KRIMINAL


KRIMINAL
“Tumawag kayo ng pulis may kriminal dito!”
“Mahabaging Diyos, bakit may mga halang ang kaluluwa?”
“Ang lakas ng loob lumabas kasama pa talaga ‘yung mga anak,”
Nangunot ang noo ko habang pinapakinggan ang sinasabi nila. Sino bang tinutukoy nila? Nakakatakot naman.
“Anak, huwag mo silang pansinin. Kain na,” tipid na saad ni papa.
Madalas lang namin siya makasama dahil sa pagiging pulis niya. Palagi mang wala ay ‘di niya nakakalimutang bumawi sa’min. Katulad ngayon nasa jollibee kami.
Napatingin ako sa dalawa ko pang kapatid. Si papa ang gagawin kong inspirasyon upang makaahon. Gusto kong sundan ang yapak niya kaya lamang ay ayaw niya.
Marangal naman ang trabaho niya. Ayaw niya bang maging katulad ko siya?
“Tapos na kayong kumain, Chelsie at Jam?”
“Opo, kuya!” sabay nilang sagot.
“Pa, pwede picture mo kami doon sa labas?” saad ko pagkatapos naming makalabas...


ng jollibee.
Nagtatalon kami sa tuwa ng pumayag siya. Pumuwesto kaming magkakapatid. Nakailang kuha ng litrato si papa sa’min nang biglang may dumating na mga pulis at dinambahan si papa.
“Ang tagal ka naming hinanap. Nandito ka lang pala,” asik ng isang pulis. “Danilo Labrador, inaaresto ka namin sa salang pagpatay. May karapatan kang manahimik; Ano man ang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa loob ng hukuman; May karapatan kang kumuha at pumili ng sarili mong abogado; Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, ang korte ang kukuha ng abogado para sa iyo.” mahabang lintaya bago posasan si papa.
Hindi pwede.. panaginip lang ito. Umiiyak na ang mga kapatid ko.
“Patawad, anak. Alagaan mo mga kapatid mo,” bago hilahin ng pulis.
Kaya ba ayaw niyang sundan ko ang yapak niya dahil isa siyang krimimal?

Wb: Rain Marshall.






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top