Marriage Contract Epilogue


Almira
” Wait, ready ka na ba Almira? Yung boquet nasaan na? Yung make-up mo ayusin mo na ano ba kinakabahan ako sa’yo eh! ”
” Insan naman relaxed ka lang pwede ba? ”
Nakakatawa talaga si Insan ako ang ikakasal dito pero siya yung natataranta at kinakabahan daig pa niya ako.
Ngayon ang araw na pinakahihintay ko ang araw ng kasal namin ni Tyron. Akalain mo yun sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Sinong magaakala na ang kunwarian mauuwi sa totohanan.
” Ate Almira yung boquet mo naiwan mo sa kusina kinuha ko na ” saad ni judy sabay abot nito sa akin.
” Hoy Almira halika nga dito bilis ” natatarantang saad ng ate ni Tyron.
Yes okay na kami ng Ate ni Tyron at tanggap na tanggap na niya ako bilang soon to be wife niya. Yung mga nagawa niya sa akin noon wala na yun napatawad ko na siya.
Agad akong lumapit sa ate ni Tyron inayos niya ang zipper ng gown ko. This gown ay ako ang pumili siyempre with the help ng aking pinsan si judy at ate ni Tyron.
” The bridal car is coming na po ” sigaw ng staff ng photoshoot company na in-charge sa wedding namin.
Agad na akong tumayo at naglakad na palabas ng condo unit. Habang naglalakad ako panay kuha ng litrato ang photographer may mga media rin na kumuha ng video ko habang papalakad patungo sa bridal car.
” Mauuna na kami ni Judy sa simbahan ”
” Okay ate ”
Nauna ng nagtungo si Judy at ate ni Tyron sa simbahan habang ako at ang pinsan ko sumakay na sa bridal car.
” Hi Almira ”
” Kristof anong ginagawa mo dito bakit wala ka pa sa simbahan? ”
” Nakalimutan mo na ba Almira i’m your driver for today’s big event ”
” May hinire na driver si Tyron ah? ”
” Balita ko nagkasakit yung driver eh kanina lang nalaman kaya i insist na maging driver ng bridal car ”
” Naabala ka pa kristof ”
” Wala yun Almira basta para sa’yo ”
” Alam mo Almira kung nabubuhay man ngayon si tita i’m sure tuwang-tuwa yun dahil ang unica hija niya ikakasal na ”
” Kagabi nga napanaginipan ko si mama she’s happy for me ” naluluha kong sabi.
” Oh yung luha mo pigilan mo baka humulas yung make up mo sige ka ”
” Ikaw naman kasi napaka drama mo ”
” Ako pa talaga ah! Seryoso isan masaya ako para sa inyo ni Tyron sa dinami-rami ng problemang pinagdadaanan ninyo nalagpasan ninyo ”
” Siyempre nagtulungan kami ni Tyron na makayanan lahat ng problema ”
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa dami ng mga pinagdaan namin mula sa mommy ni Tyron ate niya kay Vince lalo na sa hitad na si Kirsten nalagpasan namin ng magkasama at ngayon road to forever na kaming dalawa.
Habang papalapit sa simbahan mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko as in sobrang bilis mga 5 times per second ang tibok.
” Para yatang aatakihin ako sa sobrang kaba ”
” Naku insan pigilan mo yan mahirap na baka imbes na sa simbahan eh sa hospital ang punta ko ganito para mawala ang kaba mo inhale exhale inhale exhale ”
Sinunod ko ang mga sinabi ng pinsan ko nag inhale exhale ako ng apat na beses hanggang sa mawala ang kaba na nararamdaman ko kanina pa.
Huminto na ang bridal car sa tapat ng simbahan dahan dahan akong bumaba ng kotse habang si insan inaalalayan yung mahaba kong wedding gown.
” The bride is here ” sigaw ng wedding coordinator.
Isa isa na akong kinukunan ng pictures ng photographer sa iba’t ibang anggulo yung mga media naman panay kuha ng video.
Bumukas na ang pinto ng simbahan at marahang naglakad napaka ganda ng loob ng simbahan tadtad ito ng mga bulaklak ng cherry blossom na galing pa sa bansang Japan may mga pink ribbon din kada upuan. Nagtinginan ang mga bisita sa loob ng simbahan sa akin habang naglalakad patungo sa altar. Sa di kalayuan tanaw na tanaw ko si Tyron ang gwapo at ang hot niya sa suot niyang suit kinikilig talaga ako.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I’m afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow
One step closer
Eto na kaunti na lang malapit lapit na ako lahat ng bisita naglabas ng camera para kumuha ng litrato ko.
I have died everyday, waiting for you
Darling, don’t be afraid, I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more.
Yung kaba ko mas lumala pa at yung tibok ng puso ko ang lakas ng kabog.
Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything, take away
What’s standing in front of me
Every breath, every hour has come to this
One step closer
Kitang kita ko na ang mga saya sa mukha ni Tyron maging ang mga magulang niya sobrang saya rin.
I have died everyday, waiting for you
Darling, don’t be afraid, I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
Kaunti na lang nasa altar na ako agad na lumapit ang daddy ni Tyron patungo sa...


akin.
” Ako na lang ang maghahatid sa’yo papalapit kay Tyron ”
” S-salamat po Daddy kahit papaano nabawasan ang lungkot ko sa pangungulila sa magulang ”
” From now on ituring mo na akong daddy at ituturing na kitang anak ”
” Salamat po daddy ”
One step closer
One step closer
I have died everyday, waiting for you
Darling, don’t be afraid, I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
Nang makalapit na ako sa harapan ng altar agad-agad akong niyakap ng mommy ni Tyron.
” You look Beautiful hija ”
” S-salamat po tita… ”
” Mom na lang since magiging asawa ka na ng anak ko ”
” Okay po mom ”
Pansin kong tulala si Tyron ng makita niya ako tsaka may kaunting laway na tumulo sa labi niya tumawa ako ng kaunti.
” A-anong nakakatawa honey huh? ”
” Honey talaga! Ano yung laway mo kasi ”
” Pasensya na tulo laway ko sa kagandahan mo your the most beautiful girl na nakita ko in my whole life ”
” Nambola ka pa ”
” I’m serious ang ganda ganda mo ngayon pang Miss Universe ang ganda ikaw ang Miss Universe ng buhay ko ”
” Ikaw talaga Tyron pero infairness gwapo mo ngayon honey ”
” Ano ka ba honey matagal na akong gwapo isa pa dahil sa kagwapuhan ko ikaw ang unang na fall ”
” Grabe siya oh! Ikaw kaya ang unang na fall ”
” No not me but you’re the one na unang na fall ”
” Oksy panalo ka na ”
Hinawakan na ni Tyron ang mga kamay ko at nagtungo na sa harapan ng altar. Sa hudyat ni father nagsimula na ang seremonya ng kasal namin.
Nagbigay ng kaunting sermon si father sa amin at sa mga bisita.
Ilang sandali pa nagbigay na kami ng mensahe ni Tyron para sa isa’t isa.
” I, Almira Sanchez Villaluna take Tyron Villaluna as my loving husband from richer and poorer in sickness and health lahat ng mga problemang darating haharapin namin ng magkasama pagsisilbihan ka ng habang buhay at kahit pa tumanda ka ikaw lang ang mamahalin ko ” naiiyak kong saad sabay suot ng singsing sa daliri niya.
Si Tyron naman ang sunod na nagbigay ng wedding vows.
” I, Tyron Villaluna mangangakong mamahalin si Almira Sanchez Villaluna habang buhay sa hirap o ginhawa in sickness and health sa saya at lungkot at kung may mga problemang dumating sabay natin itong hahanapin ng magkasama at kahit pa tumanda ka ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba pangako itaga mo pa sa malalaki bato ” saad ni Tyron sabay suot ng singsing sa mga daliri ko.
” You may now kiss your beautiful bride ” saad ng pari.
Tinanggal ni Tyron yung Belo sa ulo ko nilapit ang mukha niya sa mukha ko sabay halik sa labi ko ng sobrang tamis.
” We’re married ” saad ko
” Yeah ” saad ni Tyron habang naluluha.
For the first time ngayon ko lang nakitang umiiyak si Tyron at grabe ang cute niya kapag umiiyak.
” I love you misis Villaluna ”
” I love you more mister Tyron Villaluna thank you for fulfilling your promise ” This time ako naman ang humalik sa kanya.
Nagpalakpakan ang mga bisita sa loob ng simbahan at humirit pa ng isang halik siyempre pinagbigyan namin sila ni Tyron.
” Ano na Almira susundan na ba natin si Baby Chloe? ” Naka ngiting tanong niya.
” Napaka pervert mo talaga Tyron! ” Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
” Aray naman! ”
Nagtawanan lang kaming dalawa ni Tyron. Sabi nila forever does not exist but ibahin mo ako i believe na may forever talaga at yun ay sa piling ni Tyron Villaluna ang pinaka gwapo kong asawa.
Sabi nga nila love is like a rosary that full of mystery.
Hanggang kasama ko si Tyron sa biyaheng ito makakaya kong lagpasan ang mga problemang darating pa lamang alam ko nag-uumpisa pa lang kami ni Tyron sa paglalakbay pasasaan ba eh mararating din namin ang finish line ng magkasama.
Agad akong binuhat ni Tyron palabas ng simbahan isa isang hinagis ng mga bisita ang talulod ng mga bulaklak ng cherry blossom at Sabay-sabay na sumigaw ng mabuhay ang bagong kasal ng napakalakas.
” Insan congrats ”
” Salamat insan ”
” Ate Almira kuya Tyron congrats po sa inyo basta pagbalik ninyo mula sa italy kailangan may pamangkin na ako ”
” Oo nga hija gustong gusto na namin ng dad mo na magkaroon ng apo ”
” Mie i want a baby boy po please? ” Naka ngiting saad ni baby Chloe sa amin ni Tyron.
” Ikaw talaga Baby Chloe ”
Agad kaming sumakay ng bridal car ni Tyron siyempre si Tyron ang nagmaneho.
” Sa hotel na? ”
” Sira! May reception pa uy ”
” Huwag na tayong tumuloy gusto ko ng matikman ka ”
” Ikaw talaga Tyron! ”
” Sige na honey? ”
” Ewan ko sa’yo honey ”
Pagkatapos ng reception ay dumeretso na kami ni Tyron sa hotel room namin kung saan kami mag stay ng buong gabi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top