I’LL NEVER GO CHAPTER 11


Hindi makapagsalita si Zandro mula ng bumaba sya sa kusina at makita ang dalagang kamukha ng asawa nya.
Nagpaalam naman si Xandie na aakyat muna sa kanyang silid.Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya.
“Sige iha tawagin na lang kita kapag naluto na ang mga ito.”
“Kuya bakit para kang nakakita ng multo dyan sa itsura mo?”
“Sino sya? At paano sya napunta dito?”
“Dinala yan sakin ng katulong ng kaibigan ko.Nangangailangan kasi ako ng helper sa flowershop.”
“Bakit andito sya sa bahay mo?”
“Dito ko na sya pinatira kasi gusto nya mag aral.Sabi ko kung mangungupahan pa sya ay gagastos pa sya.Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa batang yan.”
“Sana nga totoo ang hinala ko na sya ang anak ko,dahil kamukha nya ang asawa ko.”
“Hindi ko naman kasi nakita yang asawa mo Kuya,kaya wala akong ideya sa mukha ng batang yan.”
“Tanungin na lang natin mamaya kung sino ang Nanay nya.”
Samantalang si Xandie ay di mapakali.
“Bakit magkamukha sila ni Kuya Alex? Posible kaya na sya ang Tatay namin?” aniya sa sarili.
Sana nga sya ang Tatay namin.Matagal na kong nangulila sa ama,mula ng isilang ako ay wala akong nakagisnang ama.Si Nanay lang ang nagpakahirap na magtrabaho para lang may makain kami.
Pero kung sya man ang Tatay ko panigurado meron na syang pamilya sa ngayon.
Nagkataon lang siguro madami naman ang magkakamukha.
Bumaba na sya dahil tinawag na sya para kumain.Parang kinabahan sya bigla dahil makakaharap nya ulit ang kapatid ni Tita Pia nya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtanong bigla si Zandro kung sino daw ang...


Nanay nya.
“Si Alicia Aragon po.”
Napainom ito ng tubig dahil muntik ng mabilaukan.
At nakita ni Xandie ang mukha nito na parang maiiyak.
“Bakit po nyo naitanong?”
Kinakabahan nyang tanong dito.Nagtaka din sya sa paghingi nito ng tawad sa kanya.
“Patawarin mo ako iha,sa pag iwan ko sainyo di nyo lang alam na matagal ng panahon na nangulila ako sainyo.”
“Po’ anong ibig nyong sabihin?”
“Iha ako ang Tatay nyo na nang iwan sainyo.Pero hindi ko ginusto yun.Gusto ko lamang kayong protektahan laban sa ama namin.”
“Kung nangulila po kayo,bakit hindi nyo man lang kami hinanap? Di nyo alam kung anong hirap ang pinagdaanan namin.”
“Gustuhin ko man pero laging nakabantay ang ama namin sa akin.Pinagbanta*n nya ako na oras na bumalik ako sainyo ay sisirain nya ang buhay ng buong angkan ng Nanay mo.”
“Ganun ba kawalang puso ang ama mo,anong klase syang tao?”
“Oo gagawin nya ang lahat para lang sa pera.Ayaw nyang mahirap ang mapangasawa ko,namin ni Pia.”
“Anak bigyan mo ako ng pagkakataon na makasama kayo.”
“Paano po ang pamilya mo lalo na ang asawa mo?”
“Matanda na ang Papa namin wala na syang kakayahan para gumawa ng anupaman.At wala akong asawa kayo lang ang pamilya ko.”
Napahagulgol na sya ng iyak dahil sa wakas ay nakita nya na ang Tatay nya.Sana lang ay mapatawad ito ng Nanay nya para mabuo muli ang pamilya nya.Niyakap nya na lamang ang ama bilang pagtanggap nya dito.
Nasiyahan naman si Pia sa nasaksihan nya,sa wakas ay magiging masaya na ang Kuya nya oras na mapatawad ito ng Nanay ni Xandie.☺






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top