I Love You with All my Heart Chapter 9


I Love You with All my Heart
Chapter 9
Umabot na ng tatlong taon na hindi nakikita ni Ryan si Susie. Nagpasya ang mag anak ng Kuya niya na umuwi muna ng Pilipinas dahil sa doon nila balak na manganak si Mila sa pangatlo nilang anak. Kaya si Ryan na muna ang pumalit sa Kuya niya na mamahala ng kompanya ng yumaong ama.
Kausap ni Ryan ang detective na naihire niya para hanapin si Susie. Wala kasing nakukuhang impormasyon ito tungkol sa kinaroroonan ni Susie.
“Mr. Buenaventura, I’m very sorry, we dont have any lead where can find Miss Suzane Shei Amarigo” bungad nitong sabi kay Ryan.
Tumayo si Ryan na galit at naikuyom ang kamay. Hinampas niya sa galit ang table niya.
“What! That is all you can say after three years! That you cant find her!” bulyaw nitong sigaw.
“You are fired! I dont want to see your face again in my office! And tell to your agency that I will not take again your services nor your agency. Now get out!” galit pa nitong sigaw sa kausap. Nakayuko naman na tumayo ang lalaki at umalis na sa opisina ni Ryan.
Talagang sinusubukan ng Daddy ni Susie ang pasensya niya. Hanggang kailan ba niya itatago si Susie sa kanya? Kailangan niyang gumawa ng paraan para mahanap si Susie. Kahit na harapin niya ulit ang Daddy ni Susie ay gagawin niya para lang makita ulit ang babaeng pinakamamahal.
Nagbalik lang siya sa ulirat ng marinig na may kumatok sa pinto ng opisina niya.
“Come in” sagot ni Ryan.
“Sir, your girlfriend, Lorraine is here” sabi ng sekretarya niya ng makapasok sa opisina niya.
“Okay, let her in” sagot naman ni Ryan. Gusto niyang maibsan ang galit na nararamdaman niya.
At pumasok na nga ang isang babae na naka black dress na maiksi at hapit na hapit sa katawan, nakalitaw din ang cle*vage nito sa suot. Maarte itong naglalakad palapit kay Ryan.
“Hi honey” malambing nitong bati kay Ryan at kum*ndong pa kay Ryan. Iniyakap naman ni...


Ryan ang mga kamay sa beyw*ng ng babae. At binigyan ng pinong hal*k sa balikat.
Nakil*ti naman ang babae sa ginawa ni Ryan.
“Honey, may vacation trip tayo sa Palawan. Do you forget about that?” malanding na paalala nito.
“No. I dont forget, infact I cancell all my meeting for that trip” sagot ni Ryan. Ngumiti si Lorraine kay Ryan.
Magbabakasyon sila sa Palawan kasama ang buong barkada ni Ryan. May nakapagsabi kasi na merong magandang beach doon at nakakarelax na nature. Matagal din siyang hindi nakapagbakasyon sa loob ng limang taon sa, dahil sa paghahanap kay Susie. Kaya nuong magyaya ang mga kaibigan niya ay sumama na siya kasama si Lorraine.
Balak niya na bisitahin ang bahay nila na naiwan sa Pilipinas. Si Manang Ludy na lang ang naiwan doon para alagaan ang bahay nila. At naisipan na din niyang pasyalan ang Kuya Raven niya dahil malapit na ding manganak ang hipag niyang si Mila.
“Really, honey” maarteng sabi ni Ryan at ngumiti kay Ryan.
“Yes, honey. Let’s take lunch outside” yaya ni Ryan sa girlfriend niya. At tinawagan sa intercom ang sekretarya.
“Liza, please cancell all my meeting today” sabi nito. At ngumisi sa babaeng nak*kand*ng sa kanya.
“Noted Sir” sagot ni Liza sa amo.
Kasunod nuon ay lumabas na nga ang dalawa ng opisina. Hawak ni Ryan si Lorraine sa bewang nito habang naglalakad.
Isa lang si Lorraine sa mga naging girlfriend ni Ryan. Halos parang damit lang ito kung magpalit ng babae. Madali lang siyang magsawa sa isang relasyon at halos lahat iyon ay hindi niya sineseryoso. Isa lang naman ang gusto niyang babae at iyon ay si Susie. Ang babaeng hinihintay niyang makita sa loob ng limang taon. Ang pangarap ng puso niya.
Yon lang hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nakikita. Gusto na niyang mawalan ng pag asa na makita pa ito. Pero desidido talaga siyang makita si Susie. At ipinapangako ni Ryan na kapag nakita na niya ulti si Susie ay hinding hindi na niya ito pakakawalan pa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top