MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 11


MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 11
Maagang gumising si Clara para maabutan niya si Tyron. Ang aga kasi lagi nitong pumunta sa kompanya kahit ito naman ang may ari noon. Isa pa ito ang araw ng kaarawan ng asawa niya. Kinuntsaba niya na sila Manang Cely at ang mga katulong para sa sorpresa niya dito.
Agad siyang bumangon at lumabas ng kwarto nila. Gusto niya itong ipaghanda ng almusal.She’s his wife kaya responsibidad niya iyon.
“Ang aga mo naman gumising Ma’am Clara excited ka na noh?”sabi ni Mila sa kanya noong makasalubong niya ito.
” Asan si Manang Cely? “tanong niya dito.Hindi niya kasi ito makita sa loob ng kusina.
“Namimili po nung gagamitin mamaya yung para sa surprise niyo kay sir Tyron, yung mga lulutuin alam niyo na” pagsagot nito sa kanya ng may ngiti sa labi.Tumango nalang siya rito.
“Mas gusto po ba kayong kainin? Sabi ni manang ay asikasuhin ko daw kayo.” agad naman siyang umiling dito.
“Okay lang ako, ipaghahanda ko lang ng agahan si Tyron at sasama ako mamaya sa kompanya, tulungan mo si Manang sa pag-aayos ha” bilin niya kay Mila.
“Oo naman Ma’am Clara, maasahan niya ako, o sige po may gagawin pa ako, tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo” umalis na ito sa kusina.
Nagpriprito siya ng itlog ng maramdamang niyang may yumakap sa bewang niya, alam niya kung sino iyon, si Tyron. Isinuksok nito ang ulo sa leeg niya at hinalikhalikan iyon.Mabilis naman itong naluto kaya humarap na siya rito .
“Good morning wife” malambing na sabi nito sa kanya.
“Morning rin”sabi niya rito.Ngumiti siya dito ng pagkatamis tamis.
” Bat ikaw ang nagluluto asan si Manang Cely? “kunot noong tanong nito sa kanya.
” Ahh wala may pinabili lang ako, bakit ayaw mo ba sa luto ko? “tanong niya dito at tinaasan ito ng kilay.Nagmomood swing na naman siya. Ganito ba talaga kapag buntis?
” I was just asking”mahinahong sagot nito sa kanya.
“Okay” walang gana niyang sagot dito.
“Sama ako mamaya sa kompanya mo ha” sabi niya sa asawa habang nakain sila. Fried rice, egg, bacon, hotdog yun lang ang nakayanan niyang lutuin. Rice and bacon with egg ang kinakain ni Tyron habang siya ay bread lang na may palamang Nutella.
“Why?”tanong nito sa kanya. Kailangan ba may dahilan para makasama siya rito.
” Wala lang gusto ko lang. Kailangan ba may dahilan pa ha?”sabi niya pagkatapos ay kumagat ulit sa tinapay.
” I thought you hate chocolates, di na kumakain niyan dati di ba?Bakit ka nagpalaman ng Nutella? “nagtatakang tanong ni Tyron sa kanya.
” Nalaman kong masarap naman pala. Basta sama ako sayo sa company. “sagot niya na lang dito.
“Wife do you find something special bout this day?” tinutukoy kaya ni Tyron ang birthday nito. Siyempre alam niya. Pero di niya agad sasabihin.
“Wala naman. Holiday ba ngayon?” di naman ito umimik at itinuloy ang pagkain. She something different sa mga mata nito. Akala siguro ni Tyron ay hindi niya alam na birthday nito.
“Bakit ano bang meron ngayon?” pagtatanong niya ulit dito.
“Nothing just forget what I said” walang emosyon nitong sagot. Napatango na lang siya. Mukhang malungkot ito dahil akala nito ay hindi niya alam.
Natapos rin silang kumain. Nauna itong umakyat para pumunta sa kwarto nila at sumunod naman siya.
“Oyy bihis ka na agad? Di mo ko iintayin” sabi niya kay Tyron. Halata sa boses niya ang pagtatampo. Nakasuot na kasi ito ng business suit. Tapos siya nakapajama pa rin.
“No sumunod ka nalang, wife. Kailangan na ako sa company” sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay humalik sa pisngi niya bago lumabas ng kwarto. Dapat pala sinabi niya lang na alam niyang birthday nito. Sabagay makakabawi naman siya sa surprise niya dito mamaya.
Pagkatapos magbihis para sa pagpunta niya sa kompanya ay bumaba na ulit siya. Red dress lang ang suot.
“Ma’am Clara parang ang sama ng gising ni Sir Tyron, yung awra niya kasi, nag-away kayo?” curious na tanong ni Mila sa kanya habang nagwawalis ito.
“Akala niya di ko alam na birthday niya” pagsagot niya dito.
“Kaya naman po pala, di bale may surprise naman kayo sa kanya mamaya diba?” sabi ni Mila sa kanya at mahinang tumawa.
“Ang ganda rin kaya nung regalo ko” dagdag niya pa sa sinabi nito.
“Siyempre naman ma’am basta galing sa inyo the best yun sa kanya. Ehh ang regalo mo ay baby at magkakaanak kayo edi the best of the best. Siguradong matutuwa yun.” sabi ulit ni Mila.
“O sige alis na ako” ngumiti na lang ito sa kanya. Kaya naglakas na siya papalabas ng mansyon. Hayahay ang buhay wala siyang bantay. Pero may driver siya siyempre.
Sumakay sa siya ng kotse. Pagkapasok niya ay pinaandar na agad ng driver niya ang sasakyan. Mukhang nagbilin dito si Tyron.
Bigla naman may tumawag sa kanya. Ang mama niya pala.
“Hello mommy” sabi niya dito na parang excited.
“Ohh anak ang saya mo ata, so ano balita may apo na ba kami?” tanong ng mommy niya.Siyempre di niya muna sasabihin sa mga ito kay Tyron muna.
“Bat po pala kayo napatawag?” wika niya dito.
“Anong regalo mo sa asawa mo? Birthday ng asawa niya ngayon and everybody knows it.Well your husband is famous ” sabi ng mommy niya kaya pala nagtatampo ito dahil alam ng lahat tapos akala nito ay hindi niya alam.
“I have the best gift” confident niyang sagot.
” Good. Binati mo na ba siya?” tanong ng mommy niya sa kanya.
“Not yet mom kaya akala niya ay hindi ko alam”...


pagsasabi niya ng totoo.
“Then greet him, dapat ikaw ang unang bumati sa kanya, asawa ka niya” pangangaral ng mommy niya.
“I know mom may surpresa ako sa kanya. Siyempre kunwari hindi ko alam na birthday niya diba.” pagpapaliwanag ni Clara sa mommy niya.
“Don’t hurt your husband feeling, honey.” paalala ulit ng mommy niya.
“Love you mom, goodbye.” sabi niya at pinatay ang tawag.
Agad siyang lumabas ng kotse pagkatapos ay pumasok sa kompanya.
“Good morning ma’am Clara” bati sa kanya ng mga empleyado.
“Good morning rin sa inyo” bati niya sa mga ito.
Sabi ng mommy niya alam ng lahat na kaarawan nito pero bakit wala naman kasiyahan sa kompanya?
“Alam niyo hindi ko alam kung bakit parang hindi cinecelebrate ni Sir Tyron ang kaarawan niya para may kasiyahan sa kompanya diba?” rinig niyang sabi ng isang empleyado.
“parang wala lang naman daw sa kanya, sino kasi ang kasama niya magcecelebrate di ba wala na ang pamilya niya tapos sabi nila mukhang di naman daw sila ayos ng asawa niya” rinig niyang sabi pa ng isang empleyado. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.
“Don’t you know that go sipping is not allowed while working? Gusto niyo bang mawalan ng trabaho?” sabi niya sa mga ito. Moodswing na naman siya. Para siyang mangangain ng tao sa asal niya.
“Sorry ma’am” sagot ng mga ito pero di niya na ito sinagot at Umalis na doon. Pumasok siya ng elevator at pinindot saang floor ang office ng asawa niya.
“Get out of my office!!!” rinig niyang sigaw ni Tyron. Lumabas sa loob ang ilang empleyado.
“Ma’am Andiyan po pala kayo mukhang mainit ang ulo ng asawa niyo” sabi ng isang empleyadong babae sa kanya.
“Ang aga aga sumisigaw ka” sabi niya pagkapasok niya sa opisina nito. Naabutan niya itong nakaupo sa swivel chair at hawak ang sentido nito.
“The hell I care, their not doing they fucking job, how many times do I have to them what will they do!! They just do the same,” mukhang galit ito. Pero bakit siya sinisigawan nito? Nanunubig tuloy ang mata niya.
“Ehh bakit pati ako sinisigawan mo ha?!” balik niyang sigaw dito.May tumutulong luha sa mata niya.
“I’m sorry wife, I don’t mean to shout at you, I was only mad” pagpapaliwanag nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya pagkatapos ay pinunasan ang mga luha sa mata niya. Ipinilig niya ang ulo niya. Naiinis siya dito. Kung alam lang nito na buntis siya.
“Kanino ka galit sakin ha?!” tanong niya dito.
“Of course not, why would I be mad at you” sagot nito sa kanya.
“Sorry Di ko agad nasabi Happy Birthday sayo” sabi niya at naglakad para Iwan ito sa opisina. Nakita niyang napahilot ito sa sentido bago siya tuluyang lumabas ng opisina.
“Babalik ako, Bibili lang ako ng pizza, kung di lang kita mahal sinakal na kita Tyron!!!Tignan ko nalang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang regalo ko sayo! Tapos may surprise pa ako sayo! Hayss!!” sabi ni Clara naglalalakad palabas ng kompanya.
Naisip niyang wag na lang siya ang bumili kaya nagpabili siya sa isang empleyado at sinabi niyang dalhin na lang sa opisina ng asawa niya.
Pumasok siya ulit sa opisina ni Tyron.
” I thought you already left” mahinahong sabi nito sa kanya. Tinaasan niya naman ito ng kilay.
“Nagpabili lang ako sa empleyado mo” walang emosyong sabi niya dito.Sabi niya at umupo sa sofa.
“I thought hindi mo alam” sabi nito sa kanya.
“Of course I know duhh asawa mo ko” mataray niyang sagot. Nakarinig naman siya ng mahinang tawa.
“Ma’am Clara ito na po yung pizza niyo” sabi ng empleyado pagkapasok sa opisina ni Tyron. Si Tyron ay nakatingin lang dito. Ang bilis naman kakautos niya lang dito.
“Salamat” sabi niya at ngumiti. Lumabas na ito ng opisina.
“Pizza?” tanong ni Tyron sa kanya.
“Hinde cake, alam namang pizza ehh” sabi niya at binuksan ang box ng pizza.
“Can I have some?” tanong ulit ni Tyron sa kanya.
” No kung gusto mo mag-utos ka ng sayo, akin lang to” sabi niya dito pagkatapos noon ay di niya pinansin si Tyron.
Naubos niya na ang pizza pero di niya pa rin ito pinapansin. Nakatingin lang ito sa kanya. Bigla namang may tumawag sa kanya. Kaya tumayo siya para sagutin ito.
“Hello” pagsagot niya.
“Ma’am Clara ayos na po lahat,” boses iyon ni Mila.
“Ang bilis naman” sabi niya dito.
“Siyempre ma’am lakas mo samin ehh, dalhin mo na si sir Tyron dito para nakita niya surprise mo diba” sabi ulit ni Mila.
“Oo naman” sagot niya dito.
“Geh tawag na ako ni Manang Ma’am Clara” at namatay ang tawag.Maglalakad na sana siya papunta ulit sa sofa pero nasa harapan niya na si Tyron.
“Oyy tabi nga diyan” pero di ito umimik. Bigla siya nitong kinabig at hinalikan siya.
“Sorry wife I won’t shout at you again” sabi nito sa kanya.
“Okay, pero sa isang kondisyon” sa sabi niya dito.
“What is it?” tanong nito sa kanya.
“Uwi na tayo please!!! It’s your birthday no work muna” sabi nito natawa naman ito ng mahina.
“If that’s what you want” sabi nito sa kanya.
“I’m sure youll love what’s my surprise for you, you won’t get over at it” bulong niya.
“Wife are you saying something?” tanong ni Tyron habang nasa kotse sila.
“Nothing” sabi niya dito at ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. Para siyang kinikilig sa ginawa nito. Iba talaga ang buntis aba.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa😍❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top