I’M NOT HER — CHAPTER 1


Written by: @Darkcakess

The day before it’s started.
“Chinn!!” Uhm, that was me, wala ng iba pa.
I’m Chinn Shezeke, an head trainor of this big entertainment company not just a trainor, katulong rin ng buong company, ang babaeng hindi pwedeng humindi.
Lumingon ako sa superior ko bago binigyan sya ng tila kay tamis na ngiti.
“Yes chief?”
“Yung mga papel na pinapatrabaho ko sayo nagawa mo na ba?” he ask me, kaya ngiting ngiti akung tumango sa kanya bago inabot yung mga papel na hinahanap nya.
“Yes chief, as you can see I fixed it already para hindi na po kayo mahirapan pa and also i did my best for that one” tumango lang sya sakin bago inabot ang hawak kung mga folder na nag lalaman ng mga gawain na pinagawa nya.
“You did a great job” he said, bago ako tinap at agad ng umalis sa aking harapan muli ko nanamang narinig ang aking pangalan isa sa mga highly ranked stuff dito sa aming company, Which is Allyson.
“Chinn, can you print this one for me?” Tumango nalang ako bago inabot ang mga papel na inaabot nya sakin, hindi kasi ako marunong tumanggi lalo na kung kaya ko.
Gumawi ako sa printing area, bago sinimulan ng iprint ang mga papel na galing kay allyson hindi pa man ako natatapos sa aking ginagawa ng muli na naman akung tawagin ng isa pang ka co-worker ko dito which is Pear.
“Pwede ikaw na muna ang umorder ng meryenda ng lahat? May importante pa kasi akong ginagawa” She said, wala naman akong magagawa kundi ang umuo nalang.
“Thank you” She said, tumango nalang ako sa kanya bago gumawi sa printing area at tinapos ang inuutos sakin ni allyson kanina ng matapos na ako agad ko itong inabot ng ayos kay allyson bago nag paalam at tumungo na sa canteen.
___
“Yes ma’am, can i take your order?” tanong agad sakin ni ate girl ng marating ko na ang harap ng pila.
“10 cups of coffee, 1 cafe au lait, 2 caffè late, 3 americano, 3 cold brew coffee and the rest is irish coffee” muli nyang inulit yung mga order ko to check if she list it correctly and tama naman. “Babalikan ko nalang miss ah” i said, bago sya tumango tango sakin.
Gumawi naman ako sa burger zone para i order yung aming mga kakainin, tinanong agad ako ng isang babae na naka assign sa counter area. “Hello ma’am welcome to burger zone, can i take your order?” She ask me bungad ang ngiti nyang kay tamis.
Ngumiti din ako sa kanya pabalik bago tumango at tiningnan ang mga list of menu. “uhm, 2 Beef burger, 2 wild salmon burger, 4 Veggie and 1 portobello mushroom burger and can you add some extra mushroom too?” tumango tango naman sakin yung babae bago chineck yung list of order ko “uhm btw please add it for the list. 1 Carbonara, Spaghetti, and bolognese pasta thats all” i said, then she take my order now.
Mga ilang oras din bago ko nakuha ang lahat ng pagkain na inorder ko halos hindi ako mag kanda-ugaga sa hawak na gagawin ko dahil sa dami nito.
Inorder ko lang naman lahat ng order na nakagawian ng iutos sakin noon as usual na sa ulo ko na sila kasi hindi lang naman...


suyo ito sakin, kundi utos na rin sa pang araw araw.
Ng maka rating na ko sa elevator area hindi ko maintindihan kung papano ko ba pipindutin yung elevator sa dami kung dala.
Pilit kung inaabot yung pindutan, habang binabalanse ang aking mga dala upang hindi sila mahulog mula sa aking pagkakahawak is tila hindi ko maabot kahit anong gawin kung pag abot dito and then someone helped me.
“Anong floor?” tanong nya sakin “5th floor please.” napa kunot noo ako ng tila hindi nya pinindot yung floor na sinabi ko at sa halip eh kinuha yung mga bitbitin ko.
“Go ahead” he said, then bumaling ng tingin sa pindutan ng mga floor dito sa elevator, napatango naman ako bago napangiti ng pag katamis-tamis sa kanya.
How gentleman he was, agad kung pinindot yung 5th floor bago bumalik sa pwesto ko. “Salamat”
“Your welcome” he said, bago ngumiti sakin. Napa ngiti ako ng ewan ng makita ko ang itsura nyang tila nawawalan ng mata tuwing ngumingiti at tila’y agad ding nawala ng ibalik nya sakin yung mga bitbitin ko kanina.
Napakunot noo ako sa kanya. “Hindi ako ginawa para mag bitbit ng gamit ng iba” he said, then pat may head kasunod non ang pag labas nya ng elevator ng tila huminto na ito sa 5th floor.
Akala ko gentleman na, akala lang pala amp. Gumawi na ako sa aking direction at di nalang pinansin yung ngyare kanina.
Pag pasok ko sa opisina agad kung ibinahagi sa lahat ang kanya kanya nilang order ng matapos na ako muli ko nanamang narinig ang aking pangalan.
“Chinn! Can you send this report for me?” as usual hindi ako makatanggi kaya tinanggap ko nalang at gumawi sa aking lamesa upang simulan ang trabaho ng iba na nagiging trabaho ko na.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kakaabala ng biglang mag tawag pansin yung head chief namin kaya napatigil kaming lahat sa aming ginagawa.
“Listen everyone let’s all welcome our new intern” he said, kaya napabaling yung tingin ko don sa taong tila kapapasok lang.
Tila nawala ang ngiti ko sa aking labi ng makita ko kung sino yung pumasok, si Mr. hindi ako ginawa para mag bitbit ng gamit ng iba, ang bumungad sa aming lahat is lintek sya dahil nakakabwesit sya kanina.
Inikot sya ng chief head namin sa working place and then ng magawi na sila sakin, agad ko silang sinalubong at ngumiti ng tila ng aasar.
“She is..” hindi na naituloy pa ni chief ang kanyang mga sasabihin dahil ako na mismo ang nag pakilala para sa akin. “Chinn, I’m Chinn Shezeke” i said bago inilahad ang aking kamay sa kanya.
“She’s your head trainor” Sabi ni chief kaya mas lalong sumilay ang ngiti ko saking labi.
“Head trainor?” taka nyang tanong kay chief kaya napatango ito, bumaling sya sakin ng tingin bago pilit na tumawa at inabot ang aking kamay. “Harru Xaiven an intern, at your service.” lagot ka sakin.
Tumango lang ako sa kanya, kaya pinaliwanag na ni chief ang mga basic info about sa gagawin naming dalawa.
Napa upo ako sa aking upuan bago napa buntong hininga, this is me an pitiful servant of this company.
__
Hello guys, let’s do RBP para dito ko na rin po I-post yung next chapter and hindi na rin kayo mahirapan that’s all enjoy reading💕






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top