I’LL NEVER GO CHAPTER 30


Habang lulan ng sasakyan pauwi ay walang imikan ang magkasintahan.
Walang gusto magsalita ni isa man sa kanila.
Hanggang sa marating na nila ang bahay ng dalaga.At ng makababa na si Xandie ng sasakyan ay pinasibad na ito ng takbo ng binata.
Nag assume si Xandie na nagalit sa kanya ang binata kaya di nya ito kinausap.
Umabot din ng ilang araw na di sila nagkita.Kapag may gimik ang mga kaibigan ay lagi silang wala.Kahit nga ang bagong kasal ay sumasama sa barkada.
Pero minsang nagyaya si Cassy ay pinagbigyan nya.
“Hey Beb bakit mag isa ka lang,asan ang partner mo?”
“Di ko alam baka busy sya.Lately kasi ay di kami gaanong nagkikita o kahit magtawagan man lang.”
“Magkagal*t na naman ba kayo?”
“Hindi ko alam.Basta yung last na nagkita kami ay nagtalo kami.”
“Kaya pala.Aba’y ayusin nyo kaagad yan ha.Wait lang at tatawagan ko.”
Tinawagan nga ni Cassy si Mark.Ring lang ng ring ang selpon nito hanggang sa di na nakatiis si Xander ay umalis ito at sinundo ang kaibigan.
Pagdating sa condo ng binata ay naabutan nya itong umiinom ng alak mag isa.
Ayaw pa nga nitong sumama sa kaibigan,pero ng sinabi nito na andun si Xandie ay mabilis itong nagbihis at nagyaya na umalis na sila.
“Tara na Bro’ baka mamaya ay lasing na naman yun.”
“Malamang kanina pa kami tawag ng tawag sayo di ka sumasagot.”
Pagkadating nga nila sa bar ay ganun na lang ang gulat nya dahil tulad ng inaasahan nalasing ito agad.
“Parang nangyari na ito dati ah?”
Deja vu.Kumbaga kasi kapag gusto ng tropa nya na magkaayos sila
ay tsaka naman ito di na makausap dahil sa kalasing*n.
“Yap,kaya iuwi mo na yan.Mag usap kayo kapag nahimasmasan na sya.”
“Hindi naman siguro yan magagalit bukas ano?”
“Alangan namang matuwa pa yan sayo,ilang araw mo ding hindi pinansin.”
“Sige uwi na kami.Ako na lang bahala magpaalam kina Tita.”
“Don’t worry...


Bro’ naipag paalam na namin yan.”
“Kaya nga yan nilasing nina Cassy para maiuwi mo sainyo.”
“So me utang na loob pala ako sainyo?”
“Yes,kaya bayaran mo kami.hahaha.”
Hindi naman masyadong lasing si Xandie alam nya pa ang nangyayari sa paligid.Pero ewan nya ba parang ang gaan ng pakiramdam nya at parang wala syang lakas na kumilos.
Malinaw nyang naririnig ang usapan ng mga ito.Bilib sya sa kaibigang si Cassy kapag ito ang nag isip ng kalokoh*n ay sinasang ayunan agad ng lahat.
Sabagay hindi naman matatawag na kalokoh*n ito dahil gusto lang nito maayos ang relasyon nila magnobyo.
Inuwi nga sya ni Mark sa condo nito.Nakatulog sya sa byahe kaya ng akmang bubuhatin na sya ng binata ay nagising sya.
“Ano ba kaya ko maglakad.”angil nya dito.
Kaya inalalayan na lang sya ng nobyo pababa ng sasakyan.Hanggang makarating sila sa unit nito.
“Wait bakit dito mo ko dinala? Aminin mo may binabalak ka no?”
“Kala ko ba lasing ka,bakit ang linaw pa din ng salita mo?”
“Hindi ako lasing nakainom lang.So ano nga bakit dito tayo umuwi?”
“Gusto ko lang na mag usap tayo.”
“Mag usap samantalang ilang araw mo kong tiniis.”
“Nagpapraktis na ko,para kapag umalis ka ay di nako mahirapan.”
“Kaya mo naman pala eh.”
“Hindi kaya.Di mo lang alam na gabi gabi akong umiinom mag isa para makalimot.”
“Wow ha! At plano mo na talaga akong kalimutan.”
“Hindi sa ganun.”
“Eh ano,mag explain ka na ngayon habang kinakausap pa kita ng maayos.”
Hindi na sya nagsalita bigla nyang kinabig ang mukha ng dalaga at sin*il ng hal*k sa labi.
Hindi na rin sya umangal pa at tinugon na lamang ang hal*k ng binata.
“Love mahal na mahal kita.Tandaan mo yan.”
Hindi nya sinagot ang binata,itinuloy nya na lang ang naudlot nilang halik*n.
Natuwa naman si Mark sa inasal ng nobya.Kahit di ito sumagot sa kanya ay ramdam nya na mahal din sya ng dalaga.πŸ˜‰






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top