KNOCKOUT LOVE


KNOCKOUT LOVE
GENRE: ROMANCE
AUTHOR: MisShy-lent
PROLOGUE
“Nagmamahal Pretty Girl” pagkatapos ko sa maisulat ang codename ko tinupi ko ito at inilagay sa DIY sobre na kulay pink bago ko ito itinabi. Kinuha ko ang pulang lipstick sa bag ko pero agad din akong napangiwi ng maisip ko ang nakasimangot na mukha ni ate, panigurado pipitikin na naman nun ang tenga ko oras na malaman niya na kinuha ko na naman ang paborito niyang lipstick.
‘Bahala na!’ Ipinilig ko nalang ang ulo ko, mamaya ko nalang iisipin kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanya kapag nalaman niya.
Kinuha ko ang maliit na salamin sa bag ko at nilagyan ng lipstick ang labi ko. Inginuso ko pa ang labi ko na parang nagpapacute sa salamin at sabay kindat.
‘Viola! Ganda ko!’ napatawa ako ng bahagya dahil sa pagiging feelingera ko. E, bakit ba? Ako lang naman nakakaalam na pinupuri ko ang sarili ko, di ba? Saka may dahilan ako.
Di naman talaga ako mahilig maglipstick pero dahil narinig ko sa mga classmate kong babae na effective daw ang paglalagay ng kiss mark sa love letter, ginawa ko na rin. Lahat ng love letters ko may kiss mark kaya pinagpatuloy ko na ang paglalagay. Malay ba natin at maghimala ang langit, mafall sa akin ang crush ko di ba?
Kinuha ko ang pinagpuyatan kong love letter para kay crush “muuuwwaaahh” napangiti ako sa habang nakatingin sa love letter ko. Bukod sa kiss mark, may iba’t ibang hugis din ito ng puso, at syempre the ultimate three words na pangmalakasan.
ILOVE YOU!
Ilalagay ko ito sa locker ng crush kong si Justin Cuevas. Simula ng magtransfer siya dito sa McArthur Science High School , noong freshmen palang ako nagustuhan ko na siya. Hindi naman siya varsity player pero sikat na sikat pa rin siya kahit sa mga higher level. Bukod sa pagiging gwapo, mabait, friendly at matalino din siya.
Kagaya ng sabi ko, hindi siya varsity player pero may sports siyang kinahihiligan. Mayaman din ang pamilya niya at sikat na modelo ang ate nito pero hindi siya nagiging mayabang. Minsan nagsusungit pero normal na siguro yun, lahat naman ng tao kung minsan nagsusungit pero total package na talaga ang bebe ko. Kahit moody, bebe ko pa rin siya. Oh ha! Feelingerang tunay!
Nagkakaroon rin ito ng girlfriend pero hindi rin nagtatagal kaya kilala din siyang playboy. Pero ako kahit na ganun patuloy pa rin ako sa paglalagay ng love letter sa locker niya. Pang ilang love letter ko na ba ito? Hindi ko alam, basta madami na. Masaya naman ako kahit na minamasdan ko siya mula sa malayo.
Sabi nga, ‘Love is not just being with someone, Love is feeling someone even if miles separate you’
Da fudge! English yun, pero hindi naman milya-milya ang layo ko sa kanya , mga… Basta hindi sobrang layo!
Kahit hindi niya ko napapansin, dahil hindi naman ako kagaya ng mga nagiging girlfriends niya. Maputi lang ako. Period. Pero hindi ako sexy, medyo chubby ako at may apat na mata o sa madaling salita,nakasalamin ako. Hindi rin ako katangkaran,sakto lang din ang buhay ko kaya nga hanggang tingin lang ako kay Justin. Hindi rin naman ako masasabing nerd, normal average lang din yung IQ ko kaya alam kong hindi ako makakapasok sa standard nito sa mga babae.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na ang grupo ni Justin. Nagtatawanan sila at ang mga estudyante ay nakatingin lang din sa kanila. Agad naman nag-zoom in sa kanya ang paningin ko kaya napangiti ako.
‘ang gwapo niya talaga’bulong ko sa isip ko.
Napatingin ako sa relo ko at malapit na pala ang second half ng klase namin. Tapos na ang lunch time at ilang minuto nalang magsisibalikan na ang mga estudyante sa kanya kanyang room at ako naman kailangan kong sumemple para mailagay ang sulat ko sa locker ni Justin ng walang nakakakita.
Hindi kasi ako kagaya ng iba na pinapakita talaga ang pagkagusto kay Justin. Dinadaan ko lang sa sulat at nakikita ko naman na kinukuha niya ito at nilalagay sa bag. Ako lang ang naglakas loob na gumawa nun dahil iniisip ng iba masyado daw baduy ang pagsusulat ng letter, pero para sa akin, wala ng mas nakakakilig kapag nakatanggap ka ng letter, dahil effort yun.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at at niyakap sa dibdib ang tatlong libro ko habang ang sulat naman ay hawak ko pa sa kanang kamay ko, balak ko muna itong iipit sa libro ko ng biglang may humablot. Napatingin ako sa kumuha niyon.
Si Claud.
Isang basketball player ng school at mahilig itong mang-trip ng mga estudyanteng mapagdidiskitahan nito. At isa na ako dun.
School bad boy ang tingin ko sa kanya dahil palaaway ito pero hindi na ngayon minsan nalang.Pero basagulero pa rin ang tingin ko sa kanya. Babaero...


rin ito at lahat ng babae pinapatos niya, malaman lang niya na may gusto sa kanya ginagawa na agad niyang syota. Kahit siguro posteng dinamitan papatulan nito, wala siyang sinasanto buti nalang hindi siya ang gusto ko.
Ewan ko ba, bakit ang daming nagkakagusto sa damuhong ‘to! Given na ang pagiging gwapo, pero sa ugali palang bagsak na bagsak na! Bakit ba naging habulin ang lalaking ito?
“What is this?” may pilyong ngiti sa kanyang mga labi niya.
“Akin na yan! “patalon-talon kong inaabot ang sulat ko mula sa kanya. Pero dahil varsity ito, hindi ko maabot ang sulat ko, lalo pa ng umakyat siya sa mesang kung san nakalagay ang mga binaba kong libro. Dahil sa ginawa niya nakuha na namin ang atensyon ng ibang mga estudyante. Napatingin ako sa pwesto nina Justin, bored lamang siyang nakatingin sa akin. ‘napapahiya ako sa ginagawa ni Claud’ bulong ko sa isip ko.
Akala ko ganun lang ang gagawin ni Claud pero hindi, binuksan nito ang sulat ko at bago niya basahin tinawanan muna niya ang kiss mark ko dun.
“WTF! May pakiss mark ka pang nalalaman akala mo naman maganda ang mga labi mo! Eh parang kasing kapal yan ng nguso ng unggoy! ” dahil sa sinabi niya nagtawanan ang mga estudyante at ganun din ang grupo nila ni Justin.
Nakita ko pa na napangisi si Justin sa sinabi ni Claud. Parang nag-init ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Matagal na niya akong inaasar pero ngayon parang sobra na. Naiiyak na ko dahil sa pagkapahiya. Napatingin nalang ako sa kanya ng magsimula siyang magbasa.
“Dear Mahal kong Justin! Woaah! Justin para sayo pala ito eh! Basahin ko ah. Let’s share it to our fellow students!” napatingin ako kay Justin at nakaseryoso na ang mukha niya. Napalunok ako dahil parang galit siya habang nakatingin sa akin. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga estudyante habang binabasa ni Claud ang sulat.
“H-hindi— I-ibang Justin yan! Hindi si Cuevas ang tinutukoy ko d’yan!” sigaw ko na baka sakali ay balewalain nila ito pero hindi nangyari.
“Ah, talaga ba? Biik? Oink! Oink!” muling lumakas ang tawanan at parang gusto kong lamunin ako ng lupa dahil sa sobrang hiya. “Ang ganda ng sulat, kaso panget ang nagsulat!” wala na kong nagawa at umiyak na lang.
“Nagmamahal.. Langhiya! Pretty girl?! “at sinundan iyon ng malutong na tawanan ng lahat.
Napakuyom ang kamao ko dahil sa inis kay Claud at sa lahat ng mga estudyante. Bawal na ba kong magkagusto kahit hindi ako kagandahan? Ganun ba yun? May batas na ba na bawal magkagusto ang isang tulad ko? Meron ba?! Wala naman diba?!
Napatingin nalang ako sa nasa harapan ko. Hindi ko napansin na lumapit pala siya sa akin. Kaya pala natahimik ang lahat. Napangiti ako. Ayos lang naman siguro sa kanya na gusto ko siya diba? Wala namang masama dun diba? O baka naman ipagtatanggol niya ko.
“J-Justin—” naputol ang sanay sasabihin ko ng magsalita siya. Pakiramdam ko huminto ang oras dahil sa mga katagang binitawan niya. Lahat ng naging tingin ko sa kanya biglang nawala. Akala ko mabait siya. Akala ko tanggap niya ang kung sino mang magkagusto sa kanya hindi pala. Nag-echo sa pandinig ko ang sinabi ni Justin.
“So it’s you.. “napakagat labi ako ng tignan niya ko mula ulo hanggang paa.”Ikaw pala ang laging nag-iiwan ng mga basurang love letter sa locker ko..” tinignan ko siya at wala akong makitang emosyon sa mga mata nito.
‘Basura?’ ulit ko sa isip ko ng maalala ko kung ano ang sinabi nito. Basura pala ang tingin niya sa mga love letters na pinagpuyatan, pinaghirapan at ginastusan ko.
“Gross. A fvcking nerd. Tsk” nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko at hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Justin sa harapan ko.
Napayuko nalang ako at narinig ko ang malalakas natawanan ng lahat lalong lalo na ni Claud. Napakuyom ang kamao ko na lalo na ng bumaba si Claud at bumulong pa sa akin.
“Wag ka nang umasa na magkakaron ka ng pag-asa sa kaibigan ko. Hindi ikaw ang balak niyang magustuhan dahil hindi niya papatusin ang kagaya mo—” hindi na ko nakapagpigil, sinuntok ko na si Claud sa mukha bago niya pa matapos ang sasabihin niya.
Lahat napahinto sa pagtawa dahil sa pagkatumba ni Claud sa lupa. Putok ang labi at gulat na nakatingin sa akin. Napahawak siya sa gilid ng labi niya at nakita niya na may dugo iyon at muling tumingin sa akin. Hilam ang mga matang tinignan ko siya. Bakas sa mga mata ko ang galit sa kanya kaya hindi siya nakapagsalita.
Hindi ako nagsalita bagkus kinuha ko ang mga gamit ko at ang sulat na nasa kamay ni Claud at tumakbo paalis ng school.
_______
N/a: first story ko po rito sa group na ito.. Sana magustuhan at suportahan niyo po ako..
Permission to post po admin.. Salamat






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top