kaibigan


Sheena bumili ka nga ng tuyo at suka dun sa kanto, bilasan mo!” sigaw ni mama sa may kusina.
“Ma nag lalaro pa ako ng ml, in game ako mamaya na.” Sigaw ko pabalik dito.
“Bibili ka o basag yang cellphone mo?!” Sigaw naman nito. Wala akong magawa baka confiscate na naman cellphone ko, kaya’t kinuha ko na yung pera pang bili nang suka at tuyo.
“Hmpp. Ano ba yan si mama kitang nag lalaro paako matatalo na naman ako.” Reklamo at dali daling tumakbo sa labas na parang si naruto.
“Aling marites pabili nga po tuyo tsaka suka.”
“Oh ito.”Inabot niya sa’kin mga binili ko.”oy alam mo ba c an-“Di niya na matapos ang sasabihin niya when i cut her off.
“Ohh ayan ka na naman aling marites tsaka na nagmamadali ako baka ma afk na naman ako.” Saad ko sakanya at agad agad kinuha yung binili ko.
Sa sobrang atat...


ko tumawid di ko na namalayan na may paparating palang motor at muntik na akong masagasaan.
“Okay kalang ba miss?” Tanong nung binatang naka motor na muntik makasagasa sa’kin.
I was too stunned to speak, hindi ako makasagot sa sobrang kaba kaya’t tumango nalang ako.
Nang makauwi na ako ng bahay na nakatulala padin, nakita ko si Miya best friend ko naka upo sa sala. Dali dali ko itong nilapitan para ikwento yung nangyari.
“Oy beh anjan kana pala nakita mo b-” hindi na niya matapos ang sasabihin niya nang pinutol ko ito.
“G*go kinabahan ako kanina, tarantado huhuhu.”
“Oh anyare sayo?”
“Kasi ano, ALAM MO BA KANINA? MUNTIK NA AKONG MABANGGA NG BINATANG NAKA MOTOR.” Kwento ko rito na parang na iiyak na.
“Pogi?”
“Tapo- talaga ba Miya? Pakyu.”
May kaibigan talaga tayong pogi hunter. Imagine muntik kanang mamatay pero ganyan tanong ng kaibigan mo.
by : Janin B Panganiban






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top