Itago niyo na lang ako sa pangalang Vanessa. Nung grade 7 pa ako, nagkaroon ako ng boyfriend. My first ex-boyfriend. Magkaklase kami nung mga panahon na yun. Nagsimula kami sa palitan ng upuan. Naging katabi ko dati ay ang pinakapasaway naming kaklase. Palagi siyang nagri-reklamo kasi ang init raw. Ang init raw sa pwesto siya. Ang pwesto ni Ex ay malamig. Tapat kasi siya ng aircon. Laging nakikipagpalit itong pasaway kong seatmate sa kanya. Kami na ang nagiging seatmate sa buong araw. Nasanay na lang rin ako. Naging friends to bestfriends kami. Hobby namin yung maglaro ng chess. Hindi ko siya matalo. Talino niya kasi. Hanggang sa na-fall na siya sa’kin. Nagconfess siya sa’kin sa room. Hiyang-hiya siya nun. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi mapakali. Nung araw na yun, sinabi ko na pag-iisipan ko muna. Mahirap magdesisyon. Hanggang sa pinayagan ko na siyang manligaw. 3 months niya ako niligawan. Sinagot ko siya. Masaya kami. Siya yung tipo ng boyfriend na maalaga, may respeto at sweet. Pero nalaman ng parents ko. Nagalit sila. Sinabi nila na hiwalayan ko na siya. Sinabi na lumayas na lang ako sa bahay kung hindi ko siya hihiwalayan. Naging cold ako sa kanya. Naging iba ako. Alam kong mali ako, pero anong magagawa ko? Nalaman na nila. Chinat ako ng mga kaibigan niya. Pati mga kaibigan ko galit na rin sa’kin. Naiinis na sa ginagawa ko. Febraury nun, malapit na yung valentines day. Nagbreak kami. Inis na inis ako nung time na yun. Wala na akong magawa. Wala na, nangyari na. Nasa top ako, bumaba ako. Naging pala-absent ako. Hindi ko siya kayang makita. Kasi alam ko naman na kasalanan ko. Ako ang nakipaghiwalay tapos ako pa may ganang masaktan....
Naisip ko na baka yun na yung karma ko sa ginawa ko sa first ex-boyfriend. Sa lahat ng sakit na ginawa ko sa kanya.
Pagkatapos ng break-up, nakita ko silang magkasama palagi. Nagsisisi ako. Sana si first ex na lang ang pinaglaban ko kesa kay second na niloko lang naman ako.
Ngayon, study first na muna ako. Masaya ang buhay single. Walang problema. Hindi sasakit ang puso at walang luha na lalabas sa mata.
thank you so much for this impressive website me and my class precious this self-complacent and perceptiveness