I’M THE MASTER OF THE CEO CHAPTER 3


(AYA POV)
+ dahan dahan kong binuksan ang pinto ng condo ko, at nakayukong pumasok sa loob, baka kasi hindi pa nakakaalis si Troy at makita pa nyako sa monitor, mahabang paliwanagan na naman eh.
Troy- Aya!!
+ hesus maryosep!! Naka crossarms syang nakatingin sakin. Hayss.
Troy- Anong nangyare sayo?
Aya- aaaa, marami kasing inasikaso eh kaya, hindi nako nakauwe.
Troy- tingin mo maniniwala ako? Hindi mo sinagot lahat ng tawag ko, sana naisip mong nag aalala ako!
+ napabuntong hininga ako.
Aya- ano ka ba? Okay lang ako. Ang totoo nakatulog lang ako dahil sa pagod siguro.
Troy- saan?
+ tiningnan ko na lang sya, at uminom ng tubig.
Troy- sa condo ni Primo? Aya this is the first time na ginawa mo yan, masisisi mo bako?
Aya- kalma okay, trabaho yun. Tsaka ligtas naman ako nakauwe diba.
+ nangamot sya ng ulo.
Troy- hindi pwede to, yung kotse mo na ayaw mong gamitin, ipapagamit ko na sayo with driver na araw araw susundo, para hindi ka na makakatulog kung saan.
+ napatawa na lang ako.
Aya- wag na, ano ka ba?
+ napahawak na lang sya sa lamesa, nginitian ko sya habang nakatingin sakin.
Aya- wag ka ngang ganyan, maaga kang tatanda nyan.
Troy- tsk! Pano ako aalis nito kung ganyan?
+ huh?
Troy- may business matters ako sa thailand the next next day. Pano kung may mangyare sayo.
Aya- Thailand? Bakit?
Troy- may mga artist silang pipirma ng kontrata dito, at tayo ang piniling agency.
+ sa totoo lang first time to na sya ang aalis para makipag meeting, more on kasi sya ang pinupuntahan sa agency.
Aya- gano katagal?
Troy- 3-5 days.
+ umiwas na lang ako ng tingin at tumango.
Troy- I still have 2 days, ayaw mo ba talagang magpapakilala sa Zentro?
Aya- pag uusapan na naman ba natin yan? Besides that is only 5 days, you’re back before you know it.
Troy- its not the point, pano kung may mga situation na na ganto? Times na kaylangan ka ng agency dahil wala ako.
+ humarap ako sa kanya.
Aya- if its emergency, I’ll find a way. Pero hindi muna ngayun. Wag ka mag alala, susubaybayan ko ang agency habang wala ka.
Troy- Aya.
Aya- pano? Kaylangan ko na mag ayos muna, may trabaho pako.
+ bumuntong hininga sya bago ko sya lampasan. Pumasok nako sa kwarto, ngayun lang din nya pinauulit ulit sakin na magpakilala na sa Zentro, pero sa totoo lang, hanggat maaari, ayoko. Hayy, tama na, wag mo na muna isipin Aya, bilisan mo na at may trabaho ka pa.
(PRIMO POV)
+ nag drive nako papuntang set, ang magaling na Aya na yun, at anong oras pa sya dadating? Aba at pagdating ko nga sa set, hingal na hingal syang sumalubong sakin.
Aya- Sir, Sir.
+ inihagis ko na sa kanya ang susi at cellphone ko.
Primo- bilis late nako.
Aya- opo.
+ bago kami tumuloy sa set, kumamay muna ako sa mga fans na nanonod, si Aya naman ang taga kuha ng mga regalo, pagkatapos nagpasalamat nako sa kanila. Pagdating namin sa set, busy sila, busy sila kumain ng pizza. Agang aga naman ng break.
Direk- o, Primo, andyan ka na pala, kumain muna kayo, maya maya tayo mag start at parating pa lang si Carmen.
Primo- sige lang direk, pumwest na muna ako sa tent ko at niready ng make up artist ko.
Steff- Aya Pizza oh.
Aya- ang dami naman, bat may pa pizza bigla?
Steff- ahh sabi ni derek may nagpadala lang daw.
Aya- ahhh.
+ sana hindi manakit ang tyan nila, agang aga ng pizza. Makapag laro muna ng Picture puzzle.
Primo- Aya.
+ mual pa syang sumagot at humarap sakin.
Primo- akin na ang cellphone ko.
Aya- ah okay po
+ iniabot nya na sakin, bubuksan ko pa lang, may bigala agad tumawag, ang impaktang si Loida pala, sinagot ko na lang.
Primo- ano?
[Anak! ]
Primo- busy ako
[ah, oo alam ko anak, pero, kamusta, nagpadala ako ng pizza sa set nyo ih, hihi nagustuhan ba nila? ]
+ sa kanya pala galing
[ yan eh para, alagaan ka nila dyan.]
Primo- ginamit mo na naman ng kasosyalan mo, ibaba ko na.
[ teka anak sandali, sa tingin mo nagustuhan ba nila? kumain ka din ha, pinaka the best na pizza yan]
+ tss!!!
Primo- Panget ang lasa!! Sabi ni Direk!!
+ sabay baba ng cellphone. Sari sari ang ginagawa nya.
Direk- okay guys, rehearsal and prepare na tayo, nasa parking na si Carmen.
(AYA POV)
+ pumunta na muna sa pwesto si Primo sa harap, para magbasa ng script, nagulat ako ng parang hangin na sumulpot sa gilid si Carmen.
Carmen- nasan ang boss mo?
+ anyare? Iwinagayway ko paturo kay primo ang kamay ko. Tapos dali dali syang lumapit dun.
Steff- anong problema nun?
+ nagkibit balikat na lang ako. Hinila nya si Primo malapit samin, at malayo kila direk.
Primo- what?
Carmen- aren’t you saying sorry to me?
Primo- for what?
+ nakapanuod lang ako sa kanila.
Carmen- hindi moko sinipot, I called you a thousand times!!
+ what? Napatakip ako ng bibig kasi natatawa ako hahahhahahahha.
Carmen- diba may usapan tayong dinner?
+ aruy.
Primo- I never said yes.
+ napasimangot na lang si Carmen
Steff- ouch. Bakit kasi assuming sya haha.
Tanya- huy haha wag ka maingay.
Steff- ikaw nga natawa ih hahaha.
Direk- Carmen andyan ka na pala, lets go start na.
+ nagdadabog na nilampasan nya si Primo. Tumingin pa sakin si Primo at tumawa, baliw yun. Mejo matatagalan ata ngayun sa taping hahahhahaha. Mainit ang panahon ngayun kaya nakapayong akong nanunuod lang sa tabi, Actor nga sila, parang walang nangyare eh. Nadako ang mata ko sa isang matandang lalake na nakatayo rin, malapit lang sa gilid at nanunuod sa taping, naawa naman ako kasi masyadong mainit, kaya lumapit ako at pinayungan din sya.
Aya- Manong sumukob muna kayo sakin.
Luis- salamat ineng
Aya- may kakilala ba kayo dito manong? Ngayun ko lang po kayo nakita ih
Luis- ahh, lagi ako nanunuod ineng, pero nasa malayo lang ako.
Aya- talaga po? Sino po ang lagi nyong pinapanuod.
+ tumawa lang sya sakin. Sabagay baka gusto nya lang talaga manuod.
Luis- Ineng, kung hindi ka maaabala, pwede mo ba ako ihatid sa pinaka malapit na kainan?
Aya- oo naman po. Halika kayo.
+ sinamahan ko sya palabas ng set, mainit din kasi. Dinala ko sya sa isang maliit na restaurant, sa totoo lang natuwa ako haha, hindi sya ganun katandaan pero, halatang mejo mabagal na sya kumilos.
Aya- ayos lang po ba kung dito?
Luis- oo ineng salamat ha.
Aya- sandali manong ako na bahala umorder ng kakainin nyo.
Luis- naku ineng wag na, nakakahiya naman sa iyo.
Aya- okay lang ho, isipin nyo na lang pasasalamat ko po kasi pinapanuod nyo ang taping.
Luis- isa ka ba sa kanila?
Aya- ah, PA po ako ng isang actor ng...


pelikula.
Luis- ahh.
+ pumili nako ng makakain nya, yung pinaka mahal ang pinili ko hahaha syempre para magustuhan nya agad. Ng dumating na ang order.
Luis- ineng napaka dami at mukang mahal ito ah, babayaran na lang kita.
Aya- sus, wag na po, tikman nyo masarap po yan.
+ kumain naman sya at napangiti. Yeyy.
Aya- ano pong pangalan nyo?
Luis- Luis ineng.
Aya- ahhh ako po si Aya.
Luis- maganda ang pangalan mo ineng.
Aya- haha Salamat po.
+ sa tunay naubos nya yung order hahaha nakakatuwa.
Luis- ineng, nakakahiya man sayo baka maaring parahan mo nadin ako ng bus, hindi ko kasi mababasa ang karatula ng bus eh.
Aya- bakit po? Sobrang labo na po ba ng mata nyo?
Luis- oo ineng eh. Kahit yun na lang sana.
+ hmmm. Bakit ba ang gaan ng loob ko sa kanya. Tumayo at lumapit sa kanya.
Aya- manong? Sama po kayo sakin, may pupuntahan tayo.
Luis- naku saan naman iyon?
+ isinama ko sya sa optical.
Luis- naku ineng hindi mo naman kaylangang gawin ito.
Aya- ako ang bahala sa inyo manong. Reyna!!
Reyna- oh, Aya, magpapa check ka?
Aya- hindi ako. Si Manong.
Reyna- hello po.
Luis- magandang umaga.
+ isinama na nila si Manong, after i check ang mata nya pinagawan ko sya ng salamin. Nakakatuwa kasi napapangiti ngayung malinaw na ang paningin nya.
Aya- Manong Luis, ayos po ba?
Luis- naku ineng, napaka laking tulong. Salamat sa iyo.
Aya- walang anuman po.
Luis- hindi ko alam pero napaka bait mo, hayaan mo babawi ako.
Aya- hindi na po kaylangan.
Luis- napaka yaman mo siguro ineng.
Aya- hindi naman po sa ganun. Hali po kayo ihahatid ko kayo sa bust stop
+ pinayungan ko na sya at sinamahan mag intay ng bus.
Aya- salamat po sa suporta nyo samin ha. Hindi ko po kasi akalain na may mga tulad nyo pa pong silent supporters.
+ nginitian nya na lamang ako. Maya maya ay dumating na ang bus. Humawak sya sa kamay ko at muling nagpasalamat pagkatapos ay sumakay na, kumaway kaway na lamang ako. Bigla namang nag ring ng nagring ang cellphone ko, hala si Primo nga pala. Pero pagtingin ko si Troy pala.
[Troy- Aya!! ]
Aya- o bakit?
[I need your help]
Aya- bakit anong nangyare,
[ papunta akong Cebu ngayun, but yung isang model na kinuha natin from Australia ngayun ang dating, kasama ko ang Secretary ko kaya walang haharap. ]
Aya- what?
+ shemay.
[ just be there lang saglit. Pabalik nako. Pag nalaman nilang walang haharap sa kanila baka mag cancell pa ng kontrata. ]
+ napahawak na lang ako sa ulo.
Aya- teka eh nasan na ba daw sila
[ ang last update on the way na sa Zentro. ]
+ shiii****
Aya- sige, just hurry up.
[ okay thank you Aya]
+ kabababa ko pa lang may tumawag na naman, si Primo naman ngayun. Aaa!!!
[ asan ka na naman? ]
Aya- uhmmm. May emergency lang po ako, babalik ako agad.
[ Aya!! ]
+ binaba ko na saglit at mabilis na pumara ng cab papuntang Zentro. Linchak naman oh, ayoko sa lahat itong gantong natataranta. Pagdating ko sa Zentro, pumunta agad ako sa information.
– maam Aya, okay lang kayo?
Aya- kapag dumating na yung Model, sabihin mo na lang na umakyat na sa office ni Sir Troy ha. Papasukin mo at dun na lang sila mag hintay.
– teka. Ngayun na po ba yun, pero kaalis lang po nila CEO
Aya- basta, utos nya yun, okay?
– sige po
+ dali dali akong umakyat sa taas. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na ako ang haharap. Kaya ang plano ko, papasok na lang ako sa Office pag sila na lang ang nandun.
(PRIMO POV)
+ aba talaga namang, pinatayan ako, nasan na ba yun! Na cancell kasi ang taping dahil sumakit ang tyan ni derek, yan na nga ba ang sinasabi ko sa pizza na yan ih. Dali ka ngayun loida. Tinawagan ko uli si Tanya pero hindi na nya sinagot. Tsaka anong emergency? Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam sa kanila, iniisnob ako ni Carmen haha. Pupunta na muna akong Zentro, mas magandang dun na muna ako magpalipas hanggat wala pang ibang schedule, linchak na Tanya nayun!! Pagdating don, diniretso ko sa parking paloob, may mga fans din kasi sa labas, tiningnan ko ang mga banner nila, Allissa? Bat nandito ang mga fans nya? Bumaba ako ng kotse, nakita kong bumaba din sa isang kotse si Allissa at nag hi sa mga fans? Anong ginagawa nya dito? After nun pumasok na sila sa loob. Hindi na muna ako pumasok sa loob, nagulat ako ng maya maya dahil pumarada din ang kotse ni Troy. Aligaga syang bumaba kasama ang Secretary nya. Para syang balisa.
Primo- anong nangyayare?
Troy- ha? Diba may taping ka?
+ tiningnan ko lang sya ng nakakunot ang ulo.
Troy- whatever.
+ dali dali syang naglakad papasok habang may tinatawagan. Parang mga abnormal ang mga tao ngayun. Kinuha ko din ang cellphone ko at tatawagan sana si Aya pero busy ang number nya. Talaga naman!!!! Pumasok nako sa loob dina dial ko padin ang number nya, gutom nako eh. Nasan na ba kasi yun?!! Pinindot ko na ang elevator at nag antay saglit. Sinagot na ni Aya ang phone sakto bumukas nadin ang elevator pero nagulat ako at iniluwa sya nun.
Aya- Sir!!!
+ hingal na hingal sya.
Primo- anong nangyare sayo?
Aya- po?
+ lumabas sya at hinila ako.
Primo- bakit? Sandali nga, san ka ba nanggaling, kanina pa kita tinatawagan, di ka nasagot, nandito ka lang pala.
Aya- uhhmmm. Ano po kasi.
Primo- Ano?!!! Tsaka ano yung emergency, okay ka lang?
Aya- nagka—-nagka diarrhea ako Sir.
Primo- ha?
(AYA POV)
+ bahala na kung ano maidahilan ko. Bumenta naman eh, sakto kasi nung dumating yung Model, kasunod lang si Troy, kaya tinawagan nyako at sinabihang wag na magpakita, kaya agad akong bumaba at sinagot naman ang tawag ni Primo.
Aya- ano nga po palang nangyare? Tapos na ba ang taping.
Primo- oo ta—
Loida- Anaaak…..
+ naku, andyan na naman si Madam.
Loida- hello anak.
Primo- anong ginagawa mo dito?
Loida- may mahalaga lang na meeting anak.
Primo- dito????
Loida- yess.
+ meeting? Ano naman yun? Teka!! May kaiba sa tyan ko ah. Parang…. Parang may sasabog!! Sheeemaaay!!!
Loida- by the way, mauna na muna ako anak ha. Byeee.
Primo- tsss!!!
+ lumampas na sya samin.
Primo- hoy.
Aya- po?
+ halaa, bat ang sakit, mejo nangingiwi nako.
Primo- oo nga pala, maaga natapos, sumakit kasi ang tyan nila derek, siguro dahil sa pizza.
+ HA?!!!! nanlaki ang mata ko.
Primo- wait!
+ tinuro nyako.
Primo- diba kumain ka din??
Aya- Siirrrr!!!
+ napahawak ako sa kanya ng mahigpit.
Aya- Sandalii lang po ha!!
Primo- ayos ka lang?
Aya- hindi po.
+ mabilis pa sa hangin na tumakbo ako sa banyo at iniwan sya dun. Wala nako pake, hindi ko na kaya. Karma mo yan Aya, nagka totoo pa ang diarrhea mo!!!!!!
Itutuloy……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top