I’M A PRIVACY WRITER TO WRITE MY LIFE


I’M A PRIVACY WRITER TO WRITE MY LIFE
“Eyy? hindi kaba mahilig magsulat?, kase may premyo yung pagsusulat eh sayang ka, angganda pamandin ng sulat mo” aniya ng katabi ko.
“hindi eh, ayoko hindi ko kaya magsulat sa public, sinasarili ko nalang kase kapag naipakita ko na ang ginawa kong istorya baka isawalang-bahala lang nila ang pinag-hirapan ko lalo na bago palang ako, hindi tulad ng iba matagal na sila ako mag sisimula palang pero marami na akong naipon na imahinasyon kong istorya pero hindi ko mabuo lahat ‘yon kaya sa isip nalang ako nag iimahinasyon” paliwanag ko at nginitian ko siya
“Aww sayang sabagay wala naman oras ang pagsusulat hindi bah? Pero mahirap narin kasi ngayon mag habol ng magbabasa ng istorya mo, malay mo kapag nag simula kana onti-onti rarami na magbabasa”
“Pano?” tanong ko
“Syempre magsisimula ‘yan sa maliit hanaggang sa dumami sila, syempre mag hihintay ka habang gumagawa ka dumadami sila, magulat ka nalang tss madami na magbabasa kahit sa tingin ng isip mo kaonti lang pero rarami din sila, trust me” bigla niya akong kinindatan kaya napangisi ako.
“Sabagay ‘yun din naisip ko noon pah, kaso minsan tinatamad hahaha walang tamang oras para mag sulat kase ‘yung mga iba nag papalose-confidence sila sa sarili ko parang hindi ko bagay tapos nawawalan na ako ng gana, tapos marerealize ko na ba’t ko pah sasayangin oras ko sa walang...


kwentang bagay hindi naman napapakinabangan, hindi bah?” aniya ko kaya napatango siya
“Oo ganon talaga pero may mag-bibigay naman sa’yo ng kakayahan para mapagana ka ulit syempre sa itaas, kapag may tiwala ka sisigla ka, kung wala edi wala hahaha ganoon lang ‘yon” tawanan namin.
“Kung ako sa’yo hindi kita pipilitin kung magsusulat ka o hinde basta wag mo lang pabayaan ang sarili mo sa ginagawa mo, just trust, don’t lose your trust.” aniya kaya sumigla ang sarili ko.
Naalala ko mga kwento niya parati mga tawanan namin at hindi malilimutan ang pagkakaibigan niya. Ilang years na rin siyang manunulat pero may oras din na mawawala din ang isang pahina ng binubuong istorya. Kaya kung ako, ako mag tutuloy dahil pinangako ko sakanya na kahit anong mangyari.
Itutuloy pa rin namin ang pahinang binuo namin noon pang bata pa kami. He’s Wakin my bff, sa pagpaalam ng pahina niya meron pa ring mag tutuloy.
Hindi ko ito ipapalabas sa tao na gustong magbasa ang gusto lang namin, kung sino makakabasa man nito ay madama rin ang pagsusulat
Hindi lang sa pag-ibig ang pagsusulat ng istorya kundi buhay at panyayari sa mundong ito. Parang pagsusulat lang ng diary kung ano nangyari sa iyo buong buhay mo.
Kaya ituloy mo ang pangarap mo ipalabas mo ang tapang mo, wag kang makinig sa iba kung pagpapa-baba lang ng sarili mo.
The words of Keilah/ Avery.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top