I love You with All my Heart Chapter 8


I love You with All my Heart
Chapter 8
After One Year
Gabi gabi na lang umuuwi si Ryan ng lasing. Sa umaga naman ay tulog ito. Hindi na malaman ng Mommy niya kung anong nangyayari sa bunsong anak.
“Ryan, aalis ka na naman at uuwi ka na naman ng lasing! Ano bang nangyayari sayo anak? Anong ginagawa mo sa sarili?” sunod sunod na tanong ng Mommy niya.
“Look at yourself now! You look miserable!” galit na dugtong nito.
“Wala po kayong alam sa pinagdadaanan ko” sagot ni Ryan.
“Tell me Ryan! Makikinig si Mommy sayo” pagsusumamo na sabi ni Mrs. Reina. Hindi na pinansin ni Ryan ang ina, akma sana itong aalis pero pinigilan ito ng ginang.
“Nag uusap pa tayo Ryan! Huwag mo akong talikuran! galit na dugtong ni Reina sa anak.
” Mom please I want to rest. I’m tired” sagot ni Ryan. Nawawalan na ito ng respeto sa ina dahil sa mga pinaggagawa nito.
“Ryan, inilipat ng Kuya mo ang pamamahala ng kompanya pero anong ginagawa mo, hindi ka pumapasok sa opisina. Ganun mo na ba pababayaan ang kompanya ng Daddy mo?”
Makikinig lang si Ryan sa mga sinasabi ng ina. Wala naman talagang silang alam at wala siyang balak na sabihin sa kanila lalo na sa Kuya Raven niya.
” Ryan, tell me kung hindi mo kayang gampanan yung mga nasimulan ng Kuya Raven mo sa kompanya. Sasabihin ko sa Kuya mo. Hindi mo man lang sinasabi kung anong problema mo” mahabang sabi ni Mrs Reina.
“Mommy, Please ayoko munang pag usapan ang tungkol sa kompanya at saka okay lang po sa akin kung tatanggalin niyo ako sa kompanya besides hindi naman sa akin iyon” matigas na sagot ni Ryan.
“Wala ka na talagang galang sa akin Ryan! At anong pinagsasabi mo? Sa inyo ng Kuya mo mapupunta ang kompanya, sino pa ba ang magmamana nuon kundi kayong dalawa lang!”
“Mommy, I’m sorry pero hindi po ako interesado sa kompanya ni Daddy” may diing na sagot ni Ryan. Tumalikod na si Ryan sa ina at dire diretsong lumabas ng bahay.
“Kailangan ko itong ipaalam kay Raven. Hindi ko na kaya pang pagsabihan si Ryan. Halos isang taong ng ganito si Ryan” sabi ni Mrs Reina sa sarili.
Nagpunta si Ryan sa bar na lagi nilang tambayan ng mga kaibigan niya. Konting inom at hunt*ng ng chi*ks. Natuto na din siyang mambabae. Gabi gabi iba iba ang nilal*ndi niyang babae. May na i mak* o*t na din siya at lahat iyon ay puro on* n*ght st*nd lang at kinabukasan ay ba bye na. Ganoon na siya katinik sa mga babae. Ibang iba na ang Ryan nuon sa Ryan ngaun.
“Rj Pare, nahanap mo na ba si Susie mo?” tanong ng kaibigan niya na si Perry. Naghire na si Ryan ng private detective para hanapin kung nasaan si Susie.
“Pare wala pang balita. Mukhang nililinis ng Daddy...


ni Susie ang mga pinupuntahan nila para hindi ko matunton si Susie” sagot ni Ryan.
“Pano yan, di susuko kana?” tanong ng kaibigan niyang si Chris.
“No. I will not give up. Hahanapin ko pa din si Susie” paniguradong sagot ni Rj sa mga kaibigan.
Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakikita si Susie. Gagawin niya ang lahat para lang makita ang babaeng minamahal. Gusto niyang tulungan itong mawala ang sakit ni Susie at mawala ang sakit ng loob nito sa Kuya Raven niya.
“Kahit saan pa itago ni Tito Alfaro si Susie, alam ko na makikita ko pa din si Susie” ani ni Ryan sa sarili.
Palawan
“Ma’am inumin niyo na po ang gamot niyo” utos ni Minda ang private Nurse ni Susie. Tiningnan ni Susie ang hawak na gamot ng nurse niya.
“Ayokong inumin yan! Ang pangit ng lasa” reklamo nitong sagot. At sa iba ng tumingin.
“Ma’am magagalit po ang Daddy niyo pag hindi niyo ito ininom” babala nitong sabi kay Susie. Napabaling ulit ang tingin ni Susie kay Minda.
“Hindi iyon magagalit kung hindi mo sasabihin” sagot nito.
“And magaling na ako” dugtong pa nito.
“Ma’am ginagawa ko lang po ang trabaho ko. At trabaho kong siguraduhing on time ang pag inom niyo ng gamot” paliwanag nito sa amo.
“Alright, you win. Nakakainis ka” nakangiting sabi ni Susie at kinuha ang gamot sa kamay ni Minda at ininom.
Isang taon din na silang namamalagi sa private resort ng kanilang pamilya. Sa ngayong unti unti ng bumabalik sa dating sigla ni Susie. Ngunit hindi pa din ito pinapayagan ng mga magulang niya na lumabas labas ng resort. Kailangan nilang protektahan si Susie sa mga possible na mangyayari sa conditon niya. At ayaw na nilang bumalik ang depression ni Susie.
“Dad, gumagaling na si Susie baka puwede na tayong bumalik sa Amerika” sabi ni Mrs Regina.
“No! Kahit magaling na siya hindi pa puwedeng bumalik ng America ang anak natin” matigas na sagot ni Mr Alfaro.
“Nalaman ko na pinahahanap ni Ryan si Susie at hindi ako makakapayag na magkita sila at magkaroon ulit ng kaugnayan ang pamilya Buenaventura sa atin” dugtong na sabi nito sa asawa.
“If you want, puwede naman tayong dalawa na bumalik na muna sa America. Pero hindi kasama si Susie. Ayoko na ulit mangyari ang nangyari sa kanya. Muntik ng mab*liw ang anak natin. Kung magkrus ulit ang landas ni Susie sa isa sa mga Buenaventura patawarin ako ng Diyos sa maari kong gawin!” galit na banta ni Mr Alfaro. Habang nakatingin kay Susie na nasa isang cottage na malapit sa beach.
” Alfaro! Huwag naman na maging masama ka pa dahil sa mga iniisip mo” nag aalalang sabi nito sa asawa.
Ito na ang kinakatakot ni Mrs Regina. Ang magkaroon ng mas magulong sitwasyon ang kanilang pamilya. Para tuloy silang mga nagtatago samantalang ang anak nilang si Susie ang nasaktan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top