Kahit ganyan ka, MAHAL PA RIN KITA” Page 3 continuation


Kahit ganyan ka, MAHAL PA RIN KITA”
Page 3 continuation…
“Sandali” dinig kong wika niya.
This time naiinis na talaga ako, hindi na ako kinikilig. Liningon ko siya na sumunod talaga…
“Anong bang kailangan mo sir Dean , kanina mo pa ako sinusundan!” naiinis at halos pasigaw ko ng sabi sa kanya.
“Aba’t sinisigawan mo na ako ngayon Rose Ann huh” gulat at galit na saad niya.
“Oh tapos ano ngayon, pwede ba umalis ka na at bumalik ka na dun sa klase mo o sa boyfriend mo!” galit ko na ring wika.


/> Nakita ko ang galit sa mata niya kaya ayun isang sampal ang nabitawan niya sa pisngi ko na ikinagulat din niya.
“Should I cry or should I say thank you for slapping my face” nakangiti kong sabi ngunit seryoso.
Oo kung ano ang iniisip niyo, totoo yun-he is a gay… At first i didn’t know about that pero hindi yun naging dahilan para hindi ko siya mahalin kahit pa pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko noon.
Wala akong pakialam kung bakla siya dahil tanggap ko siya- mahal ko siya at hindi yun magbabago.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top