by: Gail Montenegro
nagising si bella sa isang malaki at marangyang silid ,nilingon nya ang paligid at ikinalat ang paningin saka bumuntong hininga ng makita ang picture frames nila ni clark noong bagong kasal pa lamang sila ,tumayu sya at agad na tinungo ang pintuan pinihit iyun at lumabas nasa may railings pa lamang sya ay dinig na nya ang dalawa or tatlong taong naguusap usap sa may veranda tumigil sya ng matanaw ang mga ito mula sa ibaba..
“bumalik nga ang alaala nya pero hindi lahat ,naiwan ang alaala nya sa kasalukuyan at nakaraan lamang ang naaalala nya! paanong nangyare ang ganoo?” naguguluhang tanong ni clark sa dalawang doctor
“ngayun pa lamang ako nakaingkwentro ng ganitong case doc…” ani ng doctor na kasama ni doc limmar chipper mas bata ang itchura nito kesa sa una
“bilang lang sa daliri ang ganitong kaso “may nangyare ba sakanya kaya agad na bumalik ang alaala nya sa nakaraan??” tanong ni doc chipper kay clark
nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga saka pinagsalikop ang dalawang palad na waring humuhugot doon ng pwersa upang makayanan ang lahat ng ito “nabagok ang ulo nya sa malambot na carpet hindi naman ganoong katigas pero tingin ko naalog lamang naman ang ulo nya ,i don’t think so kung dahil ngaba doon, hindi ko alam!” hawak hawak ang ulong saad ni clark sa dalawa.
mula sa itaas ay nakikita ni bella kung gaanu na nahihirapan si clark ,kung ganoon ay totoo palang may amnesia sya… na hindi talaga ito nagbibiro…unti unti ay napahawak sya sa magkabilaan nyang sentido saka ipinikit ang dalawang mga mata pilit na inaalala ang mga nangyare kung saan nagsila ang ganitong bangungot sa buhay nya.. napaupo sya sa lapag ng bigla ay may kumislap na alaala sa utak nya!
“Nakaraan!”
“sige na kunin nyu sya!!! sya lamang naman ang kaylangan ni boss ,patayin nyu lahat ng taong makita nyu..” utos ng isang lalaking may stocking sa mukha
mula sa pagkakasiksik sa kama ay bumaling ang paningin ni bella sa pintuan ng banyo… sa banyo kailangan nyang makarating doon upang mailock yun at hindi sya mapasok
“hwag mo ng balakin pang manlaban miss bella ,hindi ka namin sasaktan dahil kaylangan ka ng big boss ko ,kung sasama ka ng maayus walang aberya kaya halika na!!!” ngising saad nito
tinangkang lumapit saakin ng lalaki ngunit dahil nasa kaliwa ko itoy nagawa kong tumakbo patungo sa banyo mabilis na pumasok at agad na inilock ang pintuan, sa likod ng pintuan ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang mukha ni clark… at dumaloy ang masaganang luha mula sa pisngi nya “babe….save me…save me and our baby…” pipi nyang bulong sa hangin habang hinahaplos ang hindi pa kalakihang tyan..
“buksan mo to!!!!! kahit pa magtago ka jan sa loob tingin mo hindi namin masisira ang banyong to” malakas na tinig ng lalaki mula sa labas ng banyo
“hwag please maawa kayu!!!! hwag kunin nyu na lahat ng mga mamahaling bagay na nandyan …please tigilan nyu na ako,,kunin nyu na lahat….” umiiyak na sigaw ni bella ,ilang sandali lamang ay dinig nya ang malakas na tawanan ng mga hayup mula sa labas...