Kaibigan ko siya pero komportable ako sa kaniya


Kaibigan ko siya pero komportable ako sa kaniya.”
Written by: Ms. Jee
I don’t have a kuya but, I have a loving childhood boy bestfriend. Who always say “wag ka ng lalabas gabi na.” “Who always say “Mag ingat ka!susunduin kita mamaya!” “Gala tayo, ako bahala magpaalam kina tita.”
Andito kami ngayon sa may ukay², napahinto lang kasi nagandahan ako dun sa isang dress na malaki ang foam sa dibdib. HAHAHAHA
“Pre naman! Sa mall nalang kasi tayo.”
“Ayaw. Maghintay ka diyang bakla ka.” Tugon ko sa kaniya habang namimili ako ng magagandang damit.
Nilingon ko siya at aba, tinalikuran ako at aakmang lalakad papalayo kaya hinila ko yung damit niya at nilakasan ang paghila palapit sa’kin.
“At sa’n ka pupunta? Susumbong kita mamaya kay mommy, iniiwan mo na’ko!”
“Iihi lang ako, parang tanga! Bilisan mo diyan!”
“Sama ako!”
Nagulat siya konti at nagpuppy eye naman ako.
“Sasama ka iihi ako? Wag mong sabihing—”
“Oh ano?” Pagmamaldita na tanong ko sa kaniya ‘tsaka tumawa siya.
“Wala. HAHAHAHA mamimili ka pa diba?”
“Ayoko, baka iwan moko.”
“Sa malayo ako mag ccr, pre!”
Btw, pre cs namin kasi ayoko ng maarte na cs tas bespren lang. Duhh!
“Diyan nalang oh sa may puno. Ipasok mo sa butas si junjun mo tapos umihi ka. Okay?”
“Yang bibig mong babae ka, walang preno. Osya, hintayin moko diyan.”
Tumawid na siya para tumungo dun sa may maraming puno at sumunod naman ako nang palihim. Di ako sisilip, no. Takot lang talaga akong maiwan.
Bubuksan na sana niya ang zipper nang makita niya ako sa gilid niya.
“What the hell! Ba’t ka andito? Hindi nga kita iiwan.”
“Anong inaarte-arte mo diyan? Hindi ko naman yan titingnan ang alaga mong uod.”
“Pinagnanasaan mo yata ako, e. Baka reypin moko, bastos shooo! Shooo! Ahhhh!” Pagbabakla-baklaan niya at tinitigan ko siya ng masama kaya tumigil siya at nagpipigil sa pagtawa.
“Kayo yung bastos. Tinatalikuran n’yo kami kapag umiihi! Che! Diyan ka na nga!”
Tumawid nalang ulit ako papunta dun sa may ukay² at namili, nang maya-maya nasa gilid ko na siya. Hindi ko siya pinansin kaya nagpapapansin siya.
“psst, hi!”
Parang tanga.
“Alam mo ba nakita ko kanina ang crush mo. HAHAHAHA gag0 mas pogi pako dun. May sinabi nga pala siya tungkol sayo, ayaw mong malaman?”
Hindi ako umimik pero interesado na talaga ako. Maya ko nalang tanungin pag bati na kami. Whahahaha
“Ayaw mo? Di wag! May expiration pa naman to. Bibilang ako ng sampu kapag hindi ka sumagot, wala na. Engkk, engk!”
Sarap sakalim talaga.
“ANO NGA?” Pasigaw kong tanong sa kaniya at tinawanan na naman ako.


/> “Uto-uto, pffft-HAHAHAHAHA”
Sinamaan ko siya ng tingin and luckily, dumating ang crush niya at namili yung friends niya ng mga damit.
Nakita ko yung panty na kulay pink na hello kitty ang design. Dinampot ko at chinicheck ang bawat parte kung may sira. Wala pala at mas sira pa tong nasa tabi ko huminto sa kakaasar dahil nagpapapogi para sa crush niya. Pwe!
“Kyaaahhhh, pree! Look ohhh, ang cute ng panty!” Pasigaw kong sabi para marinig ng crush niya ‘tsaka sinukat ko ito sa bespren ko.
“Waaahhh! Bagay sayo! Ganda ng itlog mo diyan, pre! HAHAHA”
Binalaan niya ako gamit ang mata para huminto ako kasi nahihiya na siya. HAHAHAHA pero hindi ako tumigil at mas lalo pa akong natawa dahil nakaganti na rin ako sa wakas. Binuhat niya ako at sinakay sa taxi tsaka inuwi kaya tampo na naman ako! Tahimik kami sa byahe at hinatid niya ako sa amin pero hindi pa rin nagsasalita. Galit yarn. *laugh* galit din ako. Hmp!
Pagkapasok ko sa gate ay umalis na rin siya. May nagtext kaagad sakin pagkahiga ko kaya tiningnan ko ito.
Pre sent you a 1 message
Pinindot ko ito at parang naiiyak ako sa nabasa ko.
FROM PRE PANGET😡
Sorry kanina. Don’t worry, hinding-hindi mo na ako makikita ngayon. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya. Kung pupunta ka man ngayon sa bahay, kandila nalang ang dalhin mo. Ingat ka palagi, ha? Masaya akong dumating ka sa buhay ko. Pasensya na kung ilalabas ko n to lahat ng paghihirap ko. Pasensya n kung susuko na ko. Hindi ko na talaga kaya.
Shit! Anong pinagsasabi nito? Agad-agad akong pumunta sa bahay nila at hinanap siya nang makita ko si tita. Actually, naiyak na talaga ako.
“Iha, teka, umiiyak ka ba? Ba’t ka pala napadalaw?”
“Titaaaa, sa’n po si David? Ba’t po madilim dito? Huhuhu”
“Anong nangyayari sayo? Kalma ka muna, kuha muna ako ng tubig.”
“Tita, wag na po! Si David poooo!”
“Nasa cr, bakit?”
Nasa cr? Baka dun siya nagbigti! DAVIDDDD, KAINIS KAAAAA! PARA LANG DUN SUSUKO KA NA?
Papasok na sana ako sa cr nang bumukas ito at bumungad ang mukha ng hay0p.
“Look who’s here. HAHAHAHA nagdala ka ba ng kandila? Brown out dito, e. HAHAHAHA”
“Kainis ka! Ano yung sinasabi mong susuko kaaa?”
“Ah yun? Natatae na kasi ako kaya hindi ko na kaya, sumakit yung tiyan ko. HAHAHAHAHAHAHA Miss moko? HAHAHAHA”
Niyakap ko siya at natutuwa na naiinis. Basta ang alam ko lang, komportable ako kung andiyan siya. Sanay na akong andiyan siya, at ayaw kong mawala pa siya sa tabi ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top