis ng tibok nito. No wonder, I fall for this woman every minute.
“Alagaan mo ang anak namin” masayang sabi ng kaniyang ina na siyang ikinatango ko.
They gave her hand to me kaya inalalayan ko siyang umakyat dito sa altar. I smiled at her and she smiled at me too.
In just a minute, the...


priest talk.
“Ikaw lalaki tinatanggap mo ba na maging asawa si babae?” tanong ng pari
Bumilis ang tibok ng aking puso at bumalik sa aking isipan ang mga masasayang alala naming dalawa.
“Opo father” I said and hold her hand
The priest look at her and asked the same thing.
“Ikaw babae, tinatanggap mo ba na maging kabiyak si lalaki?” tanong ng pari
I saw her looking at me and in just a second she answered.
“I’m sorry Kairo but I can’t” she said that makes me shock
“Iris…” I said while my heart is slowly breaking into pieces
“Im sorry Kairo but I can’t marry you” She said na siyang nagpadurog sa akin
“Iris, bakit? Di ba kasal na natin ngayon? Bakit ganyan ka? Wag ka namang mag biro! Di ba sabi mo gusto mong makasal….” naputol ang sasabihin ko ng mag salita ito.
“Pangarap kong maikasal” sabi niya
Agad kong hinawakan lalo ang kaniyang kamay
“Oh di ba! Ito na yun Iris matutupad na ang pangarap nating dalawa” masayang kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha sa aking pisngi
“Pangarap kong Ikasal pero hindi sayo. Patawarin mo ako Kairo” She said while looking at me.
“Iris…” I uttered habang tumutulo ang taksil kong luha
“Patawarin mo ako Kairo pero ayokong magpakasal sayo” she said and with that she runaway.
Napatingin ako sa pintuan kung saan siya pupunta at doon nakitang nakatayo ang aking pinsan. Gayon na lamang ang sakit na aking naramdaman ng makita kong niyakap siya ng babaeng mahal ko at inayang umalis sa lugar na ito.
It’s supposed our wedding day but I let my woman runaway..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top