LOVE AT FIRST SLAP 3


LOVE AT FIRST SLAP 3
“Paano nangyari ‘to? aksidente lang naman nahawakan ko ‘yong ano mo ah, p-paano kita nabuntis?” mangiyak-ngiyak na tanong ko, tears of joy tawag do’n, “Teka nga…kapag ba nahawakan ‘yong dibdib niyo nabubuntis kayo?”
Kaagad akong napahawak sa aking noo ng pitikin niya ‘yon.
“Nakalimutan mo na ba? Hindi mo na ba ako maalala?” marahas niyang binawi ang hawak kong pregnancy test na may two lines, sabi niya positive raw kapag gano’n.
Ha?
Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang sinasabi niya. Pero kaagad akong natigilan ng dahil sa isang bagay na pumasok sa isipan ko; ‘yong isang gabing nagpakalasing ako sa Lorioque bar. Napalunok ako ng wala sa oras ng muling magtama ang aming paningin, hindi kaya ni-rape niya ako? oh my ghaaad, paano niya nagawa sa akin ang bagay na ‘yon?
Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras dahilan upang tumaas ang isang kilay ni Avril.
‘hindi ko talaga siya maalala’
“Oo, gusto ko ng isang dosenang anak. Pero mylabs masyado pang maaga para magkaroon ako ng kakargahin at papadedehin…este aalagaan, at may isa pang pero,” napalunok ako ng biglang dumilim ang kaniyang paningin,”p-pero kung ikaw lang naman ang magiging mother of my children. Hindi na ako tatanggi, yes na agad hehe.”
Marahan itong napangiwi ng dahil sa nasabi ko, “tss, an’dami mong sinabi, hindi naman ako buntis.”
‘Hindi naman ako buntis’
‘Hindi naman ako buntis’
‘Hindi naman ako buntis’
Kaagad kong hinawakan ang kaniyang braso para pigilan siya ng akmang aalis na ito. Unti-unti akong ngumiti ng labas ngipin ng masama niyang tiningnan ang kamay ko na nakahawak sa kaniya, bago mag-angat ng tingin sa akin. A-Anak nga siya ng daddy niya, parehong nanakal gamit ang tingin.
Fucking shit bruuh, bakit nanginginig ako sa kaba hindi ‘to maaari.
“Bitawan mo nga ako baka mahawaan pa ako ng pagkasinto-sinto mo,” malamig na aniya.
“Ayoko nga.”
“Ayaw mo?”
“Hindi kita hahayaang umalis hangga’t hindi ka nagpapaliwanag,” binigyan ko siya ng seryosong tingin pero ang aking ponyetang kamay ayaw makipag-cooperate at patuloy pa rin sa pangingisay.
Tinaasan lang ako nito ng kilay bago subukang alisin ang aking mga daliri sa braso niya. She acts different now, parang kanina lang ang bait tapos ang sweet niya rin sa akin at pinakilala niya pa akong boyfriend niya sa kaniyang ama, kinikilig pa rin ako, nakakabakla naman ‘to tangina. Pero ngayong wala na kami sa guidance office kulang na lang yata ipagtabuyan niya ako. Bipolar ba ‘to? ayos lang mahal ko pa rin siya.
“You have 5 minutes to explain,” marahan kong binitawan ang kaniyang braso.
Bumuntong hininga ito bago mag-cross arm,”Alin ba do’n ang gusto mong ipaliwanag ko? malinaw naman yata sa’yo ‘yong mga narinig mo mula sa akin at kay Dad ‘di ba?”
Luminga-linga ako sa aming paligid. Maraming dumadaang student, hindi na ako magtataka dahil dismissed na ang mga klase. Sinubukan pang pumalag ni Avril ng walang pasabi ko siyang hilahin hanggang sa makarating kami sa likod ng isang school building. Marami akong tanong na dapat niyang masagot, kabilang na do’n ang kung bakit ako pa ang dinamay niya. Nanahimik lang ako eh, good boy kaya ako.
“Aray, ano ba David!”
Nagpupumiglas siya sa pagkahawak ko pero hindi ko pa rin siya binitawan at sa halip ay binigyan lang ito ng seryosong tingin. Saglit siyang napahinto ng mapansing nakatitig lang ako sa kaniya, ngunit kaagad ko siyang nabitawan ng sikmuraan niya ako.
“ah, damn you!”
“Gusto mo pa pala na saktan ka muna bago ka sumunod eh,” taas noo itong tumingin sa aking habang pinapagpagan ang nagusot niyang skirt bahagya pa itong natawa ng makitang namimilipit ako sa sakit, “isa pa gusto mo?”
Mabilis kong itinaas ang aking kaliwang palad para sumenyas na huwag niyang ituloy. Napapikit ako ng ituloy niya pa rin ang nakaamba niyang suntok, pero ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pang suntok ang tumama sa akin tanging mahinang pagtawa lang nito ang nagbigay rason upang imulat ko ang aking mata. Pabiro niyang sinuntok ang aking balikat habang natatawa pa rin sa reaksyon ko.
“Duwag ka pala eh HAHAHA, duwag, duwag!”
Tumiim ang aking bagang ng nagawa pa nitong mang-asar.
“Hindi kaya masakit ‘yong suntok mo, nagkukunwari lang ako na nasaktan,”pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay masakit pa rin hangggang sa ngayon ang abs ko, may tutubo pa yatang isa, bale magiging seven pack na sila.
“Asus hindi raw masakit, liar bleeeh!”
Tanging matalim na titig lang ang naibigay ko sa kaniya. Kung hindi ko lang talaga siya mahal at kung hindi siya babae baka nabigwasan ko na ‘yan kanina pa.
“Sagutin mo na ‘yong tanong ko,” mariing wika ko habang palihim na hinihilot ang parte kung saan niya ako sinuntok.
“Hindi ka pa nagtatanong.”
Napaayos ko ng tayo ng maalala na hindi pa nga pala ako nagtatanong, “nagtanong na ako, hindi mo lang narinig,” palusot ko para makaiwas sa kahihiyan.
“Tss, pinagmukha mo pa talaga akong bingi. Naaalala ko lahat ng sinabi mo mula kanina, hindi ka nagtanong,” pagtaliwas nito sa sinabi ko at kasunod noon ang pagbulong niya, “Manyakis na nga sinungaling pa kaya hindi ka nagkakajowa eh.”
“Are you humiliating me miss Avril Demise? gusto mo bang isa-isahin ko lahat ng naging ex ko at lahat ng nagkakandarapa para habolin ang poging ‘to,” itinuro ko pa ang aking sarili, pero inirapan niya lang ako.
“Simulan ko na ba alphabetically—”
“Akala ko ba magtatanong ka?” she cutted what I was about to say.
Saglit akong napahinto ng dahil sa sinabi niya, nakalimutan ko na tuloy ‘yong itatanong ko dahil sa pag-aaway namin. Mas tahimik na ngayon ang kapaligiran at tanging huni ng mga ibon ang gumagawa ng ingay. Napapitik ako ng maalala ang itatanong ko sa kaniya, ng magtama ang paningin namin bagot lang itong ngumiti bago umiwas ng tingin.
“Gumaganti ka ba sa’kin?” tumungo ako upang tingnan ang oras sa aking wrist watch, “I’ll give you ten minutes to answer that.”
Kunot noo itong nagbaling sa akin ng tingin, “gumaganti? What do you mean by that?”
“Answer it now!” mariing turan ko.
Napabuntong hininga ito she even rolled her eyes at me, “ok fine,” pinanood ko lang ang bawat kilos nito hanggang sa ilabas niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cell phone...


at saglit na may kinalikot roon bago iharap sa akin ang screen, “I don’t wanna marry him, but dad wants me to. Nagpanggap akong nabuntis at tinakbohan ng boyfriend ko para lang hindi matuloy ang kasal; pero ihihinto niya lang raw ang kasal kapag nahanap niya na ang ama ng baby ko. On the contrary, kung hindi nila siya mahanap or hindi ko maiharap sa kanila ang boyfriend ko within this week. Automatically si Knight ang tatayong ama ng baby ko, at siya rin ang magiging asawa ko.”
She stopped for a moment. Saglit akong sumulyap sa litrato na nasa screen, isang lalaki at babae ang mukhang napakasaya sa larawang ‘yon, si Avril ang dalaga sa picture at malamang na si Knight ang lalaking nakaakbay sa kaniya roon. Damn I’m freaking jealous by seeing her happy with that asshole.
“Ikakasal ako sa kaniya, which I don’t want to happen. That’s why…pinakilala kita kay dad as my boyfriend na tinakbohan ako,” marahan siyang yumuko marahil ay nahihiya siya sa akin, “hindi talaga ako buntis, David.”
“Hindi ka buntis? pero bakit positive ‘yong pregnancy test?”
“Hiniram ko lang ‘yon sa tita ko, okay? I’m glad na pumayag siya without questioning me,” para akong nabunutan ng malaking tinik ng dahil roon.
Tanging pagtango na lang ang aking naitugon. At least now alam ko na kung bakit ang weird niya kanina. Literal na dinamay niya pa talaga ako sa problema niya, pero hindi na ako makakaatras dahil nagsimula na ang plano niya ng wala akong kaalam-alam na isa ako sa magiging parte no’n.
Akala ko talaga buntis siya, na nabuntis ko siya ng dahil lang sa nahawakan ko ‘yong ano niya, ‘yong malambot hehe.
“Simula ngayon…boyfriend na kita.”
Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang sinabi ni Avril. Tila nabingi ako ng dahil sa sinabi niyang ‘yon, tama ba pagkarinig ko? or dapt na talaga akong magpatingin sa e.o?
“Ha? a-anong sabi mo? pakiulit,” pagkukunwari ko at bahagya pang lumapit sa kaniya.
“Sabi ko, boyfriend na kita,” utay-utay at malakas na may digin ang pagkakasabi niya no’n.
Nakakakita na naman ako ng mga ulap, bullshit road to heaven na naman ang puso ko. Masyado pang maaga para mamatay ako ng dahil sa sobrang kilig. Ramdam ko na umiinit na ang aking pisngi, nagb-blush na yata ako, first time ‘tong nangyari na pinipigilan ko na huwag kiligin sa harap ng babaeng mahal ko. Sabihin na nating mabilis but her slap hits different talaga tol, parang ang sarap ulit-ulitin.
Insert song; acckoy kenekeleg, peg ekey lemelepet ekey negnenengneng
Pilit kong itinatago ang kilig na nararamdaman ko at sinubukang umakto ng casual sa kaniyang harapan, “hindi ba ako liligawan, mylabs? boyfriend na agad? hindi ka man lang ba magbibigay ng rose, chocolate at teddy bear? tsaka—”
Iritable nitong tinakpan ang aking bibig gamit ang kaniyang palad. Tumingkayad pa siya para lang magawa ‘yon, kaya’t nagbend ako ng kaunti para hindi siya mahirapan. Napaka-gentle man ko shet, puriin niyo naman ako parang awa niyo na nasasayang effort ko sa pagiging gentle man for pity’s sake.
“Kung ganiyan epekto ng katol sa’yo, siguro dapat itigil mo na paggamit no’n.”
“Hmmmnng hmmk hmmp,” tanging ‘yon lang ang lumabas sa bibig ko dahil hanggang sa ngayon ay timatakpan niya pa rin ang aking kissable lips.
Gusto ko sanang sabihin na ‘anong akala mo sa’kin lamok?’ pero huwag na lang, baka gabihin pa kami rito dahil sa kakaaway.
Saktong labas namin ay isasara na ang gate ng University. Mabuti na lang at naabotan pa namin itong bukas, pero ‘yong bullshit na guard napaka-judge mental ng tingin sa amin. Sarap sungkitin ng eyeballs, wala naman kaming ginawa pero alam ko kung anong tinatakbo ng makitid niyang kokote. Bago pa kami makaalis sa likod ng establishment ay kinuha ko na kay Avril ‘yong pregnancy test, nagpaalam ako na ako na lang ang magtatabi no’n para sa kaniya kaya’t ngayon ay kasalukuyan ‘yong nakalagay sa bulsa ng aking uniform.
Bilang isang mabait na boyfriend tungkulin ko na alagaan ang aking binibini, kinikilig na naman ako wait lang.
“Farewell mylabs, I love you, I love you, I love you, I love you—”
Tinakpan na naman nito ang bibig ko, “Don’t take it personal, parte lang ng plano ang pagpapanggap mo,” mariing bulong niya bago kuhanin sa akin ang kaniyang bag. Nagpresenta ako na dalhin ‘yon eh, wala lang feel na feel ko na maging boyfriend niya kahit peke lang.
Nang may humintong itim na kotse sa aming harapan ay kaagad siyang naglakad palapit roon at hindi na nagatubiling pumasok sa back seat, pinagbuksan pa siya ng driver at may sinabi sa kaniya na nagpabago sa reaksyon ng dalaga.
Hindi na siya muling nagbaling ng tingin sa akin hanggang sa isara na ng driver ang pinto ng sasakyan. Tanging pagngiti at pagkaway lang ang nagawa ko habang minamasdan ang papalayong sasakyan kung saan siya nakasakay.
“Tol,” pagtawag sa akin ni Henry habang kinakaway ang kaniyang palad sa harap ng aking mukha.
Napailing-iling ako bago tuluyang makabalik sa reyalidad. Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako tulala, iniisip ko kasi ‘yong tungkol sa pagpayag ko na magpretend na boyfriend ni Avril para hindi matuloy ang kasal nila ni Knight.
“Hoy tol! tangina nakikinig ka ba ha?” reklamo ng kaibigan kong haggard na haggard, tinalo niya pa hitsura ng nanay ko kapag naubusan ng pasensiya.
“Ano ba ‘yon?”
Napakamot ito sa kaniyang ulo dahilan upang dumikit sa kaniyang buhok ang mga bubbles sa kaniyang kamay. Kasalukuyan kasi siyang naglalaba. Ako ang may-ari ng dorm na ito at dahil nakikitira lang siya dito, siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
“Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig, hay nako,” itinaas niya ang uniform ko at pinakita niya sa akin ang — pregnancy test, shit! nakalimutan ko ang tungkol do’n.
“Ano ‘to? laruan ba ‘to tol? nakakain ba ‘to?” sunod-sunod niyang tanong habang kunot noong sinusuri ang bagay na ‘yon.
Nakagat ko na lamang ang aking ibabang labi. Hayst mabuti na lang talaga bobo si Henry, hindi ko na kailangang mag-isip ng palusot. Mahirap na mahigpit na paalala ni Avril na ‘kahit anong mangyari walang dapat makaalam ng tungkol sa bagay na ‘yon’.
Pero nasabi ko na kay mama na magiging lola na siya.
TO BE CONTINUED…
_______






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top