“Bakit?”asik ng bestfriend ko sa kabilang linya.
“Sis, nakita ko nanaman ang boyfriend mo na may kasamang babae,” hindi mapakali kong tugon.
Pang-ilang beses ko na siyang sinabihan tungkol dito ngunit ayaw niya parin akong pakinggan.
“Nanaman?! Pwede bang tama na?! Yash, alam kong may gusto ka sa boyfriend ko. Pero pwede bang huwag mo kaming sirain at paghiwalayin?” bulyaw niya.
Yan ka na naman. Bakit ba ayaw mong makinig? Ginawa ko ‘to para sayo, para sa kapakanan mo. Ngunit bakit ayaw mo akong pakinggan?
Oo, may gusto ako sa boyfriend mo pero matagal ng naglaho ang nararamdaman ko sa kaniya. Kasi…kasi mas pinili ko ang pagkakaibigan natin.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko.“Siya nalang ba lagi, paano naman ako? Ako ang nauna mong nakilala at nakasama haha,” pagak akong tumawa.
“Tss. Ang drama mo. Hindi porket ikaw ang nauna, ikaw nalang palagi ang iintidihin ko. Hindi ba...