MALANDING KUYA


Nasalabas nako ng bahay namin at hinihintay ang pagong kong kuya.
Puputa kasi kami ngayon sa palengke para bumili gulay, manok, isda at kung anu-ano pa.
Narinigkong bumukas ang pinto ng labas namin hudyat na may lalabas na at nakita ko si kuya na grabe ang suot.
“Wow kuya ang panget mo! Nahiya naman sayo ung panget sa gwapo mo mag damit.” Natatawa kong bati sa kaniya.
“Sampalin kita diyan e?” Inis na sabi ni kuya.
“Kapagkalbo anong gagawin? Syempre tago-tago” Ngisi kong sabi ng pabulong.
“Anong sabi mo?” Sarcastic na tanong ni kuya. Umiling lang ako sa kaniya ng naka ngiting aso.
“Tara na.” Seryosong aya sa akin ni kuya.
Hindi naman nagtagal at nakaratingin din kami sa palengke. Napatingin ako kay kuya na halos magdugo na ang labi dahil kagat kagat ito.
Nakasalamin kasi siya kaya hindi ko makita kung wala naba siyang mata.
Paano banaman may mga nakakasalubong kaming mga babae na ang sesexy ng katawan. Napatingin ako sa katawan ko. Nahiya naman ang bilbil ko sa bilbil nila.
Grabe ung damit, kita pusod. Ito namang isang ‘to mukang nag eenjoy sa view ng paligid.
Nakarating kami sa isang tindahan ng gulay. “Jailo?” Napatingin ako sa lalaking tumawag kay kuya.
Opsss… nag slow…
Goshhh! PATAYIN ako ngayon na! Ang gwapo!
“Red?” Si kuya. Dahan dahan niya pang tinangal ang salamin niya naparang sa mga palabas sa TV. “Ikaw bayan?” Tanong ni kuya ng naka ngising aso.
Hindi si blue siya.
“Long time no sea.” Nag apir pa ang dalawa.
“Kuya see not sea.” Pagtatama ko.
Inis na tinignan ako ni kuya tsaka inirapan. Nag piece naman ako sa kaniya.
Oo kuya bakla ka alam ko kaya wag mong ipaglandakan.
“Kapatid mo? Ang cute.” Naka ngiting sabi ni red.
Opsss…. slow motion nanaman!
“‘Yan cute? Mukang chanak nga.” Natatawang sabi ni kuya habang tumitingin ng gulay. Kumuha ako ng talong sabay hampas sa ulo niya. “Aray!” Kumuha rin si kuya ng talong para hampasin ako.
Napatakip nalang ako sa muka ko. Masakit ‘to!
“Hi jailo?” Boses ng babae.
Ganon parin ang position ko ng wala akong maramdamang tumama sa aking talong ni kuya red. Wehehehehe talong-talong.
“H-hi S-shane.” Si kuya.
“Kaylan kapa na utal kuy─” Inis nanaman akong tinignan ni kuya. Kaya manahimik nalang ako.
“Hi? Ang cute mo naman. Ang cute ng kapatid mo jailo.” Hinawakan pa niya ang buhok ko at hinimashimas.
“Oo cute ‘yan pero na ngangagat ‘yan kaya wag mong hawakan.” Muka namang nag taka ang babae at medyo natakot.
“Wag kang maniwala sa ulol na aso na ‘yan ate. Sige hawakan mona ulit buhok ko.” Ani ko ng naka ngiti. Hinawakan naman niya uli tsaka pinisil pa ang pisgi ko.
Nakita kong nainis nanaman si kuya. Lumapit sa akin si kuya at hinila ako medyo palayo kanila red and jailo.
“Kilala mo pala sila?” Tanong ko pero hindi ako sinagot ni kuya.
“Ano kaba? Wag ka ngang manira ng...


araw. Humanap ka ng mag kakabalahan mo, wag ngayon.” Seryosong ani kuya. Tumango ako.
“Crush mo?” Tanong ko ng naka ngisi. Akala in mo si kuya may crush.
“Asawa ko ‘yan.” Kinilig pa si kuya hindi lang halata pero alam kong kinilig kasi nag bit ng lips e.
Bumalik kami ni kuya sa kanila.
Gaya nga ng sabi ni kuya naghanap ako ng pagkakaabalahan ko. Si red!
“Ano palang bibilhin niyo? Mukang hindi na mabili kasi busy na ang kuya mo.” Nginuso niya sila kuya. Napatingin ako sa kanila at kilig na kilig ang babae.
“Friends mo si kuya?” Tumango siya.
“Yes, actually childhood friend ko ‘yan kaso lumipat kami sa kabilang barangay kaya mensan lang kami magkita but alam ng kuya mo na nagtitinda ako dito.” Nakangiti niyang sabi.
Enebe! Tayangalin ko ‘yang ngipin mo! Kinikilig ako!
“Ang ganda mo kaya para kang rosas na namumukadkad.” Si kuya. Nakita kong natawa ang babae na may halong kilig.
“Ano kaba hindi naman.” Medyo may pagkalandi ang boses ni ate ng sabihin niya un. Like ene kebe hende nemen.
“Laos!” Parinig ko. “May sinasabi ka Zam zam?” Tanong ni kuya na umiling lang ako.
“Alam mo red? Ikaw ang red ng buhay ko tapos ako ang blue ng buhay mo kaya bagay na bagay tayo.” Banat ko kahit corny.
Nakita kong nabigla siya but naka smile parin.
“Ayieeeee.” Boses ni ate na akala mo siya ung sinabihan dahil maskilig na kilig siya.
“Corny.” Si kuya
“KJ!” Ako.
“May gagawin kaba sa Sunday?” Tanong ni kuya. “Wala bakit?” Si ate. “Yayain sana kita na… ahmmmm…. mag date?” Nakita kong kinilig nanaman si ate.
“S-sige wala naman akong gagawin ng araw na un.” Tumahimik sila parihas.
“Nako mukang nag kayayaan na ang dalawa.” Sabi ni red na nakatingin din sa kanila ng naka ngiti.
“Saan mo gustong pumunta?” Tanong ni kuya. “Kahit saan basta ikaw bahala.” Napatakip pa ang babae sa pisngi niya dahil na mumula na ito.
“Sige basta ika─” pinutol ko agad si kuya.
“Sa hotel daw.” Singit ko. “Zam?!” Si kuya. Nag pout ako.
“Alam mo kuya? Ang landi mo rin no?” Pag susungit ko. Narinig kong natawa si red.
“Ikaw red saan mo gustong pumunta? Free din ako sa sunday but if you don’t like sunday then mag monday tayo and if you don’t like monday then mag tuesday tayo? Problema ‘bayon?” Seryosong sabi ko. Nakita kong natawa siya.
Bakit? Totoo naman ah?
“Manahimik ka! Malanding batang ‘to.” Si kuya na lumapit na saamin kasama si ate na nakapulot sa braso niya.
Wow! Bilis ni ate.
“Ikaw ang malandi. Malanding kuya!”Sabi ko na natawa naman ang dalawa. “Ang cute niyong magkapatid.” Si shane. “Sinabi mo pa.” Si red.
“Anong cute? Kung may cute dito ako lang un. ‘Yan? Asong ulol sa kanto ‘yan. Tsaka malandi ‘yan!” Tinuro kopa si kuya.
“Malanding kuya.” Pagsusungit ko.
“Slight lang.” Nakangising sabi ni kuya na ikinatawa ng dalawa.
Sh*tngnamers!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top