MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 10


MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 10
Nagising si Clara dahil pakiramdam niya ay masusuka siya at yun nga ang nangyari.Nagmadali siyang pumunta sa banyo at sa bowl siya sumuka. Pinagpapawisan rin siya. Di niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Mabuti na lang ay nasa kompanya na ito kaya hindi ito mapapansin ang nangyayari sa kanya. Wala naman siguro siyang malalang sakit diba?
“Goodmorning Manang” masayang bati niya kay Manang Cely. Nakita niya itong nagluluto sa kusina. Kaya pinanood niya na lang ito.
“Ohh Clara gising ka na pala, ano may gusto ka bang ipaluto?” tanong sa kanya nito. Agad naman siyang umiling.
“Si Tyron po maagang Umalis?”pag-uusisa niya kay manang tungkol sa asawa niya.
” Ahh oo sabi nga daw ay bantayan kita, naguguluhan ang asawa mo dahil sa pagbabago sa mga kilos mo at sa pagkain, akala ko ay ako lang ang nakakapansin, ang asawa mo rin pala”makahulagang sabi nito sa kanya.
” Manang di kaya may sakit ako?” agad tuloy napalingon sa kanya ang matanda.
“Paano ka naman magkakasakit, alagang alaga ka dito sa mansyon pati sa asawa mo” wika ni Manang Cely sa kanya.
“Manang ito na po yung pinabili nitong tinapay” sabi ng kadarating lang na katulong mukhang naggrocery ang mga ito at may binili sa labas.Tumango lang ang matanda dito.
“Magandang umaga” bati niya sa katulong kaya napangiti ito na parang di makapaniwala sa pagbati niya dito.
“Mas maganda pa po kayo sa umaga. Sana oll ma’am kasing ganda niyo” sabi ng katulong sa kanya kaya mahina siyang napatawa.
Napatingin siya sa lamesa nakita niya doon ang tinapay na kabibili lang at ilang palaman para dito. Nanubig tuloy ang bagang niya.
“Iha di ka ba magkakanin? Iyan nalang ang kakainin mo?” tanong ni Manang Cely sa kanya. Tumango lamang siya. Agad siyang kumuha ng tinapay.Kinuha niya rin ang Nutella para ipalaman dito. Sarap na sarap siya sa kinakain. Mas dinamihan niya ang Nutella at kumain ulit. Nakatingin lang tuloy ang matanda sa kanya at pinagmamasdan siya.
“Manang ang sarap” sabi niya dito .
“Iha akala ko ba ay ayaw mo sa tsokolate?” biglang siyang napaisip sa sinabi ni Manang, totoo iyon ayaw na ayaw niya sa tsokolate.
“Di ko nga ren alam Manang, pero ang sarap po talaga, di ko alam na ganito ka sarap ang Nutella” naguguluhan tuloy ang matanda sa inaasal niya.
Nagpatuloy naman si Manang Cely sa pagluluto hanggang sa matapos ito. Nilapag nito ang mga pagkain sa lamesa para sa kanya.
“Manang bakit amoy panis?” tanong niya sa matanda.
“Ang alin ba, Iha?” kunot noong tanong ni Manang sa kanya.
“Yung paksiw na bangus po amoy panis” iyon naman talaga ang naamoy niya. Paborito niya ang paksiw pero bakit nasusuka siya ng maamoy ito.
“Pero Clara Kakaluto ko lang niyan” wika ni Manang Cely sa kanya. Kumuha siya ng kunyara upang tikman ito .Pero isusubo pa lang niya ay agad na siyang nakaramdam na masusuka siya kaya tumakbo siya papunta sa lababo at doon sumuka.
“Ano ka bang bata? Anong nangyayari sayo? Wala ka namang sakit” alalang sabi sa kanya ng matanda.
“Ala manang baka ano baka preggy si Ma’am Clara” sabi ng isang katulong.Agad kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
“Mila, Anong bang sinasabi mo diyan? Ituloy mo na...


lang ang trabaho mo” may awtoridad na sabi ng matanda. Ito naman ang mayordoma ng mansyon.
“Ahh ano kasi manang tingin ko baka buntis si Ma’am Clara kaya siya ganyan, tingin ko lang po” magalang na sabi nung Mila.Nabigla siya sa narinig. Siya buntis? Sa bagay isang buwan na rin simula nung may naganap sa kanila ni Tyron.
“May nangyari na ba sa inyo?” tanong ni Manang Cely kaya tumango siya rito dahil iyon ang totoo.
“Mukhang tama si Mila, iha baka buntis ka nga” sabi ng matanda na natutuwa habang sinasabi ang mga katagang iyon.
“Pero manang di naman sigurado” giit niya.
” Ay nako Iha edi alamin natin” sagot ng matanda sa kanya.
“Manang meron akong pregnancy test diyan, bumili kasi ako noon ehh di ko naman nagamit yung isa. Bigay ko na lang po kay ma’am Clara” sabi nung Mila.
“O sige kunin mo para malaman na natin”utos ni Manang dito.
” Manang eto na po”agad itong nakabalik. Inabot nito kay Manang ang sinasabi nitong pregnancy test pagkatapos ay Inabot naman ni Manang sa kanya.
“Siguro naman Iha alam mo paano gamitin yan?”
Agad siyang pumunta sa pinakamalapit na C.R. At ginawa kung ano ang nakalagay doon. Hinihintay niya lang ang resulta.kapag isang guhit hindi ka buntis kapag dalawa buntis ka. Dalawa ang lumabas. Buntis siya!!! Nakaramdam siya ng labis na saya. Magkakaanak na sila ni Tyron. Bakit di niya ba agad naisip na buntis siya? Pero di bale na lang dapat ay maging masaya lang siya sa nalaman.
“Manang positive buntis nga ako”sabi niya kay Manang Cely.Niyakap siya ng matanda.
“Buntis ka ma’am Yey!!!! Matutuwa po si sir Tyron nito” sabi nung Mila habang nagwawalis.
“Masaya ako para sayo at magkakaanak na kayo ni Tyron, hindi na mag-iisa ang batang iyon, makakaranas na rin siya ng tunay na saya at di na mawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ito ang pinakamagandang regaling pwede kong ibigay sa asawa mo”sabi ni Manang sa kanya. Di maintindihan ni Clara ang sinabi ng matanda.
“Ano po?” pagtatanong niya dito.
“Birthday ni Tyron bukas” sagot nito sa kanya.
“Talaga po? Bat di niyo agad sinabi sa akin?” may halong pagtatampo niyang sabi.
“Akala ko naman ay sinabi ng asawa mo sayo,” wika nito sa kanya.
“Edi may regalo na agad ako, Manang” sabi niya at ngumiti.
“Basta kasama ka niyang mag celebrate ng birthday niya ay regalo na yun para sa kanya. Pero mas sasaya yun kung malalaman niyang magiging tatay na siya at magkakaanak na kayo” makahulugang sabi ni Manang Cely sa kanya.
“Wag niyo po agad sabihin manang gusto ko siyang isorpresa”sabi niya dito bago siya umakyat pabalik sa kwarto nila.
” Happy birthday Love, sana magustuhan mo ang magiging gift ko sayo bukas”bulong niya. Sigurado naman siyang magugustuhan ito ng asawa. Dahil alam niyang gusto nitong magkaanak sa kanya. Ilang beses din nilang napag-usapan iyon.
Tomorrow is her husband birthday and that day she will tell him that she’s pregnant!!!gustong gusto niya ng sabihin agad dito pero gusto niya rin matanggap nito ang pinakamagandang regalo na maihahandog niya sa asawa.
She loves Tyron very much just like how he loves her.
Gusto niya na agd na malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Tyron.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa😍❤️






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. I found your website on google. allowed me to really understand this topic. I have read most of them and got a lot from them. You have something good going here, keep it up!

  2. You made various fine points there. I did a search on the issue and found most people will go along with with your blog.

  3. next pls…

Leave a Reply


top