Marriage Contact Chapter 8


Almira
Tyron told me everything tungkol kay Kirsten yung babaeng sumugod sa unit.
Grabe may mga babae talagang obsessed sa pag-ibig yung gagawin ang lahat kahit pa makapanakit ng kapwa.
Naalala ko nga ng iwan ako ng gagong ama ni baby Chloe hindi ko na pinag siksikan ang sarili ko sa kanya kaya hinding hindi ako gagaya sa Kirsten na yun kung ayaw na eh di ayaw na hindi ako parang aso na hahabol kahit ayaw na.
” Almira sorry ”
” For what Tyron? ”
” Sa ginawa ni Kirsten kanina huwag kang mag-alala hindi ko hahayaang saktan ka ng babaeng yun handa akong ipagtanggol ka ”
” Mie what’s wrong? ” Biglang tanong ni baby Chloe.
” Baby Chloe why you go out to your room? ” Tanong ko.
” I heard shouting and fighting kaya po lumabas ako ”
” Baby Chloe don’t worry wala lang yun okay? ” Kalmadong saad ni Tyron.
” Its nothing baby ” dagdag ko.
” Baby Chloe magbihis ka ”
” Why po? ”
” Mommy you and i going to park today ”
” Wala po kayong work? ”
” Baby Chloe walang work today si Daddy Tyron mo kaya lalabas tayo ”
” Yehey! ” Naka ngiting sigaw ni baby Chloe.
” Alam ko busy ka sa work mo pero nagawa mo pa ring pasayahin si baby Chloe salamat Tyron ”
” Magbihis ka na rin ”
” Aayusin ko lang yung mga pagkain ”
” Ako na bahala Almira samahan mo na si Baby Chloe sa kwarto ”
” Okay Tyron ”
Nagpunta na ako ng kwarto para tulungan si Baby Chloe na magpalit ng damit.
” Baby Chloe you look very happy? ”
” Yes mie i’m excited na sa lakad natin today with daddy Tyron ”
” Magbihis ka na baby ”
” Okay po mie ”
Ibinigay ko na kay baby Chloe yung damit na gagamitin niya at ako naman nagpalit na rin ng damit simple lang suot ko pink dress tapos naglagay ng kaunting lipstick at makeup.
” Wow mie you look pretty today i think daddy will like it po ”
” Thanks baby Chloe ”
Paglabas namin ng kwarto napatulala si Tyron ng makita ako.
” What’s wrong Tyron? ” Tanong ko.
” You look pretty today Almira bagay na bagay sa’yo ang damit na yan ”
” Thanks Tyron ”
” Yiee si mie kinikilig ” naka ngiting saad ni Belle baby Chloe.
” Baby Chloe talaga oh ”
” Daddy Tyron pretty po ba si mie? ”
” Yes baby Chloe your mie napaka ganda today ”
” Daddy kiss mo si mie ”
” Baby Chloe! ”
” Sige na Almira pagbigyan mo na ang bata ”
” Fine! ”
Nilapit ni Tyron yung mukha niya sa mukha ko sabay halik sa lips napapikit na lamang ako sa halik na ginawa niya.
” Ang bait sweet naman ninyo mie at daddy Tyron” sigaw ni baby Chloe.
” Let’s go na Baby Chloe ”
Kinuha ko na yung mga pagkain na nasa malaking paper bag saka sabay sabay na kaming umalis tatlo sa condo unit.
” Daddy where we going po ba? ”
” Basta baby Chloe ”
Sumakay na kami sa kotse ni Tyron tapos pinaandar niya ito.
Huminto ang kotse sa Luneta park maraming tao ngayon kahit Monday.
Ipinarada na ni Tyron yung kotse saka kami bumaba.
Naupo kami malapit sa dancing fountain nilatag ko na yung sapin sa damuhan saka isa isang nilapag yung mga dalang pagkain namin na bigay ng mommy ni Tyron.
” Mie can i play? ”
” Sure Baby Chloe pero huwag kang lalayo ”
” Okay po mie ”
” Tyron i know busy kang tao salamat sa time mo with Baby Chloe alam ko na kahit hindi mo siya anak you treat her like your own daughter ”
” She’s cute and adorable kaya napalapit na loob ko kay baby Chloe huwag kang mag-alala kahit matapos na ang contact mananatili pa rin akong daddy ni niya at ako ang pupuno sa pagkukulang ng ama niya ”
” Salamat Tyron ”
” By the way if ever na bumalik ang ama ni baby Chloe sa buhay ninyo tatanggapin mo pa ba? ”
” Alam kung babalik man siya never na kinaya naman namin na wala siya sa buhay namin kung may balak siya sana noon pa ako ang nagpakahirap para lang mapalaki ang anak ko wala na siyang puwang sa buhay naming dalawa ”
” Ang mag mahal may balak ka pa ba? ”
” Wala na akong balak pang magmahal ang mahalaga sa akin ngayon mapalaki ko ng maayos ang anak ko oh nagugutom ka na ba ”
” Medyo ”
” Ipaghahanda kita ng makakain ano ba gusto mo menudo o kare kare? ”
” Yung menudo na lang ”
” Okay Tyron ”
Kinuha ko yung plato sa basket tapos sumandok ng kanin at ng menudo na luto ng mommy ni Tyron.
” Kumain ka na Tyron ”
” Ikaw hindi ka ba kakain? ”
” Busog pa ako ”
” Si baby Chloe pakainin mo na baka nagugutom na ”
” Baby Chloe ”
” Yes mie? ”
” Tama muna ang laro kakain na ”
” Okay mie ”
Inihanda ko na ang plato at nilagyan ng kaunting kanin at ulam.
” Baby Chloe kain ka lang ng kain ”
” Mie kayo po? ”
” I’m not hungry pa Baby Chloe later na lang siguro ”
” Are you sure Almira na hindi ka pa gutom? ”
” Yeah Tyron hindi pa ako masyadong gutom ang dami kong nakain kanina ”
” Mie…. ”
” Yes baby? ”
” Can i eat ice cream mamaya po? ”
” Sure Baby Chloe sasamahan ka ni daddy na bumili ng ice cream ”
” Okay po Daddy ”
Pagkatapos kumain ni baby Chloe niyaya niya si Tyron na bumili ng ice cream malapit sa park bale ako ang naiwan sa pwesto paea bantayan yung mga dala namin.
Nakabalik agad sila Baby Chloe at Tyron na may dalang ice cream.
” Almira i bought you chocolate ice cream sabi kasi ni baby Chloe gustong...


gusto mo ang flavor na yan ”
” Thanks Tyron ”
Agad kong kinuha yung baso na may lamang chocolate ice cream na paborito kong flavor.
” Mie masarap po ba? ”
” Yes baby Chloe masarap ”
” Daddy and i buy that for you po mommy ”
” Thanks Baby Chloe ”
” Mie and daddy can i play po ulit? ”
” Okay baby Chloe basta don’t go far and don’t talk to strangers ”
” Okay po mie ”
” Almira siya nga pala tommorow pupunta yung kakilala kong fashion designer susukatin ka para sa gagamitin mong wedding gown tapos may pupuntahan din tayong restaurant para sa food tasting tsaka may nakausap din ako na wedding planner na magaayos ng lahat sa kasal natin next month ”
” Medyo stressfull daw ang wedding preparations ”
” Don’t worry kaya nga may wedding planner akong kinuha ng hindi ka ma-stress sa wedding preparation tsaka sino sino ba ang iimbitahan mo sa kasal natin? ”
” Yung pinsan ko tsaka yung tita ko lang ”
” Yun lang wala na bang ibang invited? ”
” Wala na akong ibang family si insan at yung mama na lang niya ”
” Your mom at dad ”
” My mom patay na yung tatay ko naman i don’t know kung nasaan na siya iniwan niya kami when i was young ”
” Nakakalungkot naman yang kwento mo ”
” Huwag kang mag-alala Tyron okay na okay ako ”
” Basta tandaan mo nandito lang ako Almira kahit matapos pa yung contact i’ll be by your side ”
” S-salamat Tyron ”
Kirsten
I can’t believe this kaya akong saktan ni Tyron dahil lang sa hitad na Almira na yan.
Hindi ako basta susuko i will do everything masira lang ang relasyon nilang dalawa lalo pa at hindi pa sila kasal isa pa tutulungan naman ako ng ate ni Tyron na mapaghiwalay silang dalawa.
Paalis na sana kami ng ate ni Tyron ng makita naming sumakay si Tyron kasama si Almira at yung anak niya naisipan namin na sundan si Tyron hanggang sa naabutan namin sila sa Luneta park namakainis sobrang saya nila they look like a happy family siyempre hindi ako papayag na masaya sila at ako malungkot.
” Mauna ka na umalis ”
” Bakit kirsten? ”
” Basta may plano ako ”
” Anong plano? ”
” Basta ako na bahala mauna ka na ”
” Kung ano man yang plano mo magiingat ka ”
” Okay ”
Nauna ng umalis ang ate ni Tyron habang ako naiwan para isagawa ang maitim kong balak.
Nagsuot ako ng face mask bumili ng maraming lobo tapos unti unti akong lumapit sa anak ni Almira.
” Hey kiddo ”
” H-hello po ”
” May balloons ako ”
” I want one ”
” Marami pa ako sama ka sa akin? ”
” Mie said don’t talk to strangers ”
” Don’t worry mabait naman ako saka babalik din naman tayo agad ”
” Sige po ”
Hinawakan ko ang mga kamay ng anak ni Almira naglakad kami papalayo sa park.
” Where we going po ”
” Basta ”
Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makalayo na kami sa park.
Huminto kami ng bata sa isang establishment.
” Where na po tayo ”
” Baby just stay there may kukunin lang ako ”
” Okay po ”
Iniwan kong magisa ang anak ni Almira sa tapat ng isang establishment at saka nagtago na.
Napaka ganda ng idea ko i’m sure mababaliw yang si Almira kakahanap sa anak niya.
Nagulat na lamang ako ng biglang may dumating na itim na van at biglang tinangay ang anak ni Almira.
Tignan mo nga naman ummayon ang tadhana sa plano ko now hinding hindi na mahahanap ni Almira ang anak niya at magagawa ko ng ahasin si Tyron sa hitad na babaeng yun.
Nang makaaalis na yung itim na Van lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
Agad kong tinawagan ang kapatid ni Tyron para magpasundo.
” Oh Kirsten mukhang masaya ka yata ano nagtagumpay ka ba sa plano mo? ”
” Yeah ”
” So tell me anong ginawa mo huh? ”
” Nagpanggap akong tindera ng lobo tapos lumapit ako sa anak ni Almira hinila ko siya papalayo sa park ”
” Oh tapos? ”
Iniwan ko siya dito at nagtago tapos may biglang dumating na itim na van saka kinuha yung bata.
” What pinadukot mo yung bata Kirsten?! ”
” No! Hindi ko ginawa yun ”
” Eh sino yung tumangay sa bata? ”
” Hindi ko alam baka sindikato na kumukuha ng bata for organs basta ang mahalaga mapapasaakin na si Tyron oh huwag na huwag kang magsasalita ”
” I’ll keep my mouth shut tayong dalawa lang ang nakakaalam ”
Tyron
” Tyron nakita mo ba si Baby Chloe? ”
” What’s wrong? ”
” Kanina lang nariyan siya ngayon she’s gone ”
” Baka nariyan lang ”
” Hinanap ko na ”
” Hanapin natin ”
Tumayo ako at sinamahan si Almira na hanapin si Baby Chloe bakas sa mukha ni Almira ang pag-aala maging ako ay nag-aalala na.
Nagtanong tanong kami sa mga nasa park ngunit hindi nila makita.
” Nakita mo na ba Tyron ”
” Wala eh ”
Maya maya pa may lumapit na babae sa amin.
” Hinahanap ninyo ba yung anak ninyo? ”
” Yes nakita mo ba? ”
” May bata akong nakita kanina May kasamang babae na naka mask tapos… ”
” Nasaan na? ” Alalang tanong ni Almira
” Nakita ko papalayo sa park ”
Naglakad lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa isang establishment.
” Miss may bata ba kayong nakita? ”
” Wala miss eh ”
” Tyron si Baby Chloe nagaalala na talaga ako ”
” Mahahanap din natin si Baby Chloe ”
Nagtanong tanong kami sa mga tao malapit sa establishments ngunit wala silang nakitang bata.
Naisipan namin na ipa review yung cctv footage sa tapat ng isang kainan.
Kitang kita sa footage si Baby Chloe iniwanan ng isang babae at biglang tinangay ng itim na van.
” Baby Chloe! ” Malakas na sigaw ni Almira sabay nawalan ng malay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top