I’m His Childish Wife Chapter 13


I’m His Childish Wife
Chapter 13
Ngayon na ang gabi para sa Birthday party ni Lola Elizabeth
Cadence pov
Andito ako sa isang kwarto kung saan wala si hubby…tanging mga make-up artist lang ang naririto
“Ok Ma’am ready na?”
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako magsalita
“Eh…kailangan pa bang lagyan ng make up ang mukha ko” sumimangot ako
“Ma’am,sabi kase ni Sir Rad na kailangan.Kapag di namin ginawa ang trabaho namin,ipapatanggal kami sa aming trabaho…sige na po ma’am.Mas lalo kayong gaganda pa dito oh”
Sumimangot uli ako
Naaawa ako sa sa kanila,pano nga kung natanggal sila sa trabaho nila e di wala na silang pagkukunan ng pantustos sa pangangailangan nila
Kainis si hubby.kailangan pa bang mag kolorete ako sa mukha?!
Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon nalang...


total di naman nakakamatay diba? Hehe

Tapos na sila sa pag ma-make up sakin at handa na akong lumabas
Suot-suot ko ang fitted red dress na may slit sa parteng binti.Sana nga di na magalit si Lola Elizabeth sakin….
Hindi man ako komportable sa suot ko,tiniis ko nalang para narin kay Lola Elizabeth,lalo na’t kaarawan niya ngayon at ayokong malungkot siya
“Waaaahhh! Ma’am! Ang ganda ganda mo! ” sabi ng isang make up artist
“At ang sexy mo pa!” Ani ng isa ulit na make up artist
“Siguradong ikaw ang magiging center of attraction sa party ma’am” natawa nalang ako
“Kayo ha,ang hilig niyo mambiro”

Pababa ako ngayon sa hagdan at balak kong gulatin si hubby.
Saktong nakatalikod siya habang may katawag kaya napangisi ako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top