[Take time to read this]
“I’m sorry, Jas, i realized ginamit lang kita, sa paggamit ko sayo, bumalik siya, ang totoong minahal ko.”
“I’m sorry, can you sign the annulment paper?, Kahit hiwalay na tayo, gagampanan ko parin ang pagiging ama sa mga anak natin.”
“I’m sorry, maari ba nating palayain ang isa’t-isa?, Maari bang maging masaya ka nalang para sakin?”
“I love you, I’m sorry.” huling salita na narinig ko kay Rico.
Bakit ba humantong ang lahat sa ganito, na nauwi sa hiwalayan?
Minsan naisip ko na, hindi lang talaga ito para sa akin. Parang pinatikim lang sakin saglit tapos babawiin din.
Iyong mga pangakong kay-tamis noon na sinabi ni Rico sa’kin.
Sa sobrang tamis, nakita ko nalang ang sarili kong lunod na lunod na at hindi na alam kung paano paa-ahon.
Mabilis kong inalis ang mga luha sa mga mata at tinitigan sa harapang mesa ang annulment paper. Alam kong tapos na si Rico sa pag-pirma, ako nalang ang hinihintay nito.
Napalunok ako ng malalim at mabilis tinakpan ang bibig dahil hindi ko na talaga mapigilan ang mapa-iyak. Naramdaman ko ang naglalakihang luha sa mga mata ko, habang tahimik na humagulhol, ayokong magising ang mga anak ko ng hating-gabi.
Napapikit ako sa sakit. Habang inalala ang pinagsamahan namin ni Rico.
***
“Hindi ako isang pabayang ama, kaya aalagaan ko kayo at ang magiging anak natin,”
“Anong gusto mo? Yung pink o blue? Mas gusto...