Nakahiga na sa kama si Jemay pero hindi pa rin siya makatulog. She felt the sincerity in Nate and also in JL. Waaaahhhhhhhhhhh! Ang haba naman ng hair ko. Feeling ko yun. Walang basagan ng trip. Moment ko ito. Nababaliw na nga yata ako kasi kinakausap ko na sarili ko eh. Madaling araw na siya nakatulog kakaisip sa dalawang lalaking naging espesyal sa buhay niya.
Nagising si Jemay sa tunong ng cellphone niya.
“Hello?” inaantok na sabi pa niya.
“Good morning Jhems! Wake up na. Join me for breakfast.” boses ni Nate.
“Best, inaantok pa ako eh.”
“Best, tomorrow is my last day here. Gusto ko naman sana ma spend un remaining days ko here with you by my side. Please?” nagsusumamong sabi nito.
“okay. Just give me 10 minutes to dress.”
“Okay best, see you later.”
Naghilamos na siya at naligo. She wears her pretty in pink dress. Konting pulbos and lip gloss then okay na.
“Hi best! You look great.”
“Thank you best friend. Siyanga pala, ingat ka bukas pag uwi mong manila ha?”
“Best naman pinaalala pa iyon. Mamimiss kita bestfriend.”
“Best Nate ano ka ba? Ilang araw nalang naman din ako maglalagi dito ah. Mauuna ka lang sa akin. Tara na nga kumain.”
“Sige, tapos mamasyal tayo.”
Pagkatapos nila kumain, nagyaya si Nate mamasyal sa tabing dagat. Habang nakatanaw sila sa tahimik na karagatan, hinawakan ni Nate ang mga kamay niya.
“Jhems, matagal na kitang minamahal and i am so happy na binigyan mo ako ng chance na ipakita iyon sa iyo. Sana lang magkaroon ako ng puwang sa puso mo.”
“Nate, tignan nalang natin. Ayoko din naman magsalita ng tapos pero ayoko din naman paasahin ka.”
“Maghihintay ako Jhems.”
“Thank you.’ yun lang at ipinagpatuloy nalang nila ang masaya nilang kwentuhan.
*********************************
Nagpaalam na si Nate kay Jemay kinabukasn. Uuwi na ito ng maynila dahil tapos na ang bakasyon nito.
“Jhems, mag iingat ka ah? Wala ako dito para mabantayan ka.”
“Nate, ok lang ako. Don’t worry, magkikita pa rin naman tayo pagbalik ko ng Manila eh.”
“Jhems, yun tungkol sa kasunduan nating one month deal, ano na?”
“Nate, i am really having a hard time to decide.”
“I understand Jhems. Don’t worry, i can wait naman eh.”
“Thank you Nate.” yun lang at inihatid na niya ito sa Airport. Pagkaalis ni Nate, bumalik na din siya sa Hotel. Gusto niyang gugulin ang natititrang bakasyon niya dito sa Palawan. She will miss this place for sure. At alam niyang mamimiss din niya si JL. Si JL na hindi na nagpakita sa kanya magmula ng matapos sila mag dinner. Akala pa naman talaga niya eh there is something going on between them. Pero nagkamali pala siya.Nag assume na kasi agad siya. Ilang minuto na siya nakaupo sa may garden ng tawagin siya ni JL. Ang lalaking laman ng isip niya kagabi pa.
“Jhems!” tawag sa kanya ni JL.
“Oh Jander, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?”
“Nagpapahingan lang ako kasi mamaya babalik na naman ako sa trabaho ko.” umupo ito sa tabi niya.
“Ah, ganun ba? Ano palang work mo?”
“Ako? I am a Chef by heart and by Profession.” malungkot na sabi nito.
“Bakit ka naman malungkot? Diba dapat nga masaya ka pa? kasi Chef ka na.” nag aalalang sabi niya rito.
“Buti ka pa Jhems, parang laging walang problema. Paano mo ba nagagawa iyon?”
“Ang alin?”
“Yung bang lagi kang nakangiti. Nung una kitang nakita sa Airport, nainis ako sa iyo kasi nakatulog ka sa balikat ko. Nang sermunan kita, parang balewala lang iyon sa iyo. Tapos dito sa resort ng malaman mong wala kang dalang pera, nagagawa mo pa rin ngumiti.”
“Ah, yun ba? Iniisip ko lang palagi na masaya ang buhay. Hanggat nabubuhay ang isang tao, may solusyon ang lahat ng problemang pinagdadaanan niya. Sabi nga nila, ngumiti ka lang kahit na ang dami mo ng problema, at panigurado, makakaisip ka ng solusyon kung pano mo malulutas iyon. So, ganun lang ang ginagawa ko.”
“Kung sana katulad mo lang ako.”
“Teka nga, ano ba problema mo Jander? Sabi mo Chef ka diba? Dapat masaya ka sa trabaho mo bilang isang Chef. Kasi hindi mo ba alam na ang dami mong napapasaya dahil lang sa mga luto mo?”
“Masaya naman ako. Sa totoo lang, nagiging masaya lang ako kapag nagluluto ako. Pero kapag nasa bahay ako, sobrang lungkot ko. Malungkot ang buhay ko Jhems. Ikwekwento ko rin iyon sa iyo in time. Sa ngayon, let’s enjoy being friends muna. And ano nga pala sagot mo sa tanong ko sa iyo kagabi?”
“Jander, i really wanted to be honest with you. I like you, pero ilang araw nalang ang ilalagi ko rito. 2 days nalang to be exact. After this two days, babalik na ako ng maynila at babalik na ako sa normal kong buhay. Ikaw rin alam ko na kailangan mo na rin bumalik sa trabaho mo. Magkaiba ang mundo natin. Ni hindi nga natin alam kung magkikita pa ba tayo sa manila dahil sobrang laki niyon eh.” malungkot na sabi niya. Hinawakan naman ni Jander ang kamay niya bago muling nagsalita.
“Jhems, walang impossible kapag ginusto. Isa pa, maraming paraan para magkita tayo sa manila. And speaking of ways, can i have your cellphone number?”
“Seryoso ka ba talaga Jander? Ayoko matulad sa mga naging babae mo. Kung gusto mo, maging magkaibagan nalang tayo.”
“Is it about my past relationship o may kinalaman ito sa best friend mo?”
“Si Nate? I will be honest with you too, magaan talaga ang loob ko sa best friend ko na iyon. Pero ayoko naman masira ang friendship namin. So i stick to our rules na hanggang magbest friends nalang kami. Pero ayun nga, nanliligaw na din siya eh”
“Jhems, hayaan mo nalang ako patunayan sa iyo na seryoso din ako. Please?”
“Sige Jander. I will give you a chance as well.”
Pagkatapos nun, kinuha ni Jander ang number ni Jemay. Binigay naman niya iyon dito.
***************
Ngayon lang naging masaya ulit si JL sa buong buhay niya. Sa pagkakatanda niya, huling naging ganito siyang kasaya nung buo pa ang pamilya niya. Gagawin niya talaga lahat para sagutin siya ni Jhemay. Pero natatakot pa rin siya dahil baka hindi matanggap ng dalaga ang background ng pamilya niya. Ang tatay niya, sa condo umuuwi at ang mama naman niya, pagkatapos nito manganak sa lalaking kinasama nito noon, ay bumalik mula sa mansyon nila. Eversince sabihin nito na may kapatid siya sa ina, hindi pa niya iyon nakikita at...