Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER SEVEN.


“SO kamusta ang pagmamall?”Tanong sa kanya ni faith pagkauwi niya galing mall.Tumigil siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya at lumingon sa pinsan na nakasandal malapit sa bintana.
“Hindi okay,lalo na’t ang ungg*y na iyon ang kasama ko sa sasakyan”Inis niyang sabi rito at inalala ang maiksing nangyari kanina papauwi ng bahay galing mall.
~~~~~
“Hey ibalik mo sa mall yong sasakyan.May nakalimutan akong bilhin”Utos niya kay pablo habang hinahalukay ang kanyang pinamili.Nakalimutan niya kasing bumili ng napkin.
“Hindi pwede”
“At bakit hindi pwede?”Nakataas ang kilay niyang tanong.
“Hindi na pwede dahil may gagawin pa ako pagkatapos kong ibigay sa tita mo ang mga pinabili niya sakin”Tugon nito habang sa daan parin ang tingin.
“At ano ang gagawin mo aber?”inis niyang tanong.
“Maglalaba ako ng damit ko.Araw ng paglalaba ko ngayon”
Napatawa siya.”huh!Washing the clothes?Very unmanly!”umiling-iling pa siya.
Sumulyap ito sa kanya saglit.”Anong very unmanly?Anong masama kung maglalaba ako?Alangan kay tita zandra ko ipalaba ang mga damit ko”
“Edi dapat ang asawa mo ang palabahin mo”.
“Excuse me,Miss masungit single pa ako tsaka wala pa akong balak mag-asawa.lalo na kung ang babaeng katulad mo lang ang makakasalamuha ko”
Nanlaki ang singkit niyang mga mata sa sinabi nito.Umusbong ang inis niya dito.”Ano sabi mo!”
“O bakit?Sinong ba naman kasing lalaki ang gugustuhing mag-asawa ng isang m*lditang babaeng kagaya mo?.Wala”
“How dare you talk to me like that!.Sinabi ko bang aasawahin kita?Hindi naman ah.Kapal ng mukha mo hoy!.At FYI Maski ako ayoko sa isang bast*s na ungg*y na katulad mo!”
“Mas lalo ako”
“Shut up!ayokong makipag-usap sayo”
“Sure.Ikaw naman ang kausap ng kausap sa akin eh.ayaw rin kitang kausap For your information din”
Lalong nadagdagan ang inis niya.Kung bumabuga lang talaga siya ng apoy ay binugahan niya na ang lalaking ito
‘Nakaka-turn-off!talaga !’
~~~~~
“Sinabi niya talaga iyon?”tanong ni faith sa kanya ng kwenento niya dito ang nangyaring iyon.
“Oo.kabwes*t siya,mula kahapon ay iniinsulto niya ako”
Tumawa ang pinsan.”Quits lang kayo cuz,Iniinsulto ka niya.Iniinsulto mo rin naman siya kaya Quits kayo”
“Tsk quits mo mukha mo”Sabay balik sa pag-aayos ng pinamili.
“Oh speaking of… Hey,Look cuz,Si pablo!Nagsasampay”
“So?”
“Ang hot niya talaga cuz,Seryoso.Look oh akalain mo macho and gwapo naglalaba.You know,Kunti nalang ang katulad niya.Ang yummy niya oh”
“Hindi ako impressed”Wika niya pero tumigil siya sa ginagawa at lumapit sa bintana at nakitanaw din naman kay faith.
“Ang gwapo niya,Do you think bagay kami?”
Lumingon siya sa pinsan.
“Type mo?”
Humarap ito sa kanya.”Kung sasabihin ko bang oo.Magagalit ka?”
“Ofcourse not bakit naman ako magagalit,Eh hindi ko naman type ang lalaking nayan”
“Wehh true?”
“True na true”
“Basta,wala tayong pag-aawayan ha?You don’t...


like him na man,diba?”
“Talaga,Saksak mo pa sa baga mo kong gusto mo”
“Okie dokie.Makababa nga muna at makausap ko ang hot na si papa pablo.I’ll go down,cuz.Iwan na muna kita.byeeee”
Hindi siya nagsalita at umirap nalang sa papalabas ng kwarto na pinsan.
“NAKAKABILIB ka naman pablo.Ang sipag-sipag mo.You’re washing”Napatigil si Pablo sa pagsasampay ng marinig iyon mula sa kanyang likod.Nilingon niya ang nagsalita at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng pinsan ni mixxel na si Faith.
“Ahh Oo,Salamat”nahihiyang sabi niya at ngumiti.
“You know you’re so cute”Malambing na sabi nito.
Napakamot siya ng ulo.”Salamat”
“Nga pala okay ka lang ba?”
“Ha?Oo naman bakit?”
Umiling ito.”Wala naman.about my cousin lang naman.Pasensiya kana sa kanya kong natatarayan ka niya”
“Wala iyon,Buti ka pa nga at hindi ka masungit na katulad ng pinsan mo”
“Hmmm She’s like that talaga kahit sa since bata kami.Masungit at madaling mairita.Pero you know mabait naman siya”
“Weh?di halata”
“Oo nga mabait iyon di lang halata,kulang lang din kasi sa aruga at pagmamahal”
“Paanong kulang sa aruga at pagmamahal?eh sa nakikita ko mukhang nasa kanya na din naman ang lahat.”
“Yes material thing nasa kanya na,but ang pag-aalaga at magmamahal ng magulang ay wala.Imagine nag-iisang anak na nga lang siya ay hindi pa siya magawang alagaan ng parents niya at mabigyan ng kunting oras dahil sa duper busy sa trabaho.Puro maid lang ang kasama since lumipat sila sa california.Minsan lang din kami magkita doon dahil sa ibang parte ako ng america nakatira”
“Bakit hindi niya kausapin ang parents niya at sabihin ang nararamdaman niya?”
Umiling ito at napabuntung-hininga.”Hindi naman siya pinapakinggan ng mga ito.May mga time na nakakausap niya ang mga magulang niya kaya lang ang mga time nayon ay senermunan siya dahil puro sa mali niyang ginawa like mababa ang grade o kaya bagsak.Kaya nga nilipat siya dito dahil mababa siya sa isang subject”
“College na ba siya?”
“Yup Second year college,Business Management.Ikaw nag-aaral ka pa ba?Sa tingin ko kasi hindi naman nalalayo ang edad mo samin ni Mixxel.Were 18”
“Oo,Fourth year sa pasukan,Agri business.20 years old na ako”
“Ohhh I see.bagay pala ang course mo dito sa hacienda.Si tita ba ang nagpapa-aral sayo”
“Yup”
“I see.So alis na ako ah.naabala na kita sa ginagawa mo eh”
Natawa siya dito.”Wala iyon”
“Sige pasensiyahan mo na ulit ang pinsan ko at uulitin ko mabait talaga iyon promise.Masungit lang talaga but if you’ll get to know her better,I’m sure you will like her.”
“I don’t think so.”
“Oo nga,Nagkakamali ka lang nang akala sa kanya.Sweet rin siya.Promise”Bungisngis nitong sabi.
“You’re sweeter than her”
“Ayus bolera,Sige na alis na ako”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top