Incompatible Part 15


Kasama ang lolo ni Bekket, sabay sabay silang lumabas ng opisina nito. Pinagtitinginan sila ng mga empleyado habang papalabas ng opisina hanggang pangunahing pinto ng gusali ng BC company.
Agaw pansin ang porma ni Schiyev na simpleng t shirt at jeans lang na hindi bumagay sa porma ni Bekket na naka suits.
Napansin ni Bekket ang kanyang mga empleyado na kakaiba ang mga tinging pinupukol kay Schiyev. Mga tingin na halatang pinabababa ang huli.
Napalingon si Schiyev kay Bekket nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at hinila palapit kay Bekket. Hindi na siya nagulat sa ginawa nito dahil kasama nila ang matanda. Magdududa ito kapag makitang parang hindi sila magkarelasyon.
Tuloy tuloy ang hawak ni Bekket sa kamay ni Schiyev hanggang sa makasakay ng kotse.
” Where is your Driver?”
” I dont need one ,Lo. ” Sagot niya.
” Mas mabuti nang may Driver ka para makapagpahinga ka saglit. ”
” Lo, im ok. And besides, ayokong mahawakan ng iba ang Fave car ko.” Pagdadahilan niya sa matanda.
Hindi na nagsalita pa ang kanyang lolo. Hinayaan na lamang siya nito sa kanyang gusto. At ngayon naman si Schiyev ang kanyang kinakausap.
” Iha…”
” Yes,po?”
” Kelan ka lilipat sa bahay ko?”
” Po?! ” Nagulat si Schiyev sa biglaan nitong tanong.
” Ahm..sorry sa pagmamdali ko. Gusto ko kasing magkaroon na ng apo sa tuhod kay Bekket. You know,im old already. Im looking forward na magkaroon agad ng anak ang apo kong iyan.” Sabay nguso niya kay Bekket na nakatuon sa pagmamaneho. Ang hindi niya alam,nakagat muli ni Bekket ang kanyang labi na nasagutan kanina dahil kay Schiyev.
(” Ouchh….” Daing niya ng mahina.” Lolo talaga…” )
” So,When iha?” Tanong niya ulit kay Schiyev.
” Ah…hindi pa kasi kami kasal ,Lolo. Kaya hindi ko po alam kung kelan.”
” O! No problem. You can get married tomorrow or the next day.”
” Po?!”
” You love Bekket, right?”
Sasabihin pa sana niya na hindi pero
” Yes! Ofcourse,Lo. I…love him.” Sabay baling kay Bekket. Nasa tabi siya ng huli umupo.
” Ok. Ipapahanda ko na ang kasal nyo sa secretary ko. Tatawgan ko siya mamaya para tawagan ang mga kilala naming wedding coordinator para ayusin ang lahat as soon as posible.”
” Ye….yes po.” Sagot na lang niya.
Hindi nagtagal ay narating nila ang mansion ng mga Choi. Malaki ang bahay kaya mansion na mansion ang dating. Inalalayan ni Bekket ang kanyang lolo pababa ng kotse hanggang makapasok ng bahay.
” Jenica,Laura,Moli…..” tawag niya sa kanilang mga katulong.
” Yes,Director.” Sabay sabay na sagot naman ng mga ito sa kanya.
” Please prepare our dinner and the guest room. Nandito ang asawa ni Bekket.”
” Yes,Director.” At isa isa nang kumilos kahit na nagulat sa sinabi ng kanilang amo.
Si Schiyev naman ay nahiya sa kanyang narinig. Asawa talaga ang pagpapakilala sa kanya ng lolo ni Bekket sa mga katulong. Hindi pa nga sila kinakasal.
” Iha….”
” Yes,po?” Magalang niyang sagot.
” Your going to stay here until tomorrow. Aakyat lang ako sa itaas at magpapahinga lang saglit. ” Sabi niya.” And Bekket…”
” Lo?” Maagap na sagot nito.
” Tawagin mo ko kung nakahanda na ang dinner. ”
” Yes,po.”
” Ahm….sandali lang po…” Pigil ni Schiyev sa matanda.
” Yes? May kailangan ka ? Pwede mong hingin sa mga kasambahay dito.”
” Ah..ano kasi ,Lo. Ahh…tama po ba ang narinig ko? Hanggang bukas po ako rito?”
” Yes. ” Sinabayan pa ng tango.
” Eh,Lo. Nakakahiya po. Hindi pa po kami kasal ng apo niyo.”
” I know. Hindi ko naman sinabi na magsama kayo sa iisang kwarto. I just said that you will stay here until tomorrow.”
” Ah…may klase po ako. Hindi po ba nabanggit ni Bekket na nag aaral pa po ako?”
” He told me. Pwede ka niyang ihatid bukas ng maaga papuntang school mo. And Bekket,tawagan mo si Dome ,sabihin mo na bilhan kamo ng mga damit itong asawa mo at nang may masuot bukas. Sabihin mo na doon siya bumili sa kaibigan nating designer na may ari ng mall. At ipapahatid mo na rin rito.”
” Yes,Lo.”
” Ok. I’ll go get some rest.”
” Yes,Lo…”
Tumalikod na ang matanda. Nagpaalalay na lamang ito sa ibang katulong paakyat sa kanyang kwarto.
Nang maka alis ang Lolo ni Bekket bigla siyang hinila ni Schiyev.
” Arayy…..” Daing niya saka bumaling sa dalaga.
” Wala ka bang ibang alam na isagot sa lolo mo kundi,Yes Lo?”
” Bakit ba?”
” Bekket? Hindi ako pwedeng matulog dito. ”
” Bakit,dahil ba sa hindi pa tayo kasal?”
” Exactly!”


/> ” Sus,ano ka ba. Sa guest room ka naman matutulog. ”
” Kahit na. Ano na lang sasabihin ng nanay ko kapag nalaman niya na natulog ako sa bahay ng isang lalaki?”
” Bakit? Sasabihin mo ba?”
( ” And…girl rin ako nwo..” bulong niya sa kanyang sarili. )
Dagling natigilan si Schiyev. Bakit nga naman niya sasabihin ?
” Alam ba ng nanay mo na ikakasal ka na?”
” Hin..di. Mabibigla yon saka magagalit. Sasabihin nun,nagmamadali ako. Tapos,pagagalitan ako kasi nga nag aaral pa ko.” Malungkot niyang saad.
” Hayaan mo,sasabihin natin sa kanya pagkatapos ng kasal.” Seryosong wika ni Bekket sa kanya.
Mukhang naibsan naman ang lungkot ni Schiyev sa sinabi ni Bekket sa kanya. Kahit papano ,may kasama siyang magpaliwanag sa kanyang ina.
Maya maya……
” Ahh!!!!!!” Malakas niyang sigaw na ikinabigla naman ni Bekket. May nakita siyang bagay at tinuro.
Isang bagay na gustong gusto niyang makuha noon pa man. Isang limited edition ng sikat na sikat na boyband sa korea. Yung kasi ang isang side niya. Mahilig rin sa musika.
” Ayyy!!!Ahhhh!!!” Si Bekket na sumigaw rin at napaakyat sa itaas ng mesang nakalagay sa gilid saka napahawak sa dibdib. Ang buong akala niya kasi ay butiki. Takot na takot siya dito mula noon pa. Simula nang nahulog ito mismo sa bibig kanyang bibig habang natutulog.
Tumingin si Schiyev sa kanya. Sa pagsigaw kasi ni Bekket ay may bigla siyang napansin. Nagkasalubong pa ang kanyang magkabilang kilay at kumunot ang noo.
” Ano?!” Tanong ni Bekket na namilog pa ang mga mata.
(” Omg! Nagkamali yata ako ng pagsigaw kwo. At mukhang narinig niya.” Bulong ni Bekket dahil alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang tingin ng dalaga sa kanya.)
Titig na titig ang dalawa sa isat isa. Si Bekket na nanatili sa ibabaw ng mesa,at si Schiyev ay nasa ibaba at nababakas ang isang katanungan sa mukha.
(” Bak…la ba siya? Bakit ganoon ang sigaw niya. At saka bakit kung makatayo, nasa itaas ang isang paa?” Mag tanong ni Schiyev sa sarili.” )
Ilang sandali pa…nagsimulang naglakad papuntang pinto si Schiyev. Uuwi na siya.
Nataranta si Bekket.
(” Shaakss….alam na yata niya.” )
” Uy! Sandali! Saan ka pupunta?” Tumalon pababa at saka hinabol niya ang dalaga na malapit na sa pintuan. Hinila niya ang kamay nito at pinaharap sa kanya.
” Bitiwan mo ko! ”
” Hey..let me explain…please..” mahina niyang pakiusap.
” Explain what?! Na bak….” Hindi na siya nakatapos sa pagsalita nang biglang tinakpan ni Bekket ang kanyang bibig. Lumapit ito sa kanyang likod at saka niyakap siya mahigpit. ” Mmm……”
” Please..let me explain….” Pakiusap pa rin ni Bekket sa kanya.
“Mmm….” Sambit ng dalaga at buong lakas na kinagat ang kamay na nagtakip ng kanyang bibig.
” Awww!!” Sigaw ni Bekket.
Lalabas na sana si Schiyev nang biglang nakabawi si Bekket. Buong lakas niyang binuhat ang babae at inakyat pataas.
” Ano ba?! Bitawan mo ko!” Palag ni Schiyev.
” Huwag kang malikot,mahuhulog tayo.” Diin niya. Nasa hagdan na kasi silang dalawa at buhat buhat niya si Schiyev.
” Bahala ka!” Pagmamatigas pa rin ni Schiyev.
” Hey! Mahuhulog nga tayo. At saka baka marinig tayo ni Lolo.”
” Mabuti nga iyon!”
Kahit na bakla si Bekket,ang taglay niyang lakas ay lalaki pa rin. Kaya naman naka alpas na sila sa hagdanan kahit na ganoon na lang ang pagpupumiglas ni Schiyev. Pumasok ng kwarto at doon,binagsak sa kama ang huli.
” Uuwi nako! Sinungaling ka!” Sigaw nito.
” Bahala ka…” Hinayaan lang siya ni Bekket na bumangon at tinungo ang pintuan ng kwarto nito.
” Hmmp!!” Inis niyang turan.
Ngunit nahirapan siyang buksan ang pintuan. Kahit anong bukas niya ay ayaw talaga.
” Nakita mo yang nasa itaas ng ulo mo?” Turo ni Bekket sa kanya na tiningnan naman niya. ” Hindi bubukas yan kung hindi mukha ko ang nakikita niyan.”
“Ano?!”
Kaya pala kusang bumukas ang pintuan kanina nang pumasok sila kahit na hindi sinusian ni Bekket . Mukha pala niya ang kailangang iharap sa bagay na iyon para bumukas.
” Tumayo ka diyan!” Utos niya kay Bekket na humiga na sa kama. Sumadal pa sa headboard.
” Ah uh…” Tanggi nito.
” Ang baklang ito! ” Lumabas na sa bibig mismo ni Shiyev ang katagang iyon. ” Kapag makalabas ako sa kwartong ito,sasabihin ko talaga sa lolo mo!”
Hindi siya pinansin ni Bekket. Sa halip, umayos ito sa paghiga at ipinikit ang mga mata. Pilit na matulog sa kabila ng pag iingay ni Schiyev.
Hindi na niya kailangang magkunwari sa dalaga. Alam na nito ang tunay niyang pagkatao.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top