In My Dream


by: jellylicious123
genre: teen fiction
PROLOGUE
“Kaliii!!!!!!” Napangiti ako ng wala sa oras bago ako lumingon sa kaniya. Nakita ko siyang nakatayo malayo sa akin. Nakangiti siya, masaya, makikita mo sa kaniya na inlove siya. At masaya akong malaman ako ang dahilan kung bakit nakangiti siya ngayon, kung bakit siya masaya at higit sa lahat kung bakit siya inlove.
Masaya siyang kumaway sa akin at nagba-bike habang hinahanda ko ang pagkain sa telang nasa damohan. Nasa park kami ngayon kasi sabi niya ay magdi-date daw kami. At dahil 1st anniversary namin ngayon. Masaya ako na kasama ko siya ngayon. Nakikita ko ang magaganda niyang ngiti at kung paano magningning ang mga mata niya kapag nakatingin siya sa akin.
Kumaway din ako sa kaniya nang nakangiti……..
Ngunit sa isang iglap….
Nakita ko siyang malungkot, natatakot at nasasaktan. Ang kaninang ningning sa mga mata niya ay nawala and even his handsome smile that make my heart beat faster.
Unti-unting naging madilim ang buong paligid, natatakot ako sa dilim kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya. Pero habang lumalapit ako sa kaniya lalo lang siyang lumalayo sa akin, kahit hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Habol hiningang huminto ako sa pagtakbo habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko siyang umiyak habang unti-unting humahakbang papalapit sa akin. Unti-Unti naring Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas mula roon.
Ang kaninang dahan-dahan niyang paghakbang ay naging mabilis hanggang sa maabutan niya ako. I...


hug him so tight while my tears fall from my eyes like a river.
“Tandaan mo lagi na mahal kita at kung papipiliin ako, ikaw parin ang mamahalin ko.” Paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang ‘mahal kita’. Until I felt something fell on my left sholder. I knew it he was crying.
Umiiyak siya….. Ang taong mahal ko.
“I love you too…. Skye”
Sa isang iglap nilamon na kami ng kadiliman at wala na ang taong mahal ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, umaasang pagdilat ko makikita ko ulit siya, ang mga ngiti niya, at mayakap ulit siya.
“Kali mahal kita.” Muling nagunahan sa pagtulo ang luha sa nakapikit kong mga mata ng marinig ko ang sinabi niya yun.
“Mahal kita… mahal na mahal.” Yan ang huli kong sinabi bago ko naidilat ng tuluyan ang mga mata ko. At sa pagdilat ko nakita ko ang liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa binti ko. Bumangon ako at muli na namang naiyak ng maalala ang mga eksenang sa panaginip ko lang nangyayari.
Oo….. Sa panaginip ko lang siya nakakasama, nakikita at nayayakap. Sana hindi nalang ako nagising. Para makasama ko siya.
Hinihiling ko na sana makita ko siya balang araw. At sa pagkakataong yun. Totoo na. Hindi ko na kailangan matulog ng matagal para lang makasama siya.
Hinihiling ko na sana balang araw bawat pagtulog ko kayakap ko siya hanggang sa magising ako siya ang una kong makikita.
Sana……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top