LOVE IS BLIND AND FIRTS LOVE NEVER DIE


LOVE IS BLIND AND FIRTS LOVE NEVER DIE
Love is blind and love can be foolish. Our heart doesn’t always love the right people at the right time. Sometimes we hurt the ones that love us the most and sometimes we love the ones that don’t deserve our love at all

Maaga kaming umalis ng mga anak ko sa bahay. Ako’y pupuntang trabaho at ihahatid ko naman ang mga anak ko sa school. Tumingin ako sa asawa ko na maiiwan sa bahay.
“Una na kami, Tessa, love!” Ani ko.
“Mag-iingat ka, mahal!” Sigaw niya pabalik.
Naihatid kona ang mga anak ko sa school. Pumasok narin ako sa opisina ko, pero napatayo ako nang mapagtantong naiwan ko ang lunchbox ko sa kusina. Masarap paman din ‘yon dahil luto ‘yon ng misis ko.
Umuwi ako sa amin. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa ng asawa ko. Malungkot kaya siya?
Pagpasok ko’y walang tao. Umakyat ako sa kuwarto namin, naka awang ng unti ang pinto. Papasok sana ako dahil baka tulog na ang asawa ko pero…
“Ugh…”
“Sarap… mo… tessa!”
“Ikaw rin, jerome.”
Parang sumikip ang dibdib ko. Nagulap ang mata ko. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay at pumasok sa kotse. Pinunasan ko muna ang luha ko bago...


i-text si Tessa.
‘Mahal, naiwan ko ‘yung malutuan ko, nasa labas ako.’ Text ko.
Bakit? Nagkulang ba ako bilang asawa? Lahat naman ng ginagawa ko’y para sa kanila… para sa kaniya, pero bakit ginag0 niya ako at sa kuya kopa?
“HAHAH! Sabi ko na ngaba’y nakalimutan mo ‘to, Jake ” Aniya’t inabot sa ‘kin ang baunan.
“May kasama kaba sa loob?”
“Wa-wala.. nagbabasa lang ako sa kuwarto.”
“Oww! Enjoy.. mahal na mahal kita” Ani ko’t nag drive ba pa balik sa office. Mahal kita Kahit matagal mo na pala akong ginagago. Napangiti ako ng mapait. Ganito siguro ang naramdaman dati ni kuya noong inagawa ko si Tessa sa kaniya. Akala ko tanggap na nila… akala ko’y wala na silang nararamdaman para sa isa’t isa pero…
“AHH!” Napasigaw ako nang hindi ko napansing may malaking truck pala na papasalubong sa ‘kin hanggang sa…. nagdilim na ang lahat….
[ FLASHBACK ]
“Baka mahuli tayo ng kuya mo, Jake.”
“Ako bahala… mag boyfriend palang naman kayo ‘di ba?”
“Oo,”
“Pasok kana,”

“Buntis ako, Jake.”
“Papakasalan kita…”
“Paano si Jerome?”
“Makipag hiwalay ka… maiintindihan naman ni kuya,”

“Congrats…. Jake… alagaan mo ‘yan, ah… mahal na mahal ko ‘yan,”
“So-sorry kuya!”
“Ok lang. Naiintindihan ko.”

WORDS BY: Kino






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top