LOST MEMORIES
Author: yrstrly
—
CHAPTER 2
Ally’s POV
“ATE ALLY!” patakbong salubong sakin ni Kevin. Bunsong anak nila Tita Chelsa at Tito Kenneth. Nakababatang kapatid ni Calvin.
Nandito ako sa bahay nila para turuan siya sa mga school works.
“Hello baby boy!” Nakangiting sabi ko din sa kaniya. Kevin is just only 8 years old. Pareho silang gwapo ni Calvin. Pero kung si Kevin ay palangiti at makulit, si Calvin ay naman ay suplado at hindi palangiti.
“Namis po kita ate! Kala ko po hindi ka na babalik eh” aniya.
Nasa sala na kami at nakaupo.
“Namis din kita baby boy. May ginawa lang kasi si Ate kaya di siya nakakadalaw dito. Teka, asan pala sila Tita? E-eh, yung kuya mo asan?” Sunod-sunod kong sabi sa bata.
“Sina mommy po at daddy may pinuntahan po, si Yaya meding lang po kasama ko dito. Tsaka si Kuya naman po, nasa kwarto may kausap na babae,” Kevin
“B-babae?” kumirot agad ang puso ko sa narinig. Hindi kaya si Nichole iyon?
“Ate diba po mahal mo kuya ko?”
Naibalik ako sa malalim na pag iisip nang tanungin ako ni Kevin .” H-huh?”
Gusto ko sanang magsinungaling sa bata pero hindi ko na nagawa.” O-oo hehe. Bakit mo natanong?”
“Kasi po gusto po kita para kay kuya ko po” magalang na aniya.
Napangiti ako sa tinuran ng bata. Hayy, sana ganun din si Calvin sakin. Sana gusto niya din ako para sa kaniya.
“Kevin,” pareho kaming napalingon ng bata sa taong tumawag
“Kuya!”
“Hi” ani ko kay Calvin. As usual, hindi niya ako pinansin.
“Kinuha mo ba yung headphone ko?” tanong niya sa kapatid.
“Nasa kwarto ko po kuya, sandali po kukunin ko po” sabay takbo ni kevin papunta sa kwarto niya. Susunod sana si Calvin pero tinawag ko siya.
“Calvin sandale!”
Bagot siyang lumingon sa lugar ko ” ano na naman?”
“U-uhm, ano kase..” itatanong ko ba sa kaniya kung si Nichole ang katawagan niya kanina? May karapatan pa ba akong magtanong?
“Tsked, kung wala kang sasabihin, wag mo kong tawagin. Nakakaabala ka eh” inis na sabi niya.
“S-sorry..” yumuko ako.
“Kuya! Inaaway mo na naman si ate ko!” Galit na sabi ni Kevin nung makabalik.
“Tsked, masyado lang siyang mababaw. Akin na” sabay kuha niya ng Headphone sa kapatid.
Di na kami nagsalita ni Kevin matapos nun. Hinayaan na lang namin siyang umalis at bumalik sa kwarto niya.
Tapos ko nang turuan si Kevin sa kaniyang school activity. Mahigit tatlong oras din iyon .Sakto namang bumaba si Calvin sa hagdan, suot yung damit na niregalo ko sa kaniya noon. Hayyy, kung alam mo lang Calvin na ako ang nagbigay niyan, kaso hindi eh. Wala kang maalala. Nakkainis ka!
“Oh san ang punta mo?” Tanong ni Nay Meding. Yaya ni Kevin.
“Lalabas lang po, kasama si Nichole” aniya.
Nagkasalubong ang paningin namin ni Nay Meding, alam ko ang nasa isip niya.
Saksi kasi si...