MAMA HINDI KO PO SINASADYA”
By: Ken Anderson
[BASAHING MABUTI]
***********************
“Anak bantayan mo muna si Bunso– may itatanong lang ako do’n sa ibang pasahero,” tumango lamang ako sa sinabi ni mama.
Hinawakan ko si bunso na naka-upo sa maliit na upuan niton barkong papadaong na. . . Malapit na kami sa destinasyon namin ilang dipa nalang hihinto na ang barko sa daungan.
Naglakad na si mama palayo at hinawakan ko naman ang kyut na kamay ni bunso.
Nasa Gilid kami nitong barko kung saan parang may mga Upuan.
“Hmm!” Taka kong nilingon si Kelly pangalan ng bunso namin Pa-2 years old palang siya at hindi masyadong nakakakapagsalita.
“Ano yun Kelly?”
“Uhhmm!!” usal niya at saka may itinuro. Tiningnan ko naman ang itinuro niya at isa yung bilihan ng mga makakain.
“Nagugutom kaba, Kelly?” Tanong ko pero tinuro-turo parin niya yun kaya naman lumuhod ako sa harap niya.
“Kelly?” Tumingin siya sa’kin. “Huwag kang aalis dito ah bibili lang si ate no’ng itinuturo mo ah– diyan kalang huwag na huwag kang aalis Okay?” Ngumiti siya sa’kin at tumango-tango ng maraming beses.
Tumayo ako at agad na nagpuntaha sa bilihang itinuturo ni Kelly– binili ko kung ano yung tinuturo niya salamat nalang at may pera pa ako rito.
Habang nag-aantay na i-abot sa’kin yung sukli bigla nalang umuga ang barko– mukhang nakarating na kami.
Pero hindi nagtagal biglang umugong ang sigawan ng mga tao.
“Ang bata!!”
“Tulungan niyo yung bata nahulog baka malunod!”
“Hala ang taas nitong barko yung bata!” Rinig kong sigawan ng mga pasahero. . . Umakyat ang kaba sa dibdib ko at napalingon sa kinaroroonan ni Kelly pero wala na siya do’n.
Nang maibigay ang sukli ay agad akong tumakbo papunta sa kinau-upuan namin kanina pero wala na talaga si Kelly.
“I-Ija?” Napalingon ako sa isang matandang babae.
“Kapatid mo ba ang batang nandiyan kanina?” Napatango naman ako.
“Iha– nakita ko ang kapatid mo tumakbo do’n hindi ko lang pinansin dahil akala ko nando’n ang nanay niya,”
Tiningnan ko ang itinuro niya at halos manlaki ang mata ko nang makita ang kumpulan ng taong naroon. Hindi na ako nakapag pasalamat pa sakanya at agad na tumakbo sa mga tao at nakipagsiksikan.
Nang tuluyan na akong napunta sa unahan– do’n ako biglang nanghina at halos hindi makagalaw.
“Kawawa yung bata imbes na maka-uwi nang ligtas nauwi sa trahedya,”
“Wala na ‘di na maliligtas ang batang ‘yan.”
Hindi ko na napakinggan ang ibang bulungan at nagtatakbo nalang agad pababa sa barko.
Wala akong pakealam kung may mabangga ako o ano. Ang importante sa’kin mapuntahan si Kelly.
Nang makababa sa Barko’y halos himatayin ako– si Kelly karga-karga siya ng isang lalaki at pa-ahon na sila.
Tumakbo ako palapit sa kanila at iling-iling naman akong tiningnan ng lalaki.
“P-Pasensya na pero wala na siya, Miss,” nanlulumong ani niya.
“H-Hindi-Hindi yan Totoo!” Sigaw ko at...