Author: Ren Salazar
Umagang umaga ay kaharap ni Schiyev ang kanyang mga notes at librong nagsilbing references niya para sa exam bukas. Nagtimpla lang ng gatas para kahit papano may laman ang kanyang tiyan. Kailangan niyang mag aral ng masinsinan ngayong araw.
Ilang minuto lang din ay nagising si Bekket. Sinilip sa kanyang tabi si Schiyev pero wala ito. Nang marinig na may kung sinong bumubulong malapit sa mesa,tiningnan niya ito at nalamang si Schiyev lang pala.
” Kanina ka pa gising?” Tanong niya rito habang kinukusot bahagya ang mga mata.
” Oo. ” Tugon nito pero ni hindi man lang siya binalingan ng asawa. ” Pasensya ka na ha. Kailangan kong mag aral. Mamaya kasi pupunta ako ng school. Mag reresearch ako para sa thesis na gagawin ko.”
” Naalala ko nga pala. Malapit na graduation mo.”
” Mm. Kaya kailangan kong humabol. Salamat sayo dahil pinagbigyan ako ng mga prof ko para makahabol sa lessons at exam.”
” Sige. Maghahanda na rin ako. Tulad mo,kailangan ko ring habulin ang mga transaksyon ko sa opisina.”
“Sige. ” At tinanguan niya si Bekket.
Matapos makapaghanda para sa trabaho,sinilip niya saglit si Schiyev. Abalang abala pa ito. Ayaw na niyang istorbohin kaya umalis na lamang nang hindi nagpapaalam. Binilinan na lang ang isa sa mga kasambahay na hatiran ng pagkain si Schiyev.
Masyado naging busy ang araw ng bagong mag asawa. Hindi na nagkakausap kahit sa telepono para magawa nila ang dapat nilang gawin at tapusin.
Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin naalis sa isipan ni Bekket si Schiyev. Tumawag siya sa bahay para kamustahin ito.
” Mr. Choi,kararating niya lang po galing sa school. ” Sabi ng isang kasambahay nila na syang nakasagot sa telepono.
” Ah..kumain ba? ”
” Konti lang po kinain. Pero iniwanan ko po ng prutas doon sa kwarto para kung sakaling magutom,pwede niyang kainin yon.”
” Sige. Salamat.”
Yun lang at ibinababa na niya ang telepono. Napabuntong hininga pa siya sa sobrang pag aalala kay Schiyev.
” Zu.. ” tawag sa kanya ni Dome.
” O! ” Tipid niyang tugon.
” May napapansin lang ako sayo mula pa kanina hanggang ngayon.”
” Ano naman yon?”
” Yan! Yang pananalita mo. Ano bang pinakain sayo ni Schiyev sa gitna ng honeymoon nyo at naging direkta yata yang pagsasalita mo?”
” Ano bang ibig mong sabihin?” Nagtataka siya sa mga sinasabi ni Secretary Dome.
” Baka naman may nangyari na sa inyo don sa Italy? Alam mo na…”
” Wala! Walang nangyari samin.”
” wala na kasing ” anwo? Sinwo? ” At iba pa. Uy! Zu…dalawa lang tayo na magkasama buhat pa kanina pero tila tumuwid yata pananalita mo ngayon.”
” Ah!” Tinalikuran niya si Dome at nagpuntang sariling banyo. At doon,naghilamos.
Tiningnan ang sarili sa salamin.
” Hindi pwede to. Mali to. Hindi kami talo kaya bakit ko hahayaang mahulog ang sarili ko sa kanya.” Sambit niya habang nakaharap sa salamin. “Iiisshhh…Zuriel. bakla ka. Noon pa. Kaya imposibleng magbago ka dahil sa isang babae. Isang babae na iiwan ka rin pagkatapos ng dalawang buwan. At alam mo yon.” Tila pinagsasabihan niya ang kanyang sarili.
” Zu…..”
Nagulat siya nang marinig si Dome na nasa pintuan lang ng banyo.
” Baka nga dahil sa asawa mo…magiging totoong lalaki ka na.” Sabi niya.
” Huh! Akwo? No way. I love myself.I love who really i am. So why will i change for her?” Deny niya. Pilit na isinasawalang bahala ang nalilito nyang nadarama.
” Well,bahala ka.” Saad ni Dome saka tinalikuran na siya.
Hanggang sa byaheng pauwi ng bahay ay sumasagi pa rin sa kanyang isipan ang tungkol sa puso niyang tila nalilito na. Hindj siya sigurado kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman ngayon.
At nang kanyang maisip ang kagabi. Ang kagabi na kinitlan na naman niya ng halik si Schiyev habang natutulog. Pakiramdam niya kasi ang sarap nitong halikan lagi. Tila nagbibigay sa kanya ng kakaibang ligaya sa tuwing dumadampi ang labi niya sa labi ni Schiyev.
” Shakkks!! ” Sigaw niya sabay napahampas sa manibela. ” Ano bang ginagawa mo,Zuriel? ” Galit niyang tanong sa kanyang sarili.
Bago pa man siya nakatapak sa pintuan ng mansyon,ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na hahayaang magkadikit sila ni Schiyev. Iiwasan niya hanggat maari ang pakikipag kulitan rito. Baka sa paraang iyon, hindi...