Hi everyone.. NBSB po ako until now, i want to share this story kase alam ko naman na madami marerelate dito… Meron akong crush for 7 years,, then meron din akong manliligaw nung grade 7.. hindi ko sya iniwasan kase alam ko yung feeling ng iwasan ng taong mahal mo.. classmate ko sya,, at alam ko na may iba pa syang gusto maliban sakin.. pero ako daw ang pinakaspecial sa lahat ng niligawan nya dati… Kade transferee lang sya sa school namin nung grade 6… Classmate sya ng kapatid ko.. actually pareho kami ng level ng ate ko kase nagskip ako… Then pinakilala sakin ni ate yung transferee nila… Siguro mga 3rd week nung simula kong kausapin si Carl.. and paano yung first crush ko? Pano si Andrew?… Si Carl medyo nakakairita sya ee.. lalo na nung grade 6 kase tuwing practice pinagsasama yung section namin tsaka section nila.. lagi nya kong sinusundan.. tas nahuli ko pa sya na pinipicturan ako…. Medyo nainis ako… Si Andrew minsan lang kame magkita sakristan sya tapos magkaiba kami ng school pero parehong private,.. sya yung first crush ko.. actually sya lng yung tanging minaal ko.. kaso nung umamin ako heart break yung naramdaman ko… Pero hindi ko pa talaga balak na magkaboyfriend ha.. bata ko pa kase.. ngayong grde 7 na ko naging kaklase ko na si Carl.. dun din nagstart yung panliligaw nya.. naging close kame.. then naghohokage na sya sakin nung 1st month nya manligaw mangaakbay, hahawakan kamay ko, at may isang time na niyakap nya ko, matapos nun di kk sya pinansin kase dahik sa yakap.. medyo hindi ako naging komportable nun ee… Pero nung napansin nya nagsorry naman sya, mabait si Carl, pero si Andrew parin yung gusto ko.. then mag 4months na syang manliligaw sakin pero nung bwan ng wika nung practice di kame masyadong nakikita nung recess lang magkaiba kase kami ng sinalihan.. tapos nyng recess sinabi nya na miss nya ko… At kasama nya kaibigan nya nun.. tas sabi ng kaibigan nya may iba na daw syang crush.. si Angie pano ba nama ang ganda kaya nun.. pero ewan ko kung bat ako nagseselos.. tas August 29 2018, nagselos nanamn ako.. kase nalaman ko na yung bestfriend ko may gusto sakanya, gusto sya ni Abby pero nakampante ako dahil alam ko na ako yung gusto nya… Pero yung lagi na silang magkasama kahit recess dun na talaga ako nagselos.. hindi na rin ako nasusuyo ni Carl. Tas si Angie nakita ko hinawaka yung kamay ni Carl nagselos ako nun kase magkasama kami ni Carl nun ee ang sabi ko “geh iwanan ko muna kayo” tas naglakad ako nun papunta sa Cr tas hinabol ako ni Carl “Huy,,.. bat ka umalis?” Tinanong nya ko “baka kase sagutin kana ni Angie or may importante syang sasabihin sayo ayoko naman maging epal sainyo” sabi ko “Alyssa, ikaw lang naman yung nililigawan ko ee.. oo crush ko sya, pero ikaw yung mahal ko… Yayakapin na sana kase kita kaso kita tayo sa CCTV kaya ndi ako makaporma ee” sai nya at hinawaka nya kamay ko at hinila ako papuntang Hallway… “Carl ahh si Alyssa na pala” sabi ng kaibigan ni Angie “si Alyssa sya pala yung sinasabi ko na nililigawan ko 4months na…” At nagtinginan sila at nakatingin sila sa kamay namin.. ayaw nya kase bitawan kamay ko,.. “pano si Angie?” Tanong nang kaibigan ni Carl “si Angie crush ko Lang” sabi ni Carl..
Then nandyan na yung second teacher namin… Nilapitan ako ni Carl “Alyssa sorry nga pala” sabi nya “ano kaba? Bakit? Ok lang ” sabi ko “hindi ee… Alam ko na nagselos ka ee kita ko sa mga titig mo” sabi nya “hindi ahh.. diba alam mo naman na may gusto na kong iba?” Sabi ko “oo alam ko.. si andrew,, gusto kong malaman kung ano itsura nya”...
Hanggat may tao pang nagmamahal sayo wag mong iiwasan…wag mong antayin na mawala pa sya sayo… At hindi mali ang magmahal.. ang hindi tama yung pumasok sa isang relasyon kapag bata ka pa… Hindi ko sinasabi na wag magmahal peto bata pa tayo. Hindi pa natin kaya ang pumssok sa isang seryosong relasyon alam ni mama papa at mga kapatid ko na nililigawan ako ni Carl medyo naglit si papa.. pero alam ni mama na hindi ko sya sasagusti kase may nanligaw din sakin dati na crush ko rin tas hind ko sinagot dahil dun nagkatiwala si mama sakin pero si papa strict padin hanggang ngaun…
TOTOO PO ITONG STORYA KONG ITO.. WALANG HALONG KASINUNGALINGAN..