Written and narrated by: Tim
Nahuli ni Fred si Lucy na kasama ang kanyang kababata at kumpare sa isang shopping mall, laking gulat ng dalawa ng makita sila ni fred na asaw ni lucy. Totoo nga ang hinala ni Fred na may relasyon si lucy at ng kumpareng si Robert. Hindi na nakapag timpi si Fred at bigla na lang sinuntok si roberto habang si lucy naman ay akmang aawat, ngunit sinabihan siya ng kanyang aswa na wag makikialam. Inundayan pa ng suntok sa sikmura ni fred si robert habang sinasabi ang katagang “ bakit mo nagawa sakin to robert tinuring kitang parang kapatid” habang walang salitang lumalabas kay robert ay patuloy parin itong pinag susuntok ni frend. Naawat lang ang dalawa ng may dumating ng mga gwardiya ng naturang mall.
Bago ang pang yayari, masayang nag sama ang bagong kasal na si fred at lucy, 3 taon narin silang mag kasintahan at napag desisyunan na nilang mag karoon ng isang simpleng pamilya. Si robert ay ang kababata ni fred sa kanilang lugar, mga bata pa lang sila ay mag kakakilala na ang kanilang mga pamilya. Kaya parang mag kapatid na ang turingan nilang dalawa.
Ngunit isang maling relasyon lang pala ang tatapos ng kanilang pinag samahan, naging malapit si lucy at robert sa isat isa, lagi itong dumadalaw sa bahay nila fred na kanyang kababata. Hindi naman ito binibigyan ng malisya ni fred kahit maraming nag sasabi na kahti wala siya ay laging nag pupunta si robert sa kanilang bahay. Bagaman wala pang anak si Fred at lucy ay sumusubok na ito upang matawag silang isa ng pamilya.
Isang araw, nang papauwi si fred galing trabaho, nakita nya ang kotse ni robert na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Nag tataja siya bakit alas 10 na ng gabi ay naroon siya sa kanilang bahay. Pag kapasok nya ay walang tao sa sala. Narinig naman niya na bukas ang gripo ng kanilang banyo. Mayroon gumugulo sa kanyang isipan ngunit pilit niya itong inaalis upang hindi makapg isip ng kung ano anong bagay.
Pero nag lakas siya ng loob na buksan ang pinto ng banyo, agad naman tumambad sa kanyang harapan si robert na naliligo, nilingon lingon niya ang kanyang mata ngunit tanging si robert lamang ang nakita nya sa loob ng banyo. At tinanong niya na kung anong ginagawa nya sa ganitong oras ng gabi. Sagot na lamang ni robert na nakiligo lang siya dahil kanina pa siyang amoy araw. Agad naman lumabas si lucy galing kwarto dala dala ang twalyang ibibigay sana kay robert.
Nag katinginan ang dalawang mag asawa pati na si robert, kinuha na lamang ito ni robert at nag madaling mag bihis. Umalis narin si robert ng mga sandaling iyon, at nag paalam narin kay fred na uuwi at sa susunod na lang mag inuman.
Kinabukasan, hindi mawala sa isip ni fred ang kanyang nakita, maraming nag lalaro sa kanyang isipan ang unti unting nabubuo, tulad ng mga tsimis ng kanilang kapitbahay na laging nasa bahay nila si robert at tanging si lucy lang ang kasama. Maya maya pa ay nag paalam itong si lucy na mag gogrocery nag tanong naman si fred na kung sino ang kasama, nag taka naman si lucy sa tanong ni fred.
Tumango na lang si fred kay lucy at umalis na ang asawa, hindi mapakali si fred sa kanyang nararamdaman, na ang kanyang hinala ay totoo. Palagi rin kasing may ka chat sa cellphone itong si lucy at minsan niya na itong nahuling nag good night kay robert na may heart emoticons pa. ngunit ang paliwanag na lang ni lucy sakanya noon ay bilang pag papasalamat lang daw sa tulong na ginawa ni robert sa pag sama sa kanya sa bilihan ng mga halaman.
Hindi na nag patumpik tumpik pa si fred at nais nitong sundan si lucy, dala ang kanyang sasakyan at pumunta ito sa mall kung saan mag gogrocery si lucy. Ngunit pag kaliko niya ay nakita niya ang kotse ni robert sa kabilang kalye at may sumakay na isang babae. Pero hindi niya ito makilala kung ito ba ay ang asawa niyang si lucy o ibang babae.
Sinundan ni fred ang sasakyan ni Robert, mejo malayo sa kanilang bahay ang mall na kanilang pinuntahan. Nang makapg park si robert ay hindi na sumunod pa si fred at sa kabilang parking siya nag punta. Hindi na niya nakita pa si robert at ang babaeng kasama. Pumasok na lamang si fred sa mall para hanapin si robert at matukoy kung sino ang kasama niyang babae.
2 oras na siyang nag iikot ngunit hindi na niya nakita si robert, nawawalan na siyang pag asa kung ano ang kanyang hinahanap na sagot sa kanyang katanungan. Napatingin na lang siya sa kisame ng mall, at napansin ang bagong palabas sa sinehan. Agad pumasok sa isip niya na pumunta doon, tinignan niya kung anong oras matatapos ng bawat palabas sa sinehan. Upang abangan si robert at ang kasama nito.
Dalawang palabas na ang natapos ngunit hingi niya nakita sila robert, maya maya pa ay bumaba na ito ng 2nd floor upang umuwi na. sa kabilang banda lumabas si robert at ang kasama nitong babae sa sinehan. At dumiretso ito sa isang department store, maya maya habang nakatingin sa malayo si fred ay nakita niyang nag lalakad si robert at ang kasama nitong babae papunta sa kanyang direksyon.
Nang makita niya ng malapitan ang babae, ay pinag pawisan niya ng malmig at tila nag halo ang galit at inis sa kanyang nakita. Si robert ay nakaakbay sa asawa niyang si lucy, at naka hawak naman si lucy sa bewang ni robert na kung titignan ay parang mag asawa. Nakatayo lang si fred habang papalapit si robert at lucy na mag kaakbay maya maya pa ay
laking gulat ng dalawa ng makita sila ni fred na asaw ni lucy. Totoo nga ang hinala ni Fred na may relasyon si lucy at ng kumpareng si Robert. Hindi na nakapag timpi si Fred at bigla na lang sinuntok si roberto habang si lucy naman ay akmang aawat, ngunit sinabihan siya ng kanyang aswa na wag makikialam. Inundayan pa ng suntok sa sikmura ni fred si robert habang sinasabi ang katagang “ bakit mo nagawa sakin to robert tinuring kitang parang kapatid” habang walang salitang lumalabas kay robert ay patuloy parin itong pinag susuntok ni frend. Naawat lang ang dalawa ng may dumating ng mga gwardiya ng naturang mall.
Hinatak ni fred si lucy at umuwi ng bahay, pag kadating nito sa kanila ay agad na ibinalot ni fred ang mga damit ni lucy. Labis ang pag hingi ni lucy ng tawad ngunit parang manhid na si fred, sa kanyang mga nakita. Kinaladkad ni fred si lucy palabas ng bahay habang nag titinginan ang mga tismosa sa labas. Makalipas ang 3 buwan ay labis parin ang nararamdamang...