SA LOOB NG WALONG TAON AT SA MGA SUSUNOD PANG TAON, MAHAL KITA
Sinulat ni: Sophia Bianca
“Janelle kababae mong tao ni hindi ka marunong maggawa ng assignment. Daig ka pa ni Jacob!”
Narito ako sa Principal’s office kaharap ng Principal. Narito na naman ako para sa isang punishment.
Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Maam Precy look at me seriously. Kita sa mga mata niya ang galit dahil araw-araw na ako dito sa office. Narito na naman ako, kinukumpara sa isang matalinong si Jacob.
Sana all matalino.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at halos maiyak ako dahil hiyang-hiya ako. I feel so useless at ni walang imik sa harap ni Maam Precy nang biglang dumating si Jacob. Hingal na hingal itong pumasok sa office habang bitbit ang bag niya.
“Maam ang totoo po niyan kaya po wala siyang assignment eh kase po hiniram ko po ang notebook niya kahapon. Atsaka Maam huwag ninyo po siyang ikumpara sa akin kase alam ko po na may ibubuga din si Janelle sa klase,” depensa ni Jacob sa akin. Natahimik naman ako habang si Maam Precy ay napatango-tango.
“Sige pagbibigyan kita ngayon, Janelle. Pero sa susunod na mangyare na naman ito, hindi ka na makakalusot,” mabilis na sagot ni Maam Precy sabay alis.
Naiwan kami ditong dalawa ni Jacob sa office.
“Bakit mo sinabi iyon? Eh kasalanan ko naman talaga eh kase hindi ako gumawa at wala din naman ako maisasagot doon,” lingon ko kay Jacob na nakatingin sa akin.
“Eh baka kase ipatawag na naman ‘yung parents mo tapos pagsasalitaan ka na naman ng masasama at masakit na salita,” sagot niya na nag-aalala.
“Pero dapat hindi ka nagsinungaling para lang sa akin. Baka pamaya mapahamak ka pa tapos ako ang sisihin ng mga magulang mo!” sabat ko.
Umiling-iling siya.
“Handa akong tumanggap ng sermon maipagtanggol ka lang.”
Natahimik na naman ako sa sinabi niya. Nakatingin siya sa labas kaya dinalaw kami pareho ng katahimikan. Hindi na ako sumagot sabay alis, iniwan ko siya mag-isa doon.
Hindi naman ako kagandahang babae at ni hindi matalino.Tamad pa nga eh tapos ang hina pa sa klase. Ewan ko nga ba kung bakit sa dinami-daming magagandang babae sa klase, ako ang napili ni Jacob.
Since we’re Grade 7, nagsimula ng magparamdam si Jacob sa akin. At kahit ngayong magtatapos na kami ng High School, ganun pa rin siya.
Jacob is a person na hindi mawawala ang ngiti sa labi. Medyo chubby siya na matangkad. Isa siya sa mga nabibigyan ng award sa klase kase kahit maingay siya minsan, seryoso naman sa pag-aaral. Palakaibigan siya. Halos lahat ng ka-batch namin close niya. Pati nga mga teacher tuwang tuwa sa kaniya. Ni halos lahat nga atga ng napasok dito sa school namin kilala siya. Ang pagkakaalam kopa, marami humahanga sa kaniya dahil sa ugali niya pero ewan ko ba dito kung bakit nasa akin ang pansin niya.
“Oh, anong tinitingin-tingin mo d’yan?” masungit kong boses sabay taas ng kilay. Seryoso ang tingin niya sa akin habang nasa harap ako. Bitbit niya ang bag niyang mas magaan pa sa isang libro. Tapos na ang klase namin that time tapos nagulat na lang ako bigla niya akong tinitigan.
“Wala lang. Gusto ko lang sabihin na ang ganda mo. Sige mauna na ako,” seryoso niyang boses sabay takbo ng mabilis kasama ang mga kaibigan niya.
‘Yun ang unang araw na naglakas loob siyang kausapin ako. First day namin bilang isang High School student that time. Nung Grade 7 naman kase kami hindi ko siya kinakausap. Siya lang talaga itong makikipag-usap sa akin kahit mukha akong tigre sa sobrang sungit. Honestly siya lang talaga ang nakikipag-usap sa akin lalo na kapag nag-iisa akong tahimik sa klase. I don’t have friends kase.
“Janelle gusto kita.”
Valentine’s Day naman nung umamin siya sa akin. Grade 8 kami noon. Tanda ko pa na ang araw na iyon dahil that time sa akin lang siya nakatingin kahit ang daming mga katulad naming estudyante ang nakapaligid samin. Halos para akong matutunaw noon dahil sa titig niya habang kumakanta siya sa stage. Maganda kase boses niya kaya lagi siyang pinapakanta sa stage kapag may mga mahahalagang events sa school.
“Jacob may boyfriend na ako, si James.”
Kita ko ang mga ngiti niya subalit naging matamlay ang mga mata niya.
“Ayos lang. Ang totoo niyan, I’m happy for you.”
Wala eh, wala naman akong nararamdaman sa kaniya.
Nung sinabi ko sa kaniya na may boyfriend ako, naramdaman kong medyo hindi siya nagparamdam. Siguro ay dahil nirerespeto niya kung sino ‘yung pinili ko.
Akala ko mawawala din naman ‘yung pagtingin niya sa akin but nung tumuntong kami ng Grade 9, nagkamali ako. He still there for me kahit ang sungit ko sa kaniya.
“Bakit si Janelle pa rin pare eh ni hindi ka nga niya pinapansin man lang. Hindi ka ba nagsasawa sa kaniya? Hindi ka ba nahihirapan? Pare you deserve to be loved din naman ah. Manligaw ka na sa iba pare tutulungan ka pa naming!” rinig kong sabi ng kaibigan ni Jacob sa kaniya.
“Ano ba kayo wag nga kayo magsalita ng ganyan. Walang kasalanan si Janelle dahil kusa ko siyang ginusto. Sa susunod huwag na kayo magsasalita ng ganyan ha baka marinig pa ni Janelle,” sagot naman ni Jacob.
Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin at bakit ganito siya, ni magkaibang-magkaiba nga kami eh.
“Para sa babaeng ubod ng sungit, para sayo ‘to. Gusto ko lang sabihin na sobrang mahal kita,” rinig ko mula sa stage. Alam kong si Jacob iyon at ako ang tinutuky niya. Malakas ang ulan, nasa classroom kami maliban laang kay Jacob. Habang lumalakas ang ulan ay dahan-dahang kumanta si Jacob. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin na may gusto sa kaniya.
Hindi ako ayos ng mga oras na iyon dahil nagiging malamig na ang pakikitungo sa akin ng boyfriend kong si James pero nung kumanta si Jacob, gumaan naman ang pakiramdam ko.
Makalipas nga ang isang Linggo, dumating nga ‘yung araw ng first heartbreak ko. Nakipaghiwalay sa akin si James. Akala ko pa naman hindi ako magagawang lokohin ni James pero nagkamali ako.
“I’m breaking up with you.”
Iyak ako ng iyak noon at walang ibang nasa isip kundi si Jacob. Siya ang sinisisi ko dahil iniisip ko na baka kaya nakipaghiwalay sa akin si James ay dahil sa pagpapansin ni Jacob. Walang pagdadalwang-isip nga ay agad kong hinanap si Jacob.
Nadatnan ko siya sa canteen kasama ang mga kaibgan niya. Hiyawan agad ng mga kaibigan niya ang umalingawngaw nung lumapit ako sa kanila. Ito naman ang titig ni Jacob.
“Oh Janelle bakit ka nakasimangot? May problema ba?” agad na tanong ni Jacob.
“Pwede ba tumigil ka na? Kaya siguro nakipag break si James sa akin eh kase sulpot ka ng sulpot sa tabi ko. Kasalanan mo ‘to eh!” sigaw ko sa kaniya.
Nawalan ng reaksyon si Jacob sabay tayo naman ng mga kaibigan niya.
“Huy Janelle grabe ka naman makapagsalita sa Jacob namin. Ikaw na nga tong pinapahalagahan, ikaw pa ‘tong may ganang magsalita ng ganiyan.”
“Nako pare tama na tama na nga ‘ayan. Nag-aaksaya ka lang ng oras eh.”
Iyon ang mga bulong-bulungan sa kaniya ng mga kaibigan niya bago umalis ang mga ito.
Lumapit sa akin si Jacob at humingi ng pasensya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
“Janelle pasensya ka na sa mga kaibigan ko ha. Wag ka makinig sa kanila.”
Naging bulag ako sa katotohanan. Hindi pala talga si Jacob ang dahilan ng aming hiawalayan ni James. Dahil ang totoo, may bago na agad si James, si Patricia. Nanliit tuloy ako sa aking sarili dahil sa isang matalinong babae nahulog si James. Ano nga bang magiging laban ko doon?
Pero dahil sa galit ko, sinugod ko sina James at Patricia na naglalandian sa labas ng gate.
Hindi pa nga ako nakakalapit ay tinulak ako ni James para lang protektahan ang babae niya. Napaupo ako sa daan at ni isa ay walang tumulong.
Nagsitinginan sa akin ang mga ibang estudyante. Ang iba naman ay nagtatawanan. Hindi ko nga napigilang umiyak habang yakap-yakap ang bag ko. Shet!
Akmang aalis na ako nang biglang may sumuntok kay James, si Jacob.
“Anong karapatan mong itulak ang isang babae? Pre ang swerte mo nga eh kase yung taong sinayang mo pinapangarap ko! Buti ka pa nga napansin eh tapos sasayangin mo lang tapos nagagawa mo pang saktan?...