Still Axel
Kaagad ko namang kinuha ang make up kit ko. Nilayan ko ng foundations ang mukha ko, naglagay ng eyelashes, at naglip tint.
Pagkatapos ay agad akong humiga at pumikit na. Because this day makes my body tired.
~~~
Agad akong naalimpungatan dahil may nangungulit sakin. Dinilat ko ang isa kong mata para malaman ko kung sino yung lapastangan na gumigising sakin. My wifey thingy ko pala yun.
“Why?!”. Taka kong tanong ko sa kanya.
“Pupunta daw tayo sa mall’. Maikli nyang tugon.
Agad naman akong bumangon at pumunta sa c.r Lumabas na sya mg kwarto ko at ako naman ay kasalukuyang naliligo na. Tsk!
Andito pa pala ang make up sa mukha ko na nilagay ko kagabi. Agad ko naman itong tinanggal at nagbanlaw na ko.
Natapos na akong maligo kaya agad akong kumuha ng damit sa closet. Agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili saka bumaba.
Naabutan ko sila Mom at yung babaeng yun. Alam ko naman ang pangalan nya kaso mas sanay ako na tawagin sya na ‘babae’ lang.
Agad akong umupo sa tapat ng babaeng ‘to, at kumain na. Mabilis na natapos namin ang pagkain at saka nagpaalam na kami. Andito na kami sa garahe namin. Habang sya mukhang masama ang gising. Bigla namang nag-ring ang cellphone nyang di-pindot.
“Oh, bakit?!”. Tanong nya sa kabilang linya. Tsk! Mainitin ang ulo.
“Bala sya. Gusto nya ng away?! Ako? Hinahamon nya? Sge, sa Lunes. Dun sa field! Sabihin mo sa pangit mong boss abos na yun.” Ganun ba sya magalit?
Nakakatakot naman! Amazona ba ‘to?
“Bessssssssssssss! Hinihintay ka ni fafa Troy sa bago mong school!”. Tili ng nasa kabilang linya. ‘Di nya sinabi na nagtitinda pala yung kaibigan nya ng microphone. Edi sana, binili ko yung isa. Hindi yung nilunok nya lahat. Tsk!
“Boss Abos? Naghihintay? Kala ko mag-aaway kami sa dati kong school? Kala ko ba doon kami magsusuntukan?! Baliw talaga yun.” Sambit naman nitong babae na ‘to. Amazona nga! Naghahamon ng suntukan.
“Bes, huwag mong sasaktan si fafa Troy! Lagot ka sakin! Sa university na yan. Susunod din ako sa inyo.” Sambit nung nasa kabilang linya.
“Talaga,bes?!”. Baliw ata ‘to, kanina galit ngayon talon -talon. Tumili pa, ang ingay nya, promise!
Agad kong tinakpan ang bibig nya at binuhat ko sya na parang sako. Agad ko syang pinasok sa kotse at sinara ang pinto ng pagkalakas- lakas. Agad akong pumasok at pinagana ang makina at nag -drive. Pinatay na nya yung cp nyang bulok at bigla syang nagsalita.
“Galit?”. Tanong nya sakin. Sumulyap lang ako sa kanya at tinarayan ko sya.
“I been waiting for an minute! You’re like a snail. So,slow!”. Sambit ko sa kanya. Ang bagal kasing kumilos saka ang daldal nya.
“Sorry naman! Epal kasi yung mga yun,eh! Susundan daw kasi nila ako!”. Ngiti nitong kwento.
“Kilig ka naman sa fafa Troy mo? *pabebe talk*.
” Tinawanan nya na lang ako at nagsalita.
“I swear, magkakasundo kayo ni Troy!”.
“Don’t make a mess on that school or else, you will receive a punishment”. Mahabang lintaya ko sa kanya.
“Promise! Hindi ako gagawa ng kalokohan. Kunwari lang naman yun,eh! As if na patulan ako ni Troy sa pakikipag- never mind!”. Putol nya na dapat sasabihin nya. But, it’s okay! Never mind also. Wala akong paki sa kanya.
Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami ng mall. Kukunin kasi namin ang pinatahi naming uniform. Pumunta na kami sa patahian at kinuha ang uniform namin at dumiretso kami sa restaurant. Pagkarating namin dun ay agad naman akong umorder.
Napansin ko lang na ang tahimik ng babaeng ‘to.
“Are you okay?”. Panimula ko sa kanya. Ang tahimik kasi,eh!. Bigla na lang syang ngumiti. Sobrang tuwa, parang bata na binigyan mo ng kendi kaya ang saya-saya.
“Hay! kala ko, forever na akong tahimik. Kasi naman ang tahimik. Balak ko pa naman manahimik ng isang linggo kaso sinira mo plano ko.Buti naman pinansin mo ako. Kasi ang pagkaka-alam ko sayo. SNOBBER! oo, snobber ka! Kaya ang tahimik ko,eh! Kasi hindi ka naman sasagot sa mga tanong. Siguradong titingnan mo lang ako. Tapos itutuloy mo ulit yung ginagawa mo. Yung tanong mo kanina, ang sweet mo naman. Ok na ok naman...