It’s All About Wealth CHAPTER 3


“Ma’am Jesie? S-sigurado po kayo?”
“Saan?”
“Sa sinabi niyo pong dodoublehin niyong pera? Malaking halaga po ang mawawala po sa’tin kung magkataon.”
“Hindi ko naman kukunin yun sa pera ng negosyo ko, Che. Sa personal kong pera kukuhanin yun.”
“A-ahh, sige po, ma’am.” tumungo si Che at bumalik na sa ginagawa.
May pera pa naman ako kaya hanggang sa kaya ko pa, hindi ko gagalawin ang pera ng negosyo ko. Haharap na sana ako sa laptop ko nang biglang tumunog ang telepono.
“Hello?”
“Jesie?”
“Sino ‘to?” may ideya na ako kung sino ang kausap ko pero gusto kong makasigurado!
“Ang daddy mo.” akma ko nang ibababa ang telepono pero mabilis niya akong napigilan! “’Wag mo munang ibababa, anak, please!” na blanko ang mukha ko nang marinig ang paki-usap niya, ayaw ko siyang pagbigyan pero ayaw ko rin namang maging bastos sa nakakatanda sa’kin.
“Anong kailangan mo?” naroon parin ang pag-galang sa boses ko pero pilit nalang iyon.
“Pwede ba tayong magkita? May paki-usap ako sa’yo.” rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya, animong may kinakaharap na malaking problema.
“Pag-iisipan ko—”
“Please, anak. Kailangan kita ngayon… Paki-usap.”
“Sige, pero pagkatapos nito, ‘wag mo na akong...


aabalahin.”
“P-pero anak..” pinatay ko ang telepono at naghanda na para agad na makapunta sa ite-text niyang venue. Nang marating ko ang naturang venue ay agad na nakita ko siya saka naupo sa harap niya.
“Maraming salamat, Jesieca, anak.. Madali lang ‘to, madali lang.. Kamusta ka na pal—”
“Deretsuhin mo na ako, Mr. Park.” tinawag ko ang papa ko sa apelyedong minana ko, bukod sa parang company to company meeting itong nangyayari ay gusto ko ring maging pormal kahit pa kadugo ko ang kaharap ko.
“Anak.. Nakakahiya mang sabihin ‘to pero kakapalan ko na ang mukha ko.” umangat ang tingin ko sa kakarating lang!
“Hi.”
ITUTULOY…
‼️AUTHORS NOTE‼️
guysss! Sa mga nagbabasa, may links po ako sa comments para sa mga susunod na chapters, kaya sana ma-appreciate niyo yunn, hehe. Sana magamit niyo yun kung sakaling hindi dumaan sa newsfeed niyo ang chapters ko. Sa mga late narin na nakakabasa, please pakihanap nalang po sa comments ang link ng kasunod na chapter dahil baka hindi ko po kayo mareplyan😙. At kapag wala pa pong link sa comment ang isang chapter, ibig pong sabihin ay hindi pa po ako nakakapag-update, salamat po ulit! Lablab💕!






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. i want to read more stories

Leave a Reply


top