Kahit na magkaaway tayo, pansinin mo ako


Oneshot story written by: RJay II
{Kahit na magkaaway tayo, pansinin mo ako.}
Carlo’s Pov.
Nakatayo ako dito sa aming bakuran habang tinititigan ang araw na papalubog.
Hindi ko pa rin makalimutan ang pag-aaway namin ng nakababata kong kapatid dahil pinakialaman niya ang usapan namin ni Janna, ang aking kasintahan.
Inilapag ko lang kanina ang aking cellphone sa may sofa para makaluto mg makakain naming magkapatid pero siya na ang sumagot sa kanyang chat.
Nagalit ako dahil sa sinabi ni Janna sa chinat niyang maghiwalay na kami.
Ang dahilan nito ay ang chinat ni Chris na 【May iba akong babae, kaya nasayo ‘yan kung layuan mo ako o huwag na.】
Sa liit ni Chris nasuntok ko kanina sa mukha at nagsisisi ako dahil hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi.
Hahanapin ko sana pero makakaramdam ako ng pagkaguilty ‘pag nangyari ang aking iniisip.
Naisip kong hintayin na lamang siya hanggang sa umuwi at gusto kong yakapin at humingi ng tawad sa kanya.
Ako ang mas nauna kaya ako dapat ang makakaintindi ng lahat.
Namatay na ang aming mga magulang at kami na lang ang natitira kaya kailangang huwag kaming maghiwalay at huwag bitiwan ang bawat isa.
Napapikit ako bago napayuko at napunas ang matang naluluha gamit ang aking braso.
“Kuyaaaaa!”
Napamulat ako dahil sa narinig kong boses.
Kung hindi...


ako nagkakamali, boses ni Chris ‘to.
Napatingin ako sa kanan kong banda at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siyang nakaupo sa damuhan sa may malayo.
Nakatitig lang siya sa dalawang lalaki na kanyang kaharap na takot na takot dahil tinututukan siya ng baril.
Kinabahan agad ako at hindi na gumana ang aking utak.
Tumakbo na lang ako ng mabilis para patigilin sila habang pinapanood ang gantilyo ng baril kung kakalabitin na nila.
“KUYAAAAAA CARLOOOO!” Patuloy niyang sigaw at naiyak na rin kaya nahulog ang aking mga luha na patuloy sa pagtakbo.
Ipuputok na nila ang baril pero sumigaw ako ng malakas.
“WALA SIYANG KASALANAN!”
Napatingin ang dalawang lalaki sa akin at mabilis na inilipat ang sentro ng baril sa akin ng nasa tapat na nila ako at walang alinlangang pinutok sa sentro ng aking dibdib.
“KUYAAAAHH!” Malakas niyang sigaw.
Naglabasan ang dugo sa aking bunganga at dahan-dahang napahiga.
Patawad bunso kung hindi kita magawang iligtas.
“P_patawarin m_mo si_si kuya…” Pabulong kong sabi.
Ipuputok na naman ng lalaki ang baril kay Chris pero hinila niya ang aking sinturon at mabilis na itinali sa leeg ng lalaki bago hinila.
Kahit na nawawalan na ako ng malay, nakita ko ang paghablot ng kasama ng lalaki ng baril at pinutok kasabay ng pagsara ng aking mga mata.
~Wakas






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top