I TREAT YOUR SON LIKE MY OWN’


I TREAT YOUR SON LIKE MY OWN’
by:Drake Manunulat
“oh baby, wahhhh” napangiti ako habang nilalaro ang baby na karga ko.
“ang cute nyong tingnan” napalingon ako sa kadarating lang na si Weiven.
“syempre. teka bantayan mo muna si baby kukunin ko ang gatas nya.” hindi naman kase pwedeng mag pa breastfeeding ako hindi naman kase ako ang mommy nya.
His son of my boyfriend. Mahilig ako sa mga bata kaya kahit sabihin sa’kin ng parents ko na layuan ko si Weiven dahil may anak na raw. Wala akong pake i love him kaya mamahalin ko ang anak nya na parang sa’kin nag mula.
Araw-araw ganun ang routine, aalagaan si baby saka tutulong sa mga gawaing bahay. Si Weiven naman pumapasok sa office kaya buong araw syang wala sa bahay.
Bumaba na ako ng mapatulog si baby. Dederitso na ako sa kusina nang may babaeng nakaupo sa sala.
Tiningnan ko si manang na parang nag tatanong kong sino ‘yong pinapasok nya. Pero ngumiti lang sya at pumuntang kusina.
“sino ka?” tanong ko nang makaupo sa sofa. Tiningnan nya lang ako pababa, pataas.
“nasaan si Weiven? si baby?” teka kilala nya si Weiven? sino naman kaya ‘to.
” nasa office, bakit kilala mo sya?” ngumiti sya.
“anong nangyari? “sabay kaming napalingon sa may pintuan, nag-mamadali si Weiven na lumapit sa’kin.”tumawag kase si manang, kaya umuwi agad ako.” natuon ang pansin nya sa babaeng nakaupo sa sofa, kaya natigilan syang umupo sa tabi ko.
“Xam” sambit nya na gulat na nakatingin rito.
“Yes, Weiven ako nga” parang matagal na silang mag kakilala. Tahimik lang akong nakikinig sa pag uusap nilang dalawa, hindi ko magawang sumabat parang wala ako rito kung mag usap sila.
“kukunin ko na si baby” nakangiting saad ng Xam raw ang pangalan.
” ano?!” napatingin silang dalawa sa’kin.
“hindi pwede.” saad din ni Weiven.
“pero Weiv,—” hindi na sya nakapagsalita ng hilahin sya ni Weiven palabas,mukhang nag tatalo sila sa labas.
Naiwan ako sa...


loob saka pinuntahan si baby sa kwarto. Bumalik rin ako sa sala, nakabalik na silang dalawa hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.
“kanina kapa?” tanong nya, umupo lang ako.
“ano bang pinag uusapan nyo?” nagkatinginan lang silang dalawa.
_______
Nagising ako kinabukasan, lumapit ako sa crib ni baby para icheck sya laking gulat ko ng walang bata sa crib. Bumaba nalang ako baka kinuha na ni Weiven.
“manang nasaan si baby?” taka akong napatingin kay manang para kaseng may gusto syang sabihin.”bakit manang?”
“ma’am si sir Weiv at si baby po kase ‘e…” hindi sya mapakali.” umalis na po”
tumawa ako ng peke at tumingin muli sakanya.” a-anong ibig nyong sabihin?”
“kaninang umaga po nakita ko si ma’am Xam dala si baby…” yong babae kahapon?.” tapos may mga dalang gamit si sir Weiv. Ito po pinabibigay ni Sir” sabay abot nya sa’kin ng liham.
Hindi ko na magawang makapagsalita, binuksan ko ang papel na binigay ni manang.
Ariane.
Sorry! sorry kong iniwan kita, iniwan ka namin ni baby. Xam is the legal mother of my baby, hindi ko naman alam na babalik sya. I’m sorry kase mas pinili ko sya, takot kase akong ilayo nya ang anak ko. Kong nababasa mo siguro ‘to nakaalis na kami. Alam mo habang sinusulat ko ‘to umiiyak ako. Kase iiwan ko ‘yong taong tumanggap sa’kin lalo na sa anak ko. Salamat kase tinuri mong sariling pag aari ang batang naging bunga ng nakaraan ko. Alam kung habang buhay kong pag sisihan ang pag-iwan sayo.
Weiven and baby.
Hindi ko na mapigilang umiyak, nang matapos mabasa ang nilalaman ‘nun.
Ang sakit! sila yong buhay ko. Pinili ko sila kesa sa pamilya ko pero iniwan nila ako para sa taong totoong nag mamay-ari sakanila.
Ako yong nandyan nung panahong wala sya, nung panahong hinayaan nya kayong mawala pero bakit ganun? mas pinili mo syang balikan kesa sa’kin na minahal ka at ang anak mo higit pa sa salitang sobra.
-END-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top