Maritos


Maritos”
📖✍️:Viance armania
“Teh, Alam mo ba na I saw Irish walking in the street kasama yung boyfriend niya, ‘di naman sa paglalait ah, ang pangit nong guy,” panglalait ng boyfried ko.
Hindi ko alam kung sino yung bakla sa amin kasi kung makalait ito parang bakla, e.
“Ito pa, b*tch, atin-atin lang ‘to ah, yung kapitbahay natin si Grace ayon nabuntis ng labing limang taong gulang, diba 20 years old na si Grace? Jusko,” bulong nito sa akin
Di ko alam kung matatawa o magagalit ako, grabe na ‘tong si Kirk araw-araw nalang may ichichismis at ilalait. I will not tolerate that kind of attitude noe. I said to him that he should mind his own business, ang sabi niya lang, business niya raw ang pagchichismis at panglalait, masusuntok ko na talaga ‘to.
“Ikaw ah, dahan-dahan naman sa pag chichismis mare, kasi kahapon nakita na kita sa ibang baryo nakikichismis. It’s not good, baby,” pagsesermon ko.
“Eh ano naman! Chariz! Oo na! Lagi mo nalang ako sinesermonan tapos ayaw mo’kong lambingin gabi-gabi,” sabi nito na nagmamakaawa na patawarin siya.
Binuksan...


ko ang pintuan dahil may kumatok, nakita ko ang mga tanod sa labas.
“Ikaw po ba si Kirk Santos? May nagreklamo kasi sa kanya dahil daw gumagawa siya ng kwento na nabuntis daw si Grace ng limang taong gulang,” sabi ng isang tanod sa‘kin.
“Kirk! Ayan ‘yung sinasabi ko sayo! Sumama ka sa kanila! Pag ikaw kinasohan at pinagbayad ng pera wag na wag kang pupunta sa bahay ah! Sumama ka, bilis!” galit na sabi ko habang naka taas yung isa kong kilay.
Ilang oras ay nakauwi na si Kirk.
“B-baby, S-sorry na, nangako ako kay Grace na hindi na ako magchichismis. Promise, hindi niya ako pinagbayad at kinasohan, kaya ‘wag kana magalit, please,” pagmamakaawa nito habang nag puppy eyes.
“Osige, tuparin mo ‘yong pangako mo kay Grace ah, sige maghugas kana d’yan at magluto”
“Ha!”
“Bakit may problema? Gusto mo bang sa labas matulog?”
“Sabi ko, ha oo, meron pang kasunod ‘yan, mare,” pagsisinungaling nito at nagsimula na itong maghugas.
Pati lalaki rin pala nakikichismis na, dahil sa pangyayari na ‘yon, tinatawag ko na yung jowa ko ng Maritos.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top