I WAS THE VICTIM OF MY OWN CRIME


I WAS THE VICTIM OF MY OWN CRIME
[Dedicated sa ‘yo. Oo, sa iyo na nagbabasa nito. Ily~]
My husband Raphael and I were married for almost ten years. Sobrang bait ng asawa ko, maintindihin at napakasipag. Our relationship is almost perfect pero ‘yon nga, there is no word of perfection on everything. Only God is perfect.
May kulang sa pagsasama namin at iyon ay ang anak. Baog kasi ang asawa ko kaya sabi ng doctor ay malabo raw na magkaanak pa kami.
That’s the main reason kung bakit nagawa kong mangaliwa.
Yes, I cheated on my loving and faithful husband.
After a year of cheating, I got pregnant. Nabuntis ako ng kabit kong si Diego.
Nang malaman kong buntis ako, maraming bagay agad ang pumasok sa isipan ko.
Tulad na lamang kung anong gagawin ko?
Kung sasabihin ko ba sa asawa ko na buntis ako?
Pero ‘pag sinabi ko ay baka magalit siya. Baka malaman niyang may kabit ako at matagal ko na siyang pinagtataksilan.
B-baka mapatay niya ako sa galit…
Ilan lamang ‘yan sa mga pangamba ko nang malamang buntis ako.
Pero naisip ko na matagal na namin pinapangarap ‘tong mag-asawa. Matagal na namin nais magkaanak. Kaya kung sakaling malaman man ng asawa ko na buntis ako, baka masiyahan pa siya kahit magtataka siya kung bakit ako nabuntis.
At saka mabait ang asawa ko. Hindi siya marunong magalit kaya kahit papa’no ay nawala ang kaba ko.
Kaso hindi ko inaasahang magagalit si Diego nang malamang buntis ako. Ayaw niya raw magkaanak sa ‘kin dahil baka mapurnada ang relasyon namin. Kaya naman agad niya akong inutusan ipalaglag ang bata na nasa aking sinapupunan.
And do you know what I did?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I followed him. Yes… I aborted my child. My own flesh and blood.
Pero hindi naging madali. Ilang beses ko pa inulit na ipa-abort siya bago siya tuluyang na-abort. Malakas daw kasi ang kapit ng bata sabi ng doctor.
Parang hinahati nga sa gitna ang puso ko sa sobrang sakit habang iniisip ang anak ko. Ang anak kong pinalaglag ko kahit wala namang kasalanan. Ang munting anghel ko na noon ko pa pinangarap magkaroon.
Isang araw, nasa may park ako nang may makita akong bata na umiiyak sa may ilalim ng puno. Napakaliit niya pa at lalaki siya. Nakaupo siya at nakayuko. Walang tigil ko namang narinig ang malakas nitong hikbi.
Hindi ko na lang sana siya papansinin kaso mas lalong lumakas ang iyak niya. Feeling ko nga nasa tapat na ng tainga ko ang bunganga niya sa sobrang lakas ng pag-iyak niya.
Kaya naman dahan-dahan ko siyang nilapitan.
“Bata…hello? May umaway ba sa ‘yo? Ba’t ka umiiyak?”
Hindi siya sumagot at patuloy lamang siyang umiyak.
Umupo ako sa tabi niya at marahang hinaplos ang likod niya.
“Tahan na bata…huwag ka nang umiyak…gusto mo bilhan kita ng sorbetes?”
Nang marinig muli ang sinabi ko, unti-unti na siyang tumahan sa pag-iyak pero nakayuko pa rin siya.
“Oh? Mukhang gusto mo ng sorbetes ah…halika, bilhan kita ng sorbetes doon.”
Dahan-dahan niya namang inangat ang ulo niya at tumingin sa ‘kin. Kita ko mula sa mga mata nito ang luhang patuloy pa rin sa pagtulo. Nakakaawa ang kaniyang hitsura.
“Mommy…ba’t niyo po ako pinalaglag? Hindi niyo po ba ako mahal?”
Iyon ang huling sinabi ng bata bago ako nagising.
Isa lamang palang panaginip.
Habol ko ang aking hininga nang ako’y magising. Isa-isa namang lumabas sa aking mga mata ang mga butil ng luha.
Hindi matigil sa pagtulo ang aking mga luha habang inaalala ko ang aking napanaginipan.
Ang anak ko…
Umiiyak ang anak ko at bakas sa mukha nito ang labis na lungkot.
Lungkot na alam kong ako ang dahilan.
Ang anak ko na nasa sinapupunan ko. Noong nasa tummy ko pa siguro siya, ilang beses niyang hiniling na huwag ko siyang ipalaglag…na huwag ko siyang patayin.
Sinabi niya siguro na, “mommy…huwag niyo naman po akong ipalaglag…gusto ko pa pong masilayan ang mundo…mommy gusto ko pa po kayong makita…mommy gusto ko pa pong maranasan magkaroon ng pamilya…mommy ba’t niyo po ginagawa sa ‘kin ‘to?? Promise mommy magiging mabait na bata po ako…mommy parang awa niya na po huwag niyo po akong bitiwan…”
Ilang beses niyang sinubukan kumapit dahil malakas talaga ang kapit niya. Ayaw niya talagang humiwalay sa tummy ko. Gusto niya talagang masilayan ang mundo.
Bakit ganun? Ako naman ang may kasalanan ng lahat at ang gumawa ng krimeng ito pero bakit nararamdaman kong ako rin ang biktima nito? Why I feel like I am the victim of my own crime?
Kaso pinutol ko ang kagustuhan niyang iyon. Pinutol ko ang right niyang maisilang at masilayan ang mundo.
Patawarin mo ako baby ko. Kung hindi lang sana naging duwag si mommy, nandito ka na sana ngayon kasama namin ng daddy mo.
At simula noon ay gabi-gabi ko na napapanaginipan ang aking anak na umiiyak.
Kaya napagtanto kong itigil na ang kasalanang ginagawa ko. Ang una kong ginawa ay umamin sa asawa ko sa kasalanang nagawa ko sa kaniya. Umiiyak akong humingi ng tawad sa kaniya.
Noong una ay hindi siya makapaniwala na nagawa ko siyang lokohin. Hindi niya ako pinansin ng ilang araw. Akala ko nga hihiwalayan niya na ako. Pero buti na lang pagkalipas ng ilang araw ay pinansin niya na ako at sinabi niyang napatawad niya na ako.
At dahil doon ay agad akong nakipaghiwalay sa kabit ko. Kaso ang problema ay hindi pumayag si Diego at binantaan na papatayin niya ang asawa ko kung hihiwalayan ko siya.
Dahil doon ay nag-isip ako ng paraan para matakasan siya. I’ve decided to migrate in abroad kasama ang husband ko nang patago lamang upang hindi malaman ni Diego.
Araw ng biyernes. Ito ang araw ng flight namin going to abroad. Handa na ang lahat ng bagahe namin. Nauna ako sa airport dahil may aasikasuhin pa si Raphael bago kami tuluyang tumira sa ibang bansa.
Okay na ang lahat. Everything is settled. Limang oras na lamang ay flight na namin at iiwan na namin ang lugar na ito. Ang lugar na napakarami naming memories na nabuo.


/> After an hour ay tumawag ang asawa ko.
“Hello, pa?”agad kong sagot.
“Ma, on the way na ‘ko diyan.”
“Sige, ingat, pa. Nakahanda na ang lahat. Ikaw na lang kulang rito.”
“Buti naman kung ganoon. Huwag kang mag-alala, maya-maya rin ay nandiyan na ako.”
“Sige, pa. I love you.”
“I love you too, ma. Sige, tawag na lang ulit ako mamaya.”
On the way na ang asawa ko kaya hinintay ko na lamang siya. Hinintay ko ang susunod na tawag niya kaso ‘di na siya muling tumawag. Kaya ako na lang ang tumawag sa kaniya kaso cannot be reach.
Lumipas na ang dalawang oras pero hindi pa rin dumadating ang asawa ko. Forty five minutes lang naman ang byahe mula sa pinanggalingan niya patungo rito sa airport kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa rin siya dumadating hanggang ngayon.
Doon na ako sinimulang kabahan ng labis. Maraming negative thoughts agad ang pumasok sa isip ko. Baka may nangyari nang hindi maganda sa asawa ko.
Ganun na lamang ang pagtigil ng mundo ko nang makatanggap ng tawag mula sa mga pulis. Binaril daw ang asawa ko nang hindi pa nakikilalang suspek at dead on arrival ito.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang kirot ng puso ko pagkarinig nito.
Lumipas ang isang buwan mula nang patayin ang asawa ko.
At isang gabi ay muli na naman akong nanaginip, ngunit mayroong kakaiba sa panaginip ko ngayon.
Katulad sa mga naging panaginip ko noon ay nandiyan pa rin ang aking anak. Ngunit nagtaka ako nang mapansing hindi na ito mag-isa. Mayroon na siyang kasamang isang lalaki.
At nagulat ako nang mapansing kamukha ni Raphael ang lalaking kasama ng anak ko.
Ibigsabihin…ang asawa ko ang lalaking kasama ng anak ko.
Kung noon ay palaging umiiyak ang baby ko sa panaginip ko, ngayon ay nakangiti na ito. Masaya silang naglalaro ng asawa ko. At ngayon ko lang napansin ko na magkamukha sila.
Kaya natigilan ako sa posibilidad na pumasok sa isip ko.
Hindi kaya…si Raphael ang totoong ama ng anak ko at hindi ang kabit kong si Diego??
Doon ko naisip na baka anak nga talaga ni Raphael ang baby na pina-abort ko na akala ko’y anak namin ni Diego. Naalala ko kasi na before ako nabuntis ay may nangyari sa amin ng asawa ko. We made love.
At ngayon ko lang din naalala ang lahat ng sinabi sa amin ng doctor. Ang sabi ni Doc Alma noon na kahit baog daw ang asawa ko, there is still a possibility na makabuntis ito. Iyon nga lang, fifty percent lang chance na makabuntis siya.
Pero sa fifty percent na iyon ay hindi kami binigo.
Iyon nga lang, napakatanga ko!
Ang tanga-tanga ko! Ang bobo-bobo ko! Napakasama kong tao!
Kung hindi lamang ako nagpakaalipin sa krimeng nagawa ko, hindi sana nangyari sa akin ang lahat ng ito.
Ako na ang may kasalanan ng lahat ng ito, ako pa ang labis na nahihirapan at nasasaktan.
At hindi ko na ngayon alam kung paano pa ‘ko mabubuhay ng matiwasay sa lahat ng kasamaang aking nagawa.
5 years later…
Ang bilis ng panahon. Limang taon na pala mula noong ipalaglag ko ang aking anak at mamatay ang aking asawa.
Limang taon na pala akong mag-isa.
Hindi na ako nag-asawa pang muli. Masyadong nakaka-trauma ang mga nangyari sa buhay ko. Ilang beses ko naman sinubukang mag-ampon ng bata pero palaging ‘di natutuloy.
Maliban sa maraming dapat gawin at mahaba ang proseso ng pag-ampon, hindi pa rin talaga kaya ng konsiyensya ko ang mag-alaga ng bata na hindi ko naman totoong anak.
Parang tinu-torture ako sa isiping totoong anak ko nga ay nagawa kong patayin, ang kapal naman ng mukha kong mag-alaga ng bata na hindi naman totoong akin.
Ang sakit lang sa puso dahil buong buhay ko nang dadalhin ang guilt na ginawa ko.
And God knows how much I regret what I did.
If I can only turn back time…
I will never cheat.
I will never let Diego control me.
And I will never ever abort my child, my little angel.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
“Happy mother’s day po! Don’t cry na po.”
I immediately go back to my senses as I heard a child’s voice.
Napako ang tingin ko sa batang lalaki na nasa harapan ko ngayon. He’s smiling sweetly while holding a cotton candy.
Sa tantiya ko ay nasa limang taong gulang na siya.
Napangiti ako ng mapait.
Kasing laki niya na siguro ang anak ko kung hindi ko lang kinuha sa kaniya ang karapatan niyang mabuhay.
Ngayon ko lang naalala…today is a mother’s day.
Araw ng mga ina.
Araw ko sana…
Sana kung hindi lang ako naging duwag. Kung hindi lang ako naging masamang ina.
“T-thank you, baby pero hindi pa ako mommy e. Wala pa akong anak,”I replied while wiping my tears.
Wala pa…pero meron na sana.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. Hanggang binti ko lang ang nayakap niya dahil nakatayo ako.
And because of what he did, mas lalo akong napahagulgol. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo.
Umupo ako at niyakap rin pabalik ang bata. I hug him very very tight.
I just imagine he’s my child.
My little angel.
“I love you, my little angel. Mommy loves you so so much, anak…mahal na mahal ko kayong dalawa ng daddy mo.”
If I could only turn back time…hindi sana kita pinalaglag.
Ako ang criminal mong ina…pero ako rin ang naging biktima sa krimeng aking ginawa.
I was the one who made the crime but I was also the victim of it.
I was the victim of my own crime.
The End.

A/N: I hope you learned something from this piece. Don’t cheat dahil palaging nasa huli ang pagsisisi!!
PS: Nung mother’s day ko pa sana ‘to ipo-post kaso ngayon ko lang talaga natapos kaya ngayon na lang 😣 hehe. But I believe naman that everyday is a mother’s day kaya, happy mother’s day to all mama, mommy, nanay at sa lahat ng mother figure!! Mabuhay po kayo < 33 originally written by: Binibini Ana Ruth






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top