Love is Blind


Love is Blind (short story)
Author : Jcmae
Genre :sad story
Aya: “Ammm…. Kyle kaylan mo ba ako liligawan “. Pa berong tanong nya habang tinitignan ang mga librong koleksyong ko sa kwarto samantala ako naman kakapasok pa lang na may dala-dalang makakain.
Kyle : “Aya tigil tigilan mo nga ako ” . Natatawa kong sabi kay Aya na sabay inabot sa kanya ang makakain.
Aya: “E….. Parang wala ka namang pag-asa dyan kay Andi hello 5 years nakaya ang nakalipas kaya ako na lang plsss” . Nakakatawa nyang sabi habang kinakain ang inabot kong makakain.
Kyle: “Diba ang kaibigan ko na ang nagsabi na pagg mayyy tyaga may makukuha. ”
Aya: “Kyle? Akala ko ba ako lang kaibigan mo “.
Kyle: ” Sira ikaw nagsabi noh oyyyyy.. .
MaMa: “Aya Mommy mo nandyan na naghihintay sa baba. ” Na kakapasok palang sa kwarto.
Aya: “Opo tita , sige Kyle ,tita alis na po ako. ” Sabay takbo patungong baba habang ako at si mama naiwan sa kwarto.
Mama: “Kyle anak 25 kana , si Aya naman 23 na din bakit………. “. Natigilang sabi ni mama sa kadahila ng nagsalita ako agad.
Kyle : “Ma, alam nyo naman pong kaibigan ko si Aya hanggan don lang po.
Mama: Ikaw bahala.
3:00pm ng hapon habang na sa mall kami ni mama bumibili ng mga makakain namin sa isang linggo sa Hindi inaasahan na nandon din si Andi.
Andi: ” Oyyy Kyle “. Malakas na tawag sa akin ni Andi sa may kalayuan.
Kyle : “Andi? ” .. Pabulong kong sabi na may pagkabigla sabay lakad patungo sa kanya.
Andi: ” Akala ko sa chat na lang kita makakausap simula ng magtapos tayo sa college. ” . Habang naghahanap ng gulay.
Kyle : ” Oyyy ano ka ba, kamusta ka naman?
Andi: “Hanggang dito pa ba ,itatanong mo yan sa akin e.. Halos umaga, gabi yan tinatanong mo sa akin sa chat. “. Natatawa nyang sabi.
Kyle : ” Sorry!!.
Andi: “Ano ka ba ayos lang yon, Mmmm.. Kita naman tayo paminsan minsa , sige alis na kami si mommy kasi next time naman.
Madalas na kaming nagkikita ni Andi, kumakain sa labas at namamasyal halos di nakami makapag usap ni Aya pero alam ko na naiintindiha naman nya ako dahil sa madalas kaming lumalabas ni Andi Hindi rin nagtagal sinagot na nya ako, alam ko naman na halos lahat magugulat lalo na ang kaibigan ko nong una di sya naniwala pati narin si mama pero di rin nagtagal naniwala din sila at tanggap naman nila ito, 5 months na kami ni Andi at halos nagugugol ko na sa kanya ang buong week ko pero ayos lang matagal ko naman itong pangarap.
Dumating ang araw na di ko inaasahan, habang naglalakad ako patungo sa bahay ni Andi wala akong malay na may kotsing papalapit sa may likuran ko at pagkatapos di ko na alam Kong ano ang sumunod na pangyayari.
Kyle : ” Mama ano pong nanyayari bakit po madilim ma, pakibukas naman po ng ilaw, Aya ikaw bayan? Umiiyak ka ba? Ma, Aya anong pakulo na naman ba ito. “. Nakangiti kong sabi na matatawa na pero alam ko na kakagising ko palang at ramdam ko na umupo ako galing sa pagkakahiga kanina bago ako nag salita at ramdam ko rin na mahapdi sa may kaliwang paa ko siguro dala ito ng pagkabangga ko.
Mama: “Kyle anak. ” . Utal-utal na sabi ni mama habang naririnig kong pinipigilan ang kanyang pag-iyak.
Kyle : “Ma, Aya, anong bang nanyayari ang dilim buksan nyo na ang ilaw plss hindi na po ito na kakatawa.
Mama: “Kyle anak, naalala mo nong nabangga ka? .”
Kyle: ” O…p…o naalala ko na man po tapos po. “.
Mama: ” yung mata mo.
Kyle: “ano po yong mata ko… ”
Mama: (tahimik habang pinipigilan ang pag-iyak)
Aya: ( tahimik habanh pinipigilan ang pag-iyak)
Kyle: ” Anong nanyari , bakit tahimik kayo at pakiusap ko naman po mama ,Aya buksan nyo na yong ilaw “. Inis kong sabi habang wala paring nakikita sa subrang dilim.
Aya: ” Kasi yong bubog ano na bago ka kasi mawalan ng malay tumalsik sa iyong mata yong bubog “. Mabilisan nyang sabi na may pag ka utal-utal sabay humagulgul sa pag-iyak.
Kyle: “Ano”. Hindi ko na maintindihan kong ano ang nararamdaman ko parang wala na ako sa sarili ko pero ramdam ko ang pagyakap ni mama sa akin habang tumutulo ang luha sa aking kamay dinig ko rin ang paghagulgul ng boses ni Aya malapit sa akin .
Lumipas ang mga araw Hindi ko na makita ang lahat, puro boses nalang ang naririnig ko kasabay rin nito ang paghapdi ng kaliwang paa ko dulot ng disgrasya minsan tinatanong ko ang panginoon bakit ginawa nya ito sa akin na iisip ko nalang siguro makasalanan akong tao.
Hanggang sa umabot sa puntong nakipaghiwalay na sa akin si Andi mas lalo akong nainis sa sarili ko kasi alam ko na wala na akong kwenta tao.
Dumaan na ang maraming araw, buwan na at halos isang taon na at unti-unti ko...


itong natanggap dahil sa sipag at dyaga ni mama at ni Aya sa akin sa tuwing na iisip ko ang lahat na nanyari sa akin parang gusto kong sumigaw at magalit pero dahil sa kanila na wala iyo kundi napalitan ito ng saya.
Sa totoo halos naririnig ko ang boses ni Aya buong araw parang hindi na syaumuuwi sa kanila , tinutulungan din nya si mama ang bait talaga nya na isip ko bakit di ko sya niligawan noon nong may mga mata pa ako .
Aya: “Kyle may good news kami ni tita sa iyo” .
Kyle: “ano nanaman yan ha “. Pa bero kong sabi.
Aya: ” May nag offer sa amin ni tita Kyle, Makakakita ka na”. masayang sabi ni Aya samantala si mama walang kibo.
Kyle: ” talaga sino sya ang bait naman nya salamat sa kanya.
Aya: ” Sabi nya kasi may sakit naman daw sya at madali ng mamatay. ” . Utal – utal nasabi nya.
Kyle: “Kong sino man sya , wag syang mag-alala aalagaan ko ang mga mata nya. ” .
Ilang araw din ako naghintay para sa procedure, kinakabahan ako Hindi ako makapaniwala na makakakita na ulit ako sa 2year’s na hindi ko na nakikita ang mundo nagtatanong tuloy ako sa sarili ko ano na kaya ang mukha ng mundo? At alam ko sa pagkakataong ito di ko na sasayangin Pa ang oras o araw na ligawan si Aya.
Success ang procedure pero ilang week bago maalis ang telang nakaikot sa ulo ko sa may mata.
Doctor : “eho itatanggal na po natin wag pong malikot at dahan dahan lang pong imulat ang mata wag magmadali. “.
Mama: “Anak handa ka na ba “.
Kyle: “Opo naman mama halos hibdi ako makatulog e .” . Pabiro kong sabi habang tinatanggal ni doc. ang tela at pahabol ko pang sabi ” Aya lagot ka sa akin pagnakakakita na ako baka iba na mukha mo ha di na kita makilala ” . Pa bero kong sabi.
Aya: “Kyle masaya ako para sa iyo. ” . Bulong nyang sabi sa may harapan ko.
Doctor : ” Okay na natanggal ko na ,eho dahan dahan mo ng imulat ang mga mata mo.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko Una malabo ang paligid pero nakakakita na ako ng liwanag hanggang sa unti-unti ng lumulinaw ang lahat na paligid kaya di ako makapaniwala ang saya saya ko inikot ko ang tingin ko sa lahat ng sulok ng room sa totoo na kakapanibago lang nakakakita na ako.
Doctor : Okay na po Mrs. Chan Aalis na po kami sige po congrats po. ”
Mama: ” Salamat po doc. Salamat po. “.
Doctor : “Walang ano man po yon Mrs. Chan. “. Sabay alis.
Nagtaka ako kong bakit wala si Aya na samantala narinig ko ang boses nya kanina kaya tinanong ko ito kay mama ngunit walang kibo si mama at inabot na lang sa aking ang isang papel na may sulat una nagtaka ako inisip ko na baka prank lang ito nila kaya na pangiti ako pero bago ko binasa ang sulat pinilit ko si mama na sabi nya na sa akin ngunit matigas talaga si mama kaya binasa ko nalang.
Dear, Kyle.
Alam ko na pagnabasa mo na itong sulat na ito wala na ako sorry kong madaya ako kasi mauuna na ako sa langgit kong don nga haha pero dito ko rin aaminin na mas higit Pa sa kaibigan ang turing ko sa iyo pero alam ko din na kajejehan lang ito na mawawala lang itong narramdaman ko sorry kong tinago ko sa iyo ang sakit ko simula Pa kasi ito nong grade 12 Pa tayo pero lumalala na ito nong mga panahon na hindi na tayo masyadong nagkikita na sa stage 4 na ang sakit ko eh wala ng pag-asa sabi ng doctor hindi na daw tatagal ang buhay ko sa mundo kaya nag decide na ako na ibigay nalang sa iyo ang magaganda kong mga mata oh diba bagay na bagay sa iyo oyyy ingatan mo yan ha tulad ng sinabi mo sa akin promise yan ha walang bawian ayyy nga pala matagal ko ng gustong sabihin ito sa iyo yong magaling mo gf nakikipaglandian sa iba yong time na nasagasaan ka haysss naiinis talaga ako dyon oyyy basta ang mata kong maganda alagaan mo at si tita din alagaan mo , baka Malay mo makita mo na ang hinahanap mo dahil sa mga matako bye lab u.
Habang binabasa ko ang sulat di ko matigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata naalala ko ang mga araw na magkasama pa kami pero alam ko na di ko na maibabalik Pa ang dati , aaminin ko natakot akong ligawan sya noon sa kadahilanang baka pag naghiwalay kami mawawalan na ako ng tunay na kaibigan sa panahon na iyon sya lang ang kaibigan ko at hindi ko kaya namawala sya, alam ko na kong bakit nanyari ito sa akin may dahilan ang pangyayaring ito kong bakit binigay ito sa Akin ng panginoon para mamulat ako sa katutuhanan.
THE END….
THANK YOU PO.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top