Isang linggong pay ibig


Ang buong Science Major ng CTE na nasa 3rd year college ay nakasali sa National Luzon Invention’s Week. Isa ako sa mga estudyanteng naglakbay patungong Manila para ipakilala ang aming imbensiyon.Halos lahat ng mga kasamahan ko ay nag eenjoy sa pamamasyal at ako ang naiiwang magbantay sa pwesto namin kung saan nakadisplay ang aming imbesyon.
Okay lang sa akin na iniiwan nila ako dahil ayoko rin namang gumala sa kamaynilaan.Gastos lang yon para sa akin.Mas gusto ko ang mapag-isa.
May mga ilan ding nakadisplay na imbensiyon na mga galing sa iba’t ibang panig ng Luzon na may nakabantay din sa mga ito.
Naboring ako kaya nagpasya akong tumingin tingin sa mga imbensiyon ng mga ito. Doon ko nakilala si Paul at ang mga seminarista na kasamahan niya.Noong una ay nakikipagkwentuhan at nakikiusisa lang ako sa imbensiyon nila hanggang sa naging kaibigan ko na sila.Galing sila ng Cotabato at magkakasing edad lang kami.
Sa ikalawang araw ng paligsahan ng imbensiyon, lumapit sa akin si Paul kasama niya si Bernard. Pareho silang cute.Ang pagkakaiba lang ay maputi si Paul at moreno naman si Bernard. Pareho silang mabait at maalalahanin.Sa tuwing iniiwan ako ng mga kaklase ko, sila ang lumalapit sa akin para kausapin ako at nakikipagkwentuhan.Nahahalata ko minsan na para silang nagpapaligsahan sa isa’t isa.Si Paul bibili ng maiinom ko samantalang si Bernard naman ang nag- aalok ng pagkain sa akin.Ipinagsawalang bahala ko iyon noong una.
Sumapit ang ikatlong araw at si Bernard lang ang lumapit sa akin at nakipagkwentuhan sa akin hanggang sa sinabi na niya sa akin na gusto niya ako dahil iba ako sa mga kasamahan ko.Natawa lang ako pero nakita ko na seryoso talaga siya.
Nang hapong iyon dumating si Paul at hinahanap niya ako sa mga kasamahan ko. Nawili kasi ako sa pag-uusisa sa iba pang mga imbensiyon sa ibang mga kwarto sa loob ng dalawang gusali kaya ng dumating ako sa pwesto namin ay tinukso ako ng mga kasamahan ko.Nakita ko sa kaharap naming pwesto na pasulyap sulyap si Paul sa akin.Tinawanan ko lang ang mga panunukso sa akin ng mga kasamahan ko.Sanay na kasi akong tinutukso nila kahit sa anong bagay na makita nila sa akin.
Sa ikaapat na araw,lumabas ako ng gusali namin at nakita ko si Paul sa may hagdanan na parang malungkot na nakaupo doon.Nilapitan ko siya at kinausap ko.Tinanong ko siya kung bakit siya malungkot. Tiningnan niya ako at di mawari kung paano niya sasabihin ang problema niya. Kinulit ko siya dahil itinuring ko na siyang kaibigan pero nabigla ako sa sinabi niya: “Mahal kita, Nica at nagseselos ako sa tuwing nakikita kong magkasama kayo ni Bernard.” Wow! Grabe! Ilang araw pa lang niya ako nakikita at nakakasama pero nagtapat na siya sa akin. Hindi ako nakapagsalita agad pero tumayo ako at iniwan siya. Sa isip isip ko eh baka pinaglalaruan lang nila ako.
Sa ikalimang araw, Hindi siya nagpakita sa akin at Hindi rin siya kasama ng mga kasamahan niya. Malingkot ako.Nilapitan ako ni Bernard at tinanong niya sa akin kung mas gusto ko si Paul kaysa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero para akong napahiya at nagyuko ng ulo ko. Sa ginawa kung iyon, nalaman niya na ang sagot kahit hindi ako magsalita. Si Paul ang pinili ko, nalungkot siya at hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan niya ako sa huling pagkakataon bago umalis at nagpunta sa mga kasamahan niya.
Kinatanghalian, si Donald naman ang lumapit sa akin at nakipagkwentuhan sa akin.Nahalata nilang malungkot si Bernard at iniiwasang tumingin sa direksyon ko.Hindi ko akalain na pati si Donald na chubby at sinasabihan ko...


ng teddy bear ko ay maglalahad din ng pag-ibig niya sa akin.Kasamahan din siya nina Bernard at Paul at malapit din sa akin.
Direkta kong sinabihan so Donald na kaibigan lang Ang turing at kaya kong ibigay sa kanya.
Malapit nang dumilim ng hapong iyon ng makita ko si Paul na malungkot at iniwasan niya ako. Lalapitan ko na sana siya pero naduwag ako at umiwas din. Nakaalis na lahat halos ng tao sa paligid namin ng mapagpasiyahan kong kausapin siya sa labas ng gusali. Tinanong ko siya kung anong nakita at nagustuhan niya sa akin.Take note, ang alam nila na pangalan ko ay Nica Fuentes at hindi ko ibinigay ang totoong pangalan ko sa kanila.
Sinabi niya na mabait ako at iba sa mga babaeng nakilala niya.Maganda,palakaibigan,malambing at maalalahanin daw kasi ako. Natuwa ako sa sinabi niya at may nararamdaman din naman ako sa kanya .Sa katunayan,nung mga sandaling oras na hindi ko siya nakikita ay hinahanap hanap ko siya.Nalulungkot ako at siya palagi ang nasa isip ko.
Sinabi ko sa kanya na sabihin niya ulit sa akin ang nararamdaman niya.Nang sabihin niya na mahal niya ako, sinabi ko rin na mahal ko na rin siya.
Nila siya ng natuwa at niyakap niya ako ng mahigpit.Hindi ko alam na nasa likod pala namin yong mga kasamahan niya at nagpalakpakan sila.
Tuwang tuwa sila sa eksenang nakita nila. Sa sobrang hiya ko,hinawakan ni Paul Ang kamay ko at sana kaming umalis sa harapan ng mga kasamahan niya.Naglakad lakad kami sa labas at loob ng gusali.Masaya kaming pareho ng hapong iyon.
Sa ikaanim na araw ay sinulit namin ang huling araw na magkasama kami dahil ngayong araw malalaman kong sino sino ang mga nanalo sa mga imbensiyong nakasali sa paligsahan. Siya Ang kasama kong kumain at namasyal sa dalawang gusali kung saan nakadisplay ang ibang mga imbensiyon.Dumating ang hapon at nakasakay na sa bus ang mga kasamahan ko. Ako na lang ang hinihintay nila. Nagpaalam kami sa isa’t isa.Niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak siya.Naramdaman ko ang lungkot sa puso niya pero kinailangan ko na siyang iwan pauwi sa probinsiya namin. Inihatid niya ako sa bus na nag- aantay sa akin.Umiiyak siya at halos ayaw na niyang bitawan ang mga kamay ko.Nanunuksong nakamasid naman sa amin ang mga kaklase ko. Nang nakasakay na ako sa bus ay tumingin ako sa kanya sa may bintana at nakita kong umiiyak pa rin siya na halos mapaupo na sa kinatatayuan niya.Nakita niyang nginitian ko siya at kinawayan.Nang umandar na ang bus at papaalis na, hinabol niya ito at kitang kita ko ang paghabol niya sa aming bus na isinisigaw ang pangalang Nica.
Makalipas lang ang dalawang araw na hindi ko siya makontak sa cellphone niya, si Bernard Ang tinawagan ko at nalaman ko kay Bernard na may kasintahan siyang iba maliban sa akin. Nang matapos kung tawagan si Bernard, tumunog Ang cellphone ko.Sinagot ko Ang tawag ladi nagbabakasakali akong siya ang tumatawag sa akin.
Boses nga niya ang narinig ko. Cellphone daw ng kapatid niya ang gumagamit niya kasi nanakaw daw yong cellphone niya pero sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami.Nagsusumamo siya sa akin na wag ko siyang hiwalayan.Halata sa boses niya na umiiyak siya pero tinigasan ko ang puso ko at nanindigan na hihiwalayan ko na siya. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kong bakit gusto ko ng maghiwalay kami. Ayaw niyang pumayag na maghiwalay kami pero agad kong pinatay ang cellphone ko.Nag-iba ako ng number at mula noon at wala na akong balita sa kanya.





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. There is apparently a bundle to realize about this. I suppose you made some nice points in features also.

Leave a Reply


top