I love you


I love you!” Nakangiti kong saad ko sa kanya. Masaya ako dahil nasabi ko yun sa kanya.
” I love you t-,” ngunit hindi nya natuloy ang sasabihin nya. Nagulat ako nang bigla syang sumigaw.
” Yuuuuuckkkkk eeeeewwwwww, sorry best hindi ko talaga kaya!” Nandidiring sabi nya sa akin.
” Eeewww kadiri ka, ” at umaaktong nasusuka. ” Hay naku, wala na talaga akong pag-asang maging straight pa. Huhuhu! Mygosh!” Sabi nya habang hawak hawak ang aking kamay.
Nawala ang masayang ngiti ko kanina at napalitan ng pagka yamot. Dahan dahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
” Haha! Haay naku ka talaga. Ewan ko sayo!” Napilitan na lamang akong tumawa para hindi nya ako mahalata.
” Eh ano palang gusto mo? Lalaki? Hahaha!” Biro ko sa kanya kahit na sa loob loob ko ay nasasaktan na ako.
” Oo, ” masayang sagot nya sa akin. ” Tignan mo si Josh oh, ang gwapo nyaaaaa!” Kinikilig pa na sabi nito. ” Aaaaaccckkk kinikilig ako, Josh my love!” Naramdaman kong may kumirot banda sa aking dibdib.
” Ang gwapo nya talaga, haaayyy ang sarap naman ma in love!” Sabay amo ng kanyang mukha.
” Hahaha ikaw talaga! Sige na, uuwi na ako.” Pagpapalusot ko sa kanya. Agad akong tumayo sa kinuupuan ko dahil parang sasabog na ang dibdib ko.
“Huuuyyy teka lang naman, ang aga aga pa oh.” Pagpigil nya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko. ” Ihahatid naman kita eh, kaya mamaya ka na umuwi, please! ” Pagmamakaawa nito sa akin.
” Uuwi na ako, tutal nandyan naman ang Josh mo.” Mataray kong sabi sa kanya.
” Ihahatid nga kita, ang kulit mo naman.”
” Wag na hindi na kailangan, ” at tuluyan na akong lumakad papalayo sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa akin.
” Teka, eto na. Ihahatid na kita.” Paghabol nya sa akin sabay akbay sa aking balikat. Alam kong para sa kanya ay isa lamang nya akong tunay na kaibigan, pero para sa akin, mas higit pa don ang turing ko sa kanya. Mahal ko na yata sya. At nasasaktan ako sa tuwing kinikilig sya kapag nakakakita sya ng gwapong lalaki.
Nandito na kami sa tapat ng pintuan ng bahay namin, sakto naman ang paglabas ni mama.
” Hi Tita!” Masayang pagbati ni Kevin kay mama.
” Oh hi, Kev! Mabuti naman at hinatid mo tong si Ella. Mag gagabi na oh.”
” Ah opo Tita, actually Tita dapat nga maya maya ko pa sya ihahatid, kaso parang biglang naging bad mood eh, hahaha!” Birong sabi nito kay mama sabay tawa ng malakas.
” Ahh ganon ba? Oh eh anak, ano namang nangyare sa iyo bakit naging bad mood ka?” Si mama talaga, ginagatungan pa tong pambibiro ni Kevin.
” Wala po ma, sumakit lang po yung ulo ko, papasok na po ako. ” Matamlay kong sabi kay mama. Narinig ko naman na nagpaalam na rin si Kevin para umuwi.
” Tita, sige po mauna na rin po ako. Bye best!” Sigaw nitong sabi sa akin, ngunit hindi ko sya pinansin.
” Hayaan mo na muna sya, sige na mag ingat ka pag uwi mo ha! Madami pa namang lalaki dyan.” Birong sabi ni mama sabay tawa ng malakas. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Kevin.
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nagtalukbong at niyakap ang aking unan.
” Nakakainis ka talaga Kevin!” Saad ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
_ _ _ _
Kinabukasan ay may natanggap akong chats mula Kay Kevin. Nag aaya nanaman syang tumambay malapit sa bahay nila. As usual para makita nanaman nya ang crush niyang si Josh. Sineen ko na lamang ang chats nya sa akin at inilapag ang phone ko sa lamesa.
“‘TING'”
‘ SEEN LANG? ‘ pagkakabasa ko sa chat nya. Sabay call sa akin. Ngunit ito ko ito sinagot at hinayaan ko na lamang na mag ring ang phone ko.
‘ HUY SAGUTIN MO NAMAN BEST ‘ sunod nyang chat sa akin, at tumawag ulit sya, ngunit hindi ko pa rin ito sinagot.
‘PUNTA NA LANG AKO DYAN MAMAYA, HA? SEE YA!’ hindi ko alam pero parang sumaya ako nung sinabi nyang pupunta sya dito.
Makalipas lamang ang ilang oras ay narinig kong may kumakatok sa pinto, at pinagbuksan ito ni mama.
” Oh Kevin, bat nandito ka? Tatambay ba kayo ni Ella?” Bungad na tanong ni mama sa kanya.
” Ay wala po tita, pinuntahan ko lang po si Ella, kasi siniseen nya lang po yung mga chats ko,” pabulong nyang sabi kay mama.
” Ehem, narinig ko yun ah,” sabay taas ng kilay ko.
” Ay bestieee, nandyan ka pala hahaha! So kumusta naman ang araw ng bestie ko?” Nakangiting sabi nya sa akin pero hindi ko sya pinansin.
” Mamaya may ikekwento ako sayo.” Sabay kindat sa akin.
_ _ _ _ _
Pumasok kami sa kwarto ko at don sya nag kwento.
” Beeeeesssttttt!!!! Ngumiti sakin si Josh!!!” Kinikilig pa sya habang sinasabi nya yun sa akin. At doon mas lalo lang akong nalungkot at nawalan ng gana. Hays, kung sana naging lalaki lang ako, ako na mismo manliligaw sa baklang to.
” Haaayyy,” sabay hikab, ” Inaantok ako, matutulog na ako best.” Pagpapalusot ko sa kanya. ” Sige na umalis ka na, umuwi ka na. ”
” Ha? Eh kakapunta ko pa lang ah, wala pa ngang isang oras na nandito ako.” Nakasimangot na sabi nya sa akin.
” Pero sige, kung inaantok ka na, matulog ka na. Aalis na ako ah.” Nakangiti nyang sagot sa akin. ” Bye! ”
Pinagmasdan ko lamang sya habang palabas ng pinto ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naaawa ako sa kanya, nalulungkot. Napa buntong hininga na lamang ako sa mga naiisip ko.
_ _ _ _ _
Ilang araw ang lumipas, wala akong natanggap na text or tawag mula sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba sya sa akin or nagtatampo, haayy hindi ko na alam. Namimiss ko na sya. Kaya napag desisyunan kong puntahan sya sa kanila. Pero gabi na, pero siguro nandon pa yun nakatambay sa labas. Kaya nag paalam na ako kay mama na pupuntahan ko lang saglit si Kevin.
_ _ _ _ _
Habang naglalakad ako papunta kila Kevin, hindi naman kalayuan, ay napaka tahimik na ng lugar. Isang kanto na lamang bago ako makarating sa bahay nila Kevin ay biglang may lumapit sa akin na lalaki.
” Hi Miss!” Sabay hawak sa akin. Hindi ko na lamang sya pinansin at mas binilisan ko pa ang aking paglakad.
Ngunit may bigla nanamg sumulpot na tatlong lalaki sa harapan ko at hinawakan ako ng mahigpit. Hindi ako makawala, at pilit na nagpupumiglas. Ginamit ko...


ang buong lakas ko para makawala sa kanila, pero hindi ko sila kaya, ang lalakas nila at apat pa sila na nakahawak sa akin. Sumigaw ako pero agad nilang tinakpan ang bibig ko at dinala sa madilim na lugar.
Habang hawak hawak ako ng tatlong lalaki, ang isa naman ay bigla na lamang akong hinalikan ng mariin at pinunit ang aking kasuotan. Ginapang niya ang kanyang kamay sa aking katawan. Nakita kong hinubad nya ang kanyang pang ibaba. Sabay hinubaran din ako, at ipinasok niya ang kanyang ari sa aking pagkababae.
Sumisigaw ako pero walang nakakarinig sa akin. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala. Sobrang naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko akalain na mangyayare ito sa akin. Nawalan na ako ng pag asa at nagpalamon na ng tuluyan sa kadiliman.
_ _ _ _ _
Nilibot ko ang paningin ko, tanging puti lamang ang aking nakikita. Iginilaw ko ang aking kamay at naramdaman kong may nakahawak dito.
” Mamaaaaaaa!!!!! Tulooooonggggg!!Keevveviiiiinnnn!!!” Sigaw ko habang nagpupumiglas.
” Ella, Ella kumalma ka. Ella ako toh si Kevin. ”
” Tulooooonggggg!!!! ” Saad ko habang umiiyak.
” Ella, Ella ako toh si Kevin. Please kumalma ka muna. Makinig ka sakin.” Nang makita ko sya ay bigla na lamang akong napayakap ng mahigpit sa kanya.
” Kevin! Tulungan mo ako!” Naiiyak kong sabi sa kanya.
” Oo Ella, tutulungan kita, nandito lang ako shh shh! ”
” Ella, sabihin mo, sino ang may gawa nito sa’yo? Sabihin mo sakin.” Ngunit tanging pag iyak lamang ang naisagot ko sa kanya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya na tila ba ayoko nang bumitaw at ayokong malayo pa sa kanya. Sobrang natatakot ako, ayoko nang maulit ang nangyareng iyon sa akin.
” Tita? Gising na po si Ella.”
” Anak? Sino ang may gawa nito sa iyo? Sabihin mo, pagbabayarin ko sila! ” Ramdam ko ang galit ni mama.
” Mamaaaa!!! ” Humagulgol ako ng sobrang lakas at niyakap sila ng mahigpit.
_ _ _ _ _
Mag dadalawang linggo na simula nung nakalabas ako sa hospital. Sobrang nahihiya ako sa nangyare, ni wala na akong mukhang maiharap sa mga tao. Nawalan na ako ng gana sa lahat.
Dumalaw sa akin si Kevin at dinalhan ako ng mga prutas. Nagkwento rin sya sa akin ng kung ano ano, para na rin siguro malibang ako at makalimutan man lang kahit saglit ang delubyong nangyare sa buhay ko.
Habang kumakain ay naramdaman kong humilab ang aking sikmura. Agad akong tumayo at nagpunta sa banyo.
Doon ay dumuwal ako ng dumuwal.
Hindi ito pwede, at doon ay napahagulgol ako. Hindi pwede na may mabuo dahil sa panggagahasa nila sa akin.
Lumingon ako kila mama, at nakita ko rin ang pag aalala nila sa akin. Alam kong ayun din ang nasa isip nila.
_ _ _ _ _
” Doc?” Kita ko ang pag aalala ni mama sa akin.
” Misis, magandang balita, buntis po ang anak ninyo.” Saad nito kay mama at lumingon kay Kevin. “Congrats hijo, magiging Daddy ka na!” Nakangiting sabi nito sa kanya. Ngunit imbes na matuwa ay pinagsusuntok ko ang tyan ko dahil hindi pwede na magkaroon ako ng anak na bunga ng panggagahasa sa akin ng mga hayop na lalaking yun.
_ _ _ _ _
Umuwi kami sa bahay na matamlay. Lalo lamang akong nawalan ng gana sa buhay. Piling ko ay pasan pasan ko ang buong daigdig.
_ _ _ _ _
Lumipas ang ilang buwan, ay napapansin ko na ang paglobo ng aking tiyan. Hindi ko alam kung kaya ko ba itong tanggapin. Kaya ko ba na makitang nabubuhay ang anak ng isang rapist. Hindi ko alam kung kaya kong maging isang mabuting Ina sa kanya.
_ _ _ _ _
Dalawang buwan bago ako tuluyang manganak ay dinala ako ni Kevin sa paborito kong lugar. Kung saan ay mapayapa at katahimikan lamang ang iyong mararamdaman .
” Haay naku, pwede bang bagalan mo lamang ang paglakad mo? Napapagod na ako, at tsaka ang laki laki na kaya ng tyan ko. Hindi ko na kayang maglakad ng matagal. ” Pagrereklamo ko sa kanya.
” Malapit na tayo sa destinasyon natin Ella, kaya please, konting tiis pa!” Pagmamakaawa nya sa akin. Hindi ko naman sya mahindian dahil sa maamo nyang mukha.
Nauuna syang maglakad sa akin, buti na lamang ay huminto na sya sa paglalakad. Sobrang pagod na ako.
“Nandito na tayo,” nakangiting sabi nya sa akin.
” Mabuti naman, kasi sobrang pagod na pagod na ako.” Pagrereklamo ko sa kanya.
Nagulat ako dahil bigla na lamang syang lumuhod sa harapan ko.
” Gusto ko lang sabihin na, s-sorry kasi, hinayaan ko n-na mangyare sayo ‘to! S-Sorry, dahil nung panahong tinatawag mo ang pangalan ko para humingi ng tulong, hindi ako dumating. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko nung mga panahong yun. Umiiyak ako ng patago, pero hindi ko ipinapakita sayo, dahil gusto ko na sa akin ka kumuha ng lakas ng loob. At gusto ko na maging masaya ka.” Naluluha nyang sabi sa akin, at naramdaman ko rin na tumutulo na rin ang mga luha ko dahil naaalala ko nanaman ang nakaraan.
” Pero Ella, gusto ko lang na malaman mo na, kahit hindi ito nangyare, ikaw pa rin ang babaeng gusto kong makasama sa aking pagtanda. Pasensya na, hindi ko sinabi sayo agad, na Mahal din kita, higit pa sa pagiging mag kaibigan. Hinihintay ko kasi na ikaw muna ang unang umamin, para naman sigurado ako na may pag asa talaga ako sayo. Pero sabi ng mama mo, nahahalata naman daw nya na gusto mo rin ako. So, Ella Mendoza? Matatanggap mo ba ako kahit na malambot ako? ” Pabiro nyang sabi sa akin. ” Will you marry me? Ella?” Doon ay mas lalo akong napaluha, halo halo ang nararamdaman ko. Masaya ako sobra.
” Uyy, will you marry me?” Natawa naman ako, nakalimutan ko kasing sumagot.
” Oo naman, yes, I will marry you!” Sabay yakap ng mahigpit sa akin.
_ _ _ _ _
” You are now Husband and Wife!” Saad ng pari sa amin. Ito na ang pinaka hihintay namin.
” Husband, you may now kiss your bride!” At doon ay hinalikan nya ako ng mariin at niyakap ng mahigpit. Sobrang saya sa pakiramdam, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, basta masaya ako, kami dahil nakasal na rin kami sa wakas….
Makalipas ang ilang linggo ay nanganak na rin ako at nagsilang ako ng isang napaka gandang anak. Naging isang masaya at buo kaming pamilya. Ipanangako namin ni Kevin sa aming anak, at sa isa’t isa na babantayan at aalgaan namin ng mabuti ang aming babaeng anak.
Nangako rin ako sa sarili ko na hindi ko hahayaan na mangyare sa kanya ang nangyare sa akin noon.
THE END
Work of Fiction 😊
-AERISH ❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top