K A I B I G A N


TRIO —
“ K A I B I G A N ”
Hindi sa lahat ng oras ay magkakasama tayo tuwing may problema , hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahahampas natin ang isa’t isa kapag sabay-sabay tayong natatawa , hindi sa lahat ng panahon ay andito para batukan ang isa’t isa , ngunit walang iwanan sa saya man o pagluha .
Nandito ako para makinig ,
Andiyan kayo para mabwesit at
tawanan ang karupukan ko,
Nandito ako para humalakhak kasama
ang mga paborito kong tao ,
Andiyan kayo , Hindi man sa lahat ng oras ngunit
alam ko na meron akong...


kayo at meron kayong ako.
Ilang beses man tayong maging abala hindi nagbabagong kaibigan natin ang isa’t isa , ilang milya man ang pagitan nating tatlo hindi ito hadlang upang di ko madama na anjan kayo , Gaano man kataas ang pader sa ating pagitan , hindi ko hahayaan na maudlot ang paghagalpak ng tawa maging ang chismisan .
Hindi lang sainyo iikot ang mundo ko , ngunit isa kayo sa dahilan ng patuloy na pag-ikot nito ,
hindi ako magsasawang pakinggan ang paulit ulit niyong kwento , gaano man kayo kalayo mananatiling magkakaibigan tayo .
Mention your TRIO ! ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top