I’LL NEVER GO CHAPTER 17


Pagkatapos nilang kumain ay sinabi na kaagad ng magulang ang napag usapan nilang magkaibigan.
“Iho napagpasyahan namin ng Papa mo na dito na tumira sa Pilipinas.Sana naman ay makasama ka na namin sa bahay.At saka anak hindi na kami makikialam kung sino man ang mamahalin mo.Binabawi na namin ang kasunduan naming magkakaibigan.”
“Salamat po sainyo ni Papa sa wakas ay makakasama ko na ang babaeng mahal ko.Sana!”
“Bakit naman may ‘sana’ pa iho?”
“Ma simula ng umalis ako ay isang beses pa lang kami nagkita.Hanggang ngayon ay galit pa rin sya sa akin.”
“Sana makausap din namin sya iho para makahingi kami ng tawad sa ginawa namin sainyo.”
“Sana nga Ma,magkaayos na kami.Pramis dadalhin ko sya dito para makilala nyo sya.”
Maligayang maligaya ang puso ni Markus dahil sa wakas ay okay na sila ng magulang.
Kaya naman ay pinuntahan nya agad si Xandie sa botique nito.May dala syang pasalubong at isang pumpon ng bulaklak.
Hindi pa rin sya pinapansin ng dalaga.
Hindi nya pa nga naiabot ang dala ay tinalikuran na sya nito.Nagmamadali itong lumabas at sumakay sa kotse na mabibis itong pinaharurot.Naiwan na lang syang tulala doon sa loob.
“Paano yan Bro waley ka na naman.”biro sa kanya ni Cassy.
“Deserve ko naman to pero hindi ko sya susukuan Cassy.”
“Dapat lang alam ko naman na mahal ka pa nun.Puntahan mo na lang sa bahay nila.”
Kaya wala syang sinayang na oras.Kinagabihan nga ay pumunta sya sa bahay ng dalaga.
Mayaman na nga ito halos mansyon na ang nakikita nya.Nabalitaan nya din na nakabalik na ang ama nito na isa rin sa pinakamayamang businessman.Mas mayaman pa nga ito sa kanila.
Naabutan nya doon ang ina ng dalaga.
“Magandang gabi po,anduan po ba si Xandie?”
“Upo ka muna iho at tatawagin ko.Teka ano nga pala ang pangalan mo?”


/> “Pakisabi po sa kanya si Markus po.”
“Sige Markus maiwan muna kita ha.”
Umakyat na nga ang ina ng dalaga sa taas para tawagin ang anak.
“Anak bangon ka muna dyan,may bisita ka.”
“Sino naman po yun Nay?”
“Markus daw ang pangalan nya anak.”
“Nay ayaw ko po syang makita.Pakisabi po na nagpapahinga na ako.”
“Pero anak pakiharapan mo naman ng maayos yung tao.”
“Nay sya lang naman po ang lalaking nang iwan sa akin.”
“Ganun ba,pero ang guwapo nya anak ha.”
“Nay hindi pa ako ready na makaharap sya.Kaya please lang po paalisin mo na sya.”
“Okay sabi mo eh,sayang naman anak.”
“Ikaw na lang po ang makiharap sa kanya.Porke guwapo naghihinayang ka na.”
“Sayang ang lahi anak.”
“Nay naman eh,sumbong kita kay Tatay.”
Hindi alam ni Alicia na dumating na ang asawang si Zandro at magkausap na ito at si Markus.
“Iho manliligaw ka ba sa dalaga ko?”
“Ang totoo po nyan ay nobyo po nya ako dati.”
“Gag* ka pala eh,ikaw ung nang iwan sa anak ko.”
“Magpapaliwanag po ako Tito.”
“Galingan mo lang ang paliwanag mo at ng di ka makatik*m nitong kamao ko.”
At kinuwento nya nga sa ama ng dalaga ang pang iiwan nya dito.Dahil sa mabait naman ang ama ng dalaga ay naintindihan sya nito.
“Ganyan din ako sa yo,dahil sa kasunduan na yan ay nawalay ako ng matagal sa pamilya ko.Malay mo mapatawad ka rin ng anak ko balang araw.
“Nandyan ka na pala Mahal.Ah iho pasensya ka na at tulog na ang dalaga namin.Bumalik ka na lang sa ibang araw.”
“Sige po aalis na ako.Tito salamat po sa pakikinig at pagintindi sa akin.Sana nga po mapatawad nya na ako.”
Malungkot syang umalis sa bahay nina Xandie,pero ganunpaman ay nagkaroon sya na pag asa dahil nakausap nya na ang magulang nito.🤗






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top