I’LL NEVER GO CHAPTER 5


Bigla akong nalungkot sa isiping yun,hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin kilala ang tatay ko kahit nga pangalan man lang nya.
Kahit ramdam ko na may kulang sa aking pagkatao ay hindi ko yun pinakita sa kanila bagkus ay naging positibo pa rin ang pananaw ko sa buhay.
Kagaya ngayon binigyan ako ng isang anghel sa katauhan ni Tita Pia.Kaya naman gagawin ko ang lahat para masuklian ko ang kabutihan nya sa akin.
Pagkagaling sa eskuwela ay diretso na ako ng bahay.Kapag wala akong pasok tsaka na lamang ako pumupunta sa shop.
Minsan na papunta ako dun ay nadaanan ako ni Cassy.
“Xandie saan ka pupunta? Tara sabay ka na sakin.”
“Wag na Cassy papunta ako ng shop ngayon baka mapalayo ka pa.”
“Wala naman akong partikular na pupuntahan kaya sama na lang ako sa yo.”
“Sige ikaw ang bahala.”
Habang nagkukwentuhan kami ay ininvite nya ako na isama sa birthday ng isang friend nila.
Tatanggi pa sana ako kaso nahiya na ko sa kanya,sa tuwing niyaya nya ako ay umaayaw ako.
“Xandie sama ka sa amin nila Sab birthday ni Celine at tutugtog dun sina Kuya,para makilala mo na din sila.”
“Kelan ba yan? Try ko kung payagan ako ni Tita Pia.”
“Dis weekend,Ako na magpapaalam para sa yo,andun ba sya sa shop ngayon?”
“Kaw ang bahala sana nga payagan ako.Oo andun na sya.”
Nagtaka pa si Tita Pia kung bakit may kasama ako.
“Tita klasmeyt ko po si Cassy.”
“Oh hello iha,buti naman at me mga kaibigan ka na dito Xandra.”
“Ahm im Cassy po Tita nice to meet you po.Tita pwede ko po ba isama sa birthday party si Xandie...


sa friday?”
“Saan ba gaganapin yang party na yan?”
“Sa bahay lang po nila Celine,malapit din dito sa subdivision natin.”
“Ganun ba,sige kung gusto nya basta ikaw ang bahala sa kanya dun.”
“Opo Tita salamat po,ihatid ko na lang po sya pagkatapos.”
At dumating na nga ang weekend kaya inaantay ko si Cassy para pumunta kami sa birthday party ng friend nya.
Simple lang naman ang handaan pero hindi maipagkakaila na mayaman sila.
Hindi ko makita si Sab siguro andun sya sa boyfriend nya.
Hanggang sa nagsidatingan na nga ang mga bisita na halos mapuno na ang garden.Meron dung stage siguro dun sila tutugtog mamaya dahil andun ang mga istrumento naka set up na.
At dumating na nga sina Sab,tama nga ang hinala ko at siguro ito din ang boyfriend nya.At kasama nito ang mga kabanda papalapit sa kinaroroonan namin ni Cassy.Nang mahagip ng paningin ko ang kinaiinis*n kong lalake.
Teka kamukha sya nung…Oo sya na nga yun.
“Hi Xandie,hi Beb.buti naman at pinayagan kang sumama.”
” Pinag paalam ko sya Beb sa Tita nya.”
“Oh by the way,this is Lance my boyfriend,Kuya Xander ko,Anton and Markus.Ang single sa kanilang magkakaibigan.”
“I’m Alexandra, Xandie na lang nice meeting you guys.”
“Hello im Xander Kuya ni Sab.”
“Ako naman si Lance Kuya ni Cassy at boyfriend nitong honey ko.”
“Anton here,boyfriend ng celebrant.”
At heto na nga sya na lang ang hindi pa nagpapakilala sa akin.
Nagulat pa ako ng hawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.Sabay shake hands.
“I’m Markus.Sabi nga ni Sab ang single sa grupo.Baka gusto mo mag apply.”
Hindi ako nakahuma sa tinuran nya.Gosh! Hindi lang pala masung*t mahangin din.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top