I’LL NEVER GO CHAPTER 20


Kinausap ni Markus ang magulang na gusto nya makilala ang babae na nirereto nila dito.
“Bakit naman iho? Ayaw mo na ba balikan ang girlfriend mo?”
“Ma ayaw nya na po sa akin.Tsaka me kasalan*n na naman ako sa kanya.”
“Kahit na,kung mahal mo talaga sya di ka susuko.”
“Mahal na mahal ko sya Ma,kaya papalayain ko na sya.”
“Sige kung yan ang gusto mo.Tatawagan ko ang kaibigan ko para ma meet mo na din yung anak nya.Balita ko single pa rin daw yun.”
“Yun oh,malay mo Ma sya na pala ang aking destiny.”
“Sana nga iho para naman magka lovelife ka na ulit.”
Hahaha…
Tinawagan nga ng Mama nya ang kaibigan nito kaya nag set sya ng dinner.
Natuwa naman ang Ama ng dalaga dahil pumayag na ang anak ng kaibigan.
Ang anak nya na lang ang kakausapin tungkol sa plano nila.
Kakadating lang ng dalaga galing sa bakasyon.Kaya me jetlag pa ito pero pumayag sya.
Kasama ni Xandie ang magulang papunta ng restaurant kung saan nila kikitain ang kaibigan ng ama.
Nagbigay galang sya dito matapos syang ipakilala ng ama.
“Ahm wala pa ang anak namin kasi galing pa sya ng trabaho.”
“Okay lang po.”
“Oww hayan na pala sya.Upo ka iho.”
Pagkatingin ni Xandie sa sinasabing anak ng kaibigan ng Tatay nya ay laking gulat nya kasi di nya akalain ma si Markus pala ang tinutukoy ng mga ito.
Hindi sya makapagsalita,ganun din ang mga magulang nya ay nagulat din.Pero ang ama nya na ang bumasag sa katahimikan.
“Markus iho,ikaw pala ang anak nitong kumpare ko?”
“Opo Tito,dito po kasi ako nakatira sa Pilipinas.Kaya hindi ko sila nakasama ng matagal.”
“Kaya pala parang familiar ang mukha mo sa akin,at magaan din ang loob ko sayo.”
“Ibig sabihin ang inaayawan kong babae ay sya rin pala ang girlfriend ko.”
“Excuse me po punta lang po ako ng restroom.” paalam ni Xandie.
“Samahan na kita anak.” aniya ng Nanay nya.
Habang...


papunta ng cr ay sinabi nya sa Nanay nya ang totoong dahilan ng pag alis dati ng nobyo.
“Parehas pala ang naging kapalaran natin anak.”
“Oo nga po Nay,sila lang naman po ang umalipust* sa pagkatao ko,ang umayaw para sa anak nila dahil mahirap lang tayo.”
“Anong gagawin natin anak,aalis na ba tayo?”
“Ako lang po ang aalis Nay balikan mo doon ang Tatay.”
“Ok ka lang ba anak?”
“Oo naman po.”
Nakita ni Markus na di naman sa cr ang punta ni Xandie palabas na ito ng restaurant kaya hinabol nya ito.
“Xandie wait lang,hayaan mo muna akong magpaliwanag.Please.”
“Sige pagbibigyan kita,magsimula ka na.”
“Wag naman dito,doon tayo sa walang masyadong tao para me privacy.”
Dinala sya ni Markus sa isang hotel,napaka elegante ng lugar at makakapag usap nga sila ng maayos.
“Xandie im sorry para sa nangyari sa atin dati,alam kung galit ka sa magulang ko.Nakita ko ang reaksyon mo kanina.”
“Nakaraan na yun,gaya ng sabi mo dati pa.Kaya kalimutan na natin.”
“At yung last time na nakita mo na me kasama akong babae,kakilala ko lang yun.Aaminin ko balak kitang pagselosin pero…”
Di na sya pinatapos magsalita ng dalaga.
“Alam ko na yun,Markus pagod na akong iwasan ka.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Patapusin mo muna ako.Pagod na kong iwasan ka kaya tinatanggap na ulit kita sa buhay ko.”
“Talaga! Ibig ba sabihin nyan ay tayo na ulit?”
“Ano ka sinuswerte manligaw ka muna.”
“Ha back to zero na naman ako.”
“Ayaw mo? Alalahanin mo me kasalan*n ka pa sa akin.”
“Meron pa ba akala ko wala na.”
“Bakit ka pumayag na makilala ang nirereto sayo? Ibig sabihin plano mo na talagang kalimutan ako.”
“Pumayag ako dahil sa gusto na kitang palayain.Lagi mo kasi akong iniiwasan kaya naisip ko na ayaw mo na talaga sa akin.”
“Di mo na ba ako mahal?”
“Di mo lang alam Xandie mahal na mahal kita.”
Dahil dun ay bigla nyang niyakap ang dalaga.😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top